NAGYABANG NG BARIL, DINAMPOT NG PNP-PRO5

MASBATE – Bagsak sa kulungan ang isang lalaking nagwawala at ipinagyayabang ang kanyang baril, nang damputin ng mga tauhan ng PNP-Regional Police Office 5 na nasa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, noong Huwebes ng umaga sa Sitio Barayong, Brgy. Poblacion, sa munisipalidad ng Baleno sa lalawigang ito. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Maria Luisa Calubaquib, swak sa kalaboso ang suspek na kinilalang si Ramil Bajar y Luvedesis, 44-anyos, walang trabaho at residente ng nasabing lugar. Ito ay resulta ng alistong pagresponde ng mga tauhan ng Baleno MPS sa sumbong ng…

Read More

4 TULAK NABITAG SA P68K SHABU

CAVITE – Tinatayang sampung gramo ng umano’y shabu na tinatayang P68,000 halaga, ang nasamsam sa arestadong apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang magkasunod na buy-bust operation sa Bacoor City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga inaresto na sina Francisco Catolico, 43; Glenn Ariola, 37; Presdan Baranda, 38, pawang mga residente ng Brgy. Zapote 1, at Leandro Bizares, 43, ng Sitio Silangan, Brgy. Talaba 7, Bacoor City Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng Bacoor City Police, dakong alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust…

Read More

6 SAKAY NG SUV DINUKOT SA HIGHWAY

road

BATANGAS – Anim katao ang dinukot ng armadong kalalakihan sa national highway sa Brgy. Niyugan sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Ayon sa report ng Laurel Police, sakay ang mga biktima ng Mitsubishi Xpander at tinatahak ang Nasugbu-Tagaytay Highway patungo sa direksyon ng Tagaytay nang harangin ang mga ito ng apat na SUV. Bumaba ang nasa 10 armadong kalalakihan at pwersahang inilabas mula sa Xpander ang mga biktima at isinakay sa isang puting Starex na hindi naplakahan. Kinilala ang mga tinangay na sina Eugene Noora, isang alyas Shane…

Read More

JAZZ PERPEKTO SA 4-0

utah jazz

UMISKOR si Bojan Bogdanovic ng 19 at pitong Utah Jazz players ang may double figures sa 122-91 win kontra ­­Houston Rockets. Ikaapat na sunod na panalo ito ng Utah, pinakamagandang start mula noong 2006-2007 season. Bukod kay Bogdanovic, sina Rudy Gobert, Donovan Mitchell, Eric Paschall, Hassan Whiteside, Jordan Clarkson at Joe Ingles ay umiskor din ng double figures. Si Christian Wood naman ang nanguna sa ­Houston, 16 points habang si  Fil-Am player Jalen Green ay may 13 points mula sa 3-of-16 shooting. Sablay ang walo niyang 3-point attempts. May 14…

Read More

KNICKS NAKATAKAS SA BULLS

NAGPAKATATAG sina Kemba Walker (21 points), RJ Barrett (20 points) at ibinalik ng New York Knicks sa lupa ang Bulls, nang ipalasap dito ang ­unang kabiguan sa season via 104-103 sa Chicago. Si Julius Randle ay may 13 points at 16 rebounds. Mula sa bench ng New York, tumulong si Derrick Rose at umiskor ng 12 points laban sa former team niya tungo sa ikalawang sunod na panalo ng Knicks para umangat sa 4-1. Sa kabila ng torn ligament sa left thumb, umiskor si Chicago star Zack LaVine ng 25…

Read More

SPURS SILAT SA MAVS BALITANG NBA Ni VT ROMANO

spurs vs maverics

BALITANG NBA Ni VT ROMANO   INISKOR ni Luka Doncic ang 10 ng kanyang game-high 25 points sa fourth quarter nang tibagin ng Mavericks ang San Antonio Spurs, 104-99, Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila) sa Dallas. Kumapit ang Mavericks mula sa alley-hoop pass ni Doncic kay Dwight Powell tungo sa 86-84 lead, 8:33 sa laro. Pinalobo ito ng Mavs sa 11-point gap nang humirit si Doncic ng step-back 3-pointer makalipas ang 3 1/2 minutes. Nagdagdag si Jalen Brunson ng 19 points sa Mavericks, habang si Dorian Finney-Smith ay may…

Read More

HALALAN SA BARMM IPINAGPALIBAN

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na pagpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa ilalim ng kanyang pinirmahang batas, itinakda ang halalan sa nasabing rehiyon Mayo ng taong 2025. “Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” saad sa isang kalatas na ipinaskil sa Facebook. Aniya, ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang mangangasiwa sa nasabing rehiyon hanggang sa pagsapit ng 2025 mid-term-elections. Sa ilalim ng Bangsamoro Organic…

Read More

TAUHAN NG DENR NAANOD SA ILOG

lunod

QUEZON – Nawawala ang isang empleyado ng DENR CALABARZON IV matapos na ito ay anurin ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ng General Nakar Police ang biktimang nawawala na si Rigor Gallardo Santos, 30-anyos, residente ng Brgy. Katipunan Bayani, Tanay, Rizal, at Forest Monitoring officer ng DENR. Batay sa report ng General Nakar police, ang biktima kasama ang kanyang mga katrabaho ay nagsagawa ng monitoring and survey operation sa gagawing DENR plantation sa Sitio Binugawan, Brgy.…

Read More

CRIME RATE SA BICOL BUMABA NG 20 PORSYENTO

MULING pinatunayan ng buong hanay ng PNP Regional Police Office 5 ang determinasyon sa paghahatid ng dekalibreng serbisyo para sa mga Bicolano matapos na makapagtala sila ng 20.34% na pagbaba sa bilang ng mga kriminalidad sa rehiyon. Sa pamamagitan ng 4-point agenda na ipinatupad ni Bicol PNP chief P/BGen. Jonnel C. Estomo, RD, PRO5, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga krimen sa buong rehiyon. Simula nang panunungkulan ni RD Estomo noong Abril 2021 hanggang Oktubre 28, 2021 bumaba ng 20.34% ang kabuuang naitalang mga insidente na mas mababa ng…

Read More