8 CYBERCRIME SUSPECTS TIMBOG SA UNANG ARAW NG HULYO

NASAKOTE ang walo katao sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa unang araw ng Hulyo bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa cybercrime. Ayon sa PNP-ACG, limang suspek ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong cyber libel, anti-photo and video voyeurism, at estafa. Tatlo pa ang nadakip sa entrapment operations dahil sa online scam, robbery, grave threats, at estafa. Bukod dito, anim na kasong cybercrime ang isinampa ng PNP-ACG habang nagsagawa rin ito ng 59 cyber patrol operations, na…

Read More

₱980-M SMUGGLED NA YOSI, NASABAT NG BOC SA CEBU

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang ₱980 milyong halaga ng smuggled cigarettes na nakatago sa 25 container vans sa isang private wharf facility sa Mandaue City, Cebu. Ayon sa BOC, nadiskubre ang mga pinaniniwalaang puslit na sigarilyo matapos ang ikinasang enforcement operation sa naturang pasilidad. Noong Miyerkoles, nagpalabas ang ahensya ng Letter of Authority at Mission Order sa ilalim ng Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) upang inspeksyunin ang 25 container vans. Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine…

Read More

P10-M ANIMAL QUARANTINE FACILITY, ITATAYO SA BULACAN

Pinangunahan ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando, kasama sina DA-Region 3 Regional Livestock Program Coordinator Gil David, Agricultural Program Coordinating Office representative Memito Luyun at Provincial Veterinarian Dr. Voltaire Basinang, ang paglagda sa Memorandum of Agreement para sa pagtatayo ng P10-milyong Animal Quarantine Facility sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan. Popondohan ito ng Department of Agriculture at isinagawa ang MOA signing sa Bulacan Capitol Compound sa Lungsod ng Malolos noong Hulyo 3, 2026. PORMAL nang lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Agriculture (DA) at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan…

Read More

40 TONELADANG BASURA, NAHAKOT MATAPOS ANG INC PROTEST SA LIWASANG BONIFACIO

AABOT sa 13 truck o tinatayang 40 toneladang basura ang nakolekta ng Department of Environmental Public Services (DEPS) matapos ang 24-oras na kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila. Ayon kay DEPS Director Kenneth Amurao, naging maayos ang cleanup operation dahil naipon na ng mga miyembro ng INC ang kanilang mga basura, na karamihan ay pinagkainan at mga lalagyan ng inumin. Kaagad ding nagsagawa ng flushing operation sa buong Liwasang Bonifacio upang maalis ang anomang masamang amoy, kabilang ang mula sa mga inilagay na portalets.…

Read More

1-YEAR EXTENSION NI PBGEN. MARANTAN, HIRIT NG DILG SA NAPOLCOM

HINILING ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (Napolcom) ang isang taong extension sa serbisyo ni Police Brig. Gen. Hansel Marantan. Kinumpirma mismo ni Secretary Remulla ang kahilingan sa isang text message sa mga mamamahayag nitong umaga sa Camp Crame. Batay sa dokumento, layunin ng extension na matiyak ang pagpapatuloy ng pagpapatupad ng mga kritikal at high-impact operations na kasalukuyang pinamumunuan ni Marantan. Sa kasalukuyan, si Marantan ang Director ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) at nakatakdang magretiro ngayong Hulyo sa…

Read More

6,000 PULIS, IDE-DEPLOY SA SENADO PARA SA IMPEACHMENT PROCEEDING

KASADO na ang security plan ng Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang impeachment proceeding ni Vice President Sara Duterte sa Senado sa Lunes. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co, tuloy-tuloy ang intelligence monitoring upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa paligid ng Senado. Magsasagawa rin ang PNP ng final coordinating conference kasama ang iba’t ibang police units upang plantsahin ang huling detalye ng security plan. Tinatayang nasa 6,000 pulis ang ide-deploy sa paligid ng Senado upang tiyakin ang seguridad ng lugar at…

Read More

INTON: IBALIK ANG JUDICIAL DETERMINATION SA MGA KASONG NON-BAILABLE

NANINIWALA ang batikang abogado na si Atty. Ariel Inton na dapat nang pag-isipang ibalik ang judicial determination bago magpalabas ng warrant of arrest sa mga kasong non-bailable. Ang pahayag ay kasunod ng pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta nitong Huwebes. Ipinaliwanag ni Inton na ang plunder ay may rekomendasyong no bail, kaya kapag nakapaglabas ng warrant of arrest ang korte ay maaari nang arestuhin at ikulong ang akusado habang dinidinig ang kaso. Ayon sa abogado, noon ay sapat na ang probable cause…

Read More

GSIS, PINALAWAK ANG BALIK GINHAWA 2; MAS MARAMING MIYEMBRO MAKATATANGGAP NG REFUND

MAS marami nang miyembro at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) ang makikinabang sa pinalawak na Balik Ginhawa 2 Program, ayon sa Malakanyang. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang tulong-pinansyal para sa mga miyembro ng GSIS. Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ng refund na katumbas ng hanggang anim na buwang qualified loan amortizations para sa mga bayad mula Disyembre 2025 hanggang Mayo 2026. Maaari na ring makinabang ang…

Read More

PLUNDER CASE VS. MARCOLETA, PANANAKOT SA MGA LUMALABAN SA FLOOD CONTROL SCAM – CAYETANO

IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang nakaambang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta ay isang paraan ng pananakot sa mga bumabatikos sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Sa ambush interview noong Hunyo 30, sinabi ni Cayetano na “nonsense” ang kaso at bahagi umano ito ng panggigipit sa mga kritiko ng administrasyon. “Lutang na lutang na ito’y may kasamang chilling effect sa lahat ng tutuligsa sa gobyerno,” ani Cayetano. Si Marcoleta ay nakatakdang sampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at indirect bribery…

Read More