PULIS MAGTUTUROK SA MGA KABATAAN?

BUKOD sa perimeter security sa mga vaccination centers, bukas din ang Philippine National Police (PNP) sa posibilidad ng pangangasiwa sa pagbabakuna sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 – sakaling kailanganin. “The Medical Reserve Force is on standby and is ready for deployment to help facilitate the inoculation process should our LGUs require assistance in their local vaccination programs,” pahayag ni PNP chief General Guillermo Eleazar. Ayon pa kay Eleazar, handa na rin ang kanilang hanay para tulungan ang pamahalaan sa itinakdang araw ng  pagbabakuna ng mga menor de edad…

Read More

MOTORISTA SEMINAR MUNA BAGO LISENSYA

traffic

INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante na kailangan munang pumasa sa Comprehensive Driver’s Education (CDE) program o seminar bago magsumite ng application ang mga motorista na kukuha o magre-renew ng kanilang lisensiya. “Ito’y para sa mga magre-renew ng kanilang lisensiya, professional man o non-professional. Paglilinaw ni Galvante, nire-require ng batas na ang sino magre-renew ay kailangang dumaan muna sa parang refresher seminar, at para mabigyan umano ang mga motorista ng sapat na panahon para makumpleto ang kanilang CDE requirement ay pinalawig pa ng ahensiya ng dalawang buwan mula sa…

Read More

MAAGANG PAMASKO NI DANAO SA MPD

NAGMISTULANG pasko ang Manila Police District Headquarters sa pagbisita ni National Capital Region Police Office chief Major General Vicente Danao na nagpa-raffle ng sobre-sobreng pera sa hanay ng mga pulis-Maynila. Ayon kay MPD District Director Brigadier General Leo Francisco, bandang 3:00 ng hapon nang salubungin nito si Danao na nagbigay pagkilala sa 27 pulis, kabilang ang mga mababa ang ranggo at maging mga non-uniformed personnel (NUP). Kabilang sa mga binigyang parangal si Lt. Col. Harry Lorenzo lll na hepe ng Jose Abad Santos Police Station. Bukod kay Lorenzo, humakot din…

Read More

2 TUMBA SA PANDEMYA SA VALENZUELA

DALAWA ang patay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 28 habang 320 ang active cases matapos na 24 ang nagpositibo sa virus at 36 ang gumaling. Pumalo na sa 35,376 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,237 na ang gumaling at 819 ang namatay. Wala namang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Malabon City sa nasabing araw ngunit walo ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 21,136 ang positive cases sa siyudad, 105 dito ang active cases. Ang mga bagong…

Read More

ALERT LEVEL 2 SA NCR POSIBLE SA NOV

MALAKI ang posibilidad na ilagay sa mas pinaluwag na Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng reproduction rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). “Nakikita natin very likely ‘yun. Nakikita natin na bumababa na ang reproduction rate– Nasa (zero) point 52 percent and then also yung positivity ay bumababa na rin,” ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., na siya ring chief implementer of the National Task Force (NTF) against COVID-19. Ani Galvez, kasalukuyang nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pandemic response sa mga high-risk…

Read More

MOTORISTA LUBAYAN SA PMVIC INSPECTIONS

MARAPAT na hakbang ang pormal na pag-isyu ng memorandum na nagsususpinde sa mandatory vehicle inspection ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs), ayon kay Sen. Grace Poe. Inaasahan ni Poe na ang implementasyon ng naturang memo ay magpapahupa sa kalituhan ng mga vehicle owner at motorista sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. “Bibigyan nito ng katiyakan ang mga vehicle owner at motoristang pumili ng mas maginhawang posisyon sa gitna ng sala-salabid na hamon ng pandemya,” sabi ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services. Ang naturang memo ay inisyu…

Read More

ALERTO ITINAAS PARA SA UNDAS

INILAGAY sa mas mataas na antas ng alerto ang lahat ng daungan sa buong bansa bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero kaugnay ng nalalapit na Undas. Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Vice Admiral Leopoldo Laroya, nasa heightened alert status na ang lahat ng kanilang operating units simula ngayong araw hanggang Nobyembre 3 ng kasalukuyang taon upang tiyakin ang seguridad ng mga pasaherong inaasahang uuwi para gunitain ang kanilang mga pumanaw na kaanak sa Araw ng Patay. “I have directed concerned units to ensure maritime security and safety in…

Read More

Malapit sa PCP station BRGY. CHAIRMAN, 1 PA SUGATAN SA PAMAMARIL

NAKATAKDANG ipatawag ng Pasay City Council si Pasay City Chief of Police Col. Cesar Paday-os matapos ang insidente ng pamamaril noong Linggo sa barangay hall na ikinasugat ng barangay chairman at tauhan nito sa Maricaban, Pasay City. Napag-alaman ng mga konsehal na walang pulis sa bisinidad nang mangyari ang insidente kung saan malapit sa barangay hall ang isang PCP station. Nais ng mga konsehal ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa pangunguna ni Vice Mayor Bhoyet Del Rosario, na magpaliwanag si Col. Paday-os sa kawalan ng mga pulis sa lugar…

Read More

MALABON, VALENZUELA MAY TIG-ISANG PATAY SA COVID-19

ISA ang patay dahil sa COVID-19 sa Malabon City habang 14 ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 27. Sa kabuuan ay 21,128 ang positive cases sa siyudad, 103 dito ang active cases. Habang dalawang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 20,385 ang recovered patients ng siyudad habang pumanhik sa 640 death toll Isang COVID patient din ang namatay sa Valenzuela City noong Oktubre 27 habang 334 ang active case matapos na 13 ang gumaling at 47 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 35,352…

Read More