HINDI lang vloggers na supporters ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang nag-aaway-away kundi maging ang grupo ng tinaguriang “dilawan at pinkalawan” na konektado sa grupo ni dating vice president at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo. Ito ang lumalabas matapos palagan ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang rebelasyon ni dating senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na kung nahalal na pangulo si Robredo ay hindi nito isusuko sa International Criminal Court (ICC) si Duterte. “I have always believed that principled disagreements can strengthen movements—if they are rooted…
Read MoreAuthor: admin 3
Imbestigasyon sa flood control funds pinagdududahan KAMARA ‘DI PUMIYOK SA ISYU NG 80 SOLONS NA CONTRACTOR
SA gitna ng agam-agam kung magiging makatotohanan ang ikinasang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa anomalya sa flood control projects, tila naman nasa ‘stage of denial” ang liderato ng Kamara sa isyu na marami sa kanila ang may construction company. Sa press conference, hindi nagbigay ng categorical na sagot si House spokesperson Atty. Princess Abante ukol sa isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson na umaabot ng 67 hanggang 80 congressmen ang contractor. “Wala po akong information dun sa binanggit na mga numero na diumano ay mga contructors. Hindi naman nag-expound…
Read MorePAMPANGA MAYOR BINITBIT SA EXTORTION
SUMALANG na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) kahapon ang alkalde ng San Simon, Pampanga na umano’y nasakote sa extortion na halagang P80 milyon. Kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), dumating sa DOJ pasado alas-5 ng hapon si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “JP” Punsalan Jr. para sumailalim sa inquest proceedings. Ito’y matapos maaresto ng NBI ang alkalde at ang umano’y mga kasabwat nito sa isang restaurant sa Clark, Angeles, Pampanga nitong Martes, Agosto 5, 2025 matapos silang maaktuhang tumatanggap ng suhol. Batay sa reklamo, humingi umano…
Read MoreP2.25-M HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT NG BOC AT PDEA
KATUWANG ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang anim na pakete na naglalaman ng high-grade variant ng marijuana o kush na tinatayang nagkakahalaga ng P2,253,800. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, sa iba’t ibang consignee nakapangalan ang anim na parcel na tinangkang ipuslit sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City. Matapos na markahan na kahinahinalang parsela ay lumitaw sa isinagawang physical examination…
Read MoreBiglaang rigodon sa PNP: BANAC BAGONG DEPUTY CHIEF FOR ADMIN
ITINALAGA bilang bagong Deputy Chief for Administration si Police Lt. Gen. Bernard Mollanida Banac—ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa pambansang pulisya—epektibo kahapon, Agosto 6. Si Banac ay beteranong opisyal na nagsilbing tagapagsalita ng PNP noong panahon ni dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde at kalaunan ay naging director for Plans, director ng PNP Training Service, at director ng Police Regional Office 8. Kilala si Banac sa loob ng organisasyon bilang propesyonal, may malawak na karanasan, at hindi nasasangkot sa pamumulitika—kaya’t tanggap ng marami ang kanyang pagtaas sa pwesto. Kasabay nito,…
Read MoreNGAYONG AGOSTO: LIBRE SAKAY SA MRT TUWING MIYERKOLES
SIMULA kahapon hanggang sa susunod pang Miyerkoles ay magpapatupad ng libreng sakay ang MRT-3 tuwing Miyerkoles sa buong buwan ng Agosto para sa mga pasaherong gagamit ng kanilang National ID sa pagsakay. Epektibo ang Libreng Sakay mula 9:00 AM hanggang 11:00 AM, at 6:00 PM hanggang 8:00 PM sa mga petsang Agosto 6, 13, 20, at 27. Ayon sa DOTr MRT 3, ang Libreng Sakay ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalaganap ang paggamit ng National ID. Target ng programa na kilalanin at gamitin ang national…
Read MoreHIGH TRUST RATINGS NG KAMARA INSPIRASYON NG MGA MAMBABATAS
ITINUTURING na inspirasyon ng mga kongresista ang mataas na ratings ng Kamara na patunay ng tiwala ng taumbayan. Ito ang iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong’ Ordanes matapos maitala ang 57% trust rating ng Kamara base sa resulta ng OCTA Research Tugon ng Masa survey noong nakaraang buwan mula sa 49% noong 1st Quarter survey. Umangat din sa 55% ang performance rating ng Kamara mula sa 47%. Ayon kay Ordanes, pagpapatunay lamang ito sa maayos at matatag na pamumuno ni Speaker Martin Romualdez. Dagdag ng mambabatas na ang…
Read MoreMERALCO KAISA NG ERC AT QUEZON CITY SA PAGSUSULONG NG PAGGAMIT NG RENEWABLE ENERGY
KAISA SA PAGSUSULONG NG RENEWABLE ENERGY. Nakipagtulungan ang Meralco sa Energy Regulatory Commission (ERC), at lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa pagsusulong ng mas malawak na paggamit ng renewable energy sources. Makikita sa larawan sina (L-R) Meralco Senior Vice President at Chief Revenue Officer Ferdinand O. Geluz, Quezon City Mayor Josefina “Joy” G. Belmonte, ERC Chairperson Monalisa C. Dimalanta, at Meralco Vice President at Head of Utility Economics Lawrence S. Fernandez noong pirmahan ng tripartite agreement nitong Agosto 4, 2025. Pormal nang nagtulung-tulong ang Manila Electric Company (Meralco),…
Read MoreMMDA Receives Three Sets of Adaptive Traffic Signal Lights from NLEX
The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), together with North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, installed three new sensor-based traffic signal lights in NLEX Connector Interchanges in three separate locations in Manila and Caloocan. Installed in C3 Road, Caloocan; España Boulevard (corner Antipolo St.); and Magsaysay Blvd. in Manila, the sensor-based traffic signal lights will help organize vehicle flow and manage pedestrian crossings in the said areas. According to MMDA Chairman Atty. Don Artes, there are 143,000 vehicles traversing in the said intersections that will benefit from the smart traffic signaling system.…
Read More