PUNA ni JOEL O. AMONGO NANINIWALA si Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste na may mas mataas pa na gumagamit kay Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District Engineer Abelardo Calalo kaya nagawa nitong tangkain siyang suhulan kamakailan sa Taal, Batangas. Bunsod nito, gusto ni Cong. Leviste na maging state witness si Engineer Calalo para ituro nito ang malalaking isda na nasa likod ng maanomalyang flood control projects sa 1st District ng Batangas. Ayon sa mambabatas, sinabi ni Engineer Calalo na ang ibibigay sanang P3.1 milyong suhol sa…
Read MoreAuthor: admin 3
GHOST PROJECTS SA BULACAN PINONDOHAN NG DUTERTE ADMIN?
PROYEKTO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang flood control projects sa Bulacan na umano’y substandard. Ito ang nilinaw ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na nangangalap ng mga dokumento bilang paghahanda sa isasagawang imbestigasyon ng Tri-Infra Committee sa mga anomalya sa flood control projects. Inihalimbawa ng mambabatas ang P96.4 million “Rehabilitation of River Protection Structure sa Bulusan, Calumpit, Bulacan na ipinatupad ng DPWH First District Engineering Office at St. Timothy Construction…
Read MoreSOLONS: MARCOS UNAHIN SA LIFESTYLE CHECK
(BERNARD TAGUINOD) SI Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat mauna sa kanyang iniutos na lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng ilang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa flood control project. Ayon ito kina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Co. Bagama’t sinusuportahan umano ng dalawang mambabatas ang kautusan ng Pangulo, mas kapani-paniwala anila kung siya ang maunang sumailalim sa lifestyle check dahil sa sistematikong corruption sa ilalim ng kanyang administrasyon. “Marcos should be the first one since he has confidential and…
Read MorePagsibak kay Torre trending MAHINA TALAGA SI PBBM – NETIZENS
KINUYOG ng mga netizen ang Malakanyang matapos ang biglaang pagsibak sa pwesto kay dating Philippine National Police (PNP) Chief si P/Gen. Nicolas Torre III kamakalawa. Hindi lamang mga ordinaryong netizen ang nagdabog sa social media kundi maging ilang kilalang personalidad at miyembro ng Kamara tulad nina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ay napa-ANYARE? Dismayado si de Lima sa pagkakasibak kay Torre na may malaking papel na ginampanan sa high profile arrests nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Apollo Quiboloy. Post niya sa…
Read MoreHERBOSA PINASISIBAK SA DOH
PINASISIBAK sa puwesto si Health Secretary Teodoro Herbosa ng mga tinaguriang “concerned employees” ng Department of Health (DOH) dahil sa umano’y walang habas at hindi makatarungang reshuffling at demotion ng ilang matataas na opisyal ng ahensya. Giit nila, ang mga galaw na ito ay walang sapat na batayan at mistulang pinapaboran lamang ang malalapit sa Kalihim. “Kung kaya ng Pangulo na sibakin ang isang top-performing official tulad ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III dahil lamang sa hindi pag-uulat ng pagsibak sa kanyang deputy, dapat ding silipin ang mga galaw…
Read MorePILILLA LGU NAALARMA SA TUMATAAS NA GASTUSIN SA BASURA
NAALARMA ang lokal na pamahalaang bayan ng Pililla sa lalawigan ng Rizal bunsod ng tumataas na gastusin sa garbage collection bawat taon. May pagkabahalang sinabi ni Mayor John Masinsin ang isyung ito sa harap ng mga miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps matapos i-post ng alkalde sa social media ang bagay na ito. “Nananawagan ako sa aking mga kababayan sa Pililla na sana ay mapababa natin ang volume ng hinahakot na basura sa ating bayan nang sa gayon ay mabawasan ang ating ginagastos at ilaan na lamang sa iba pang mga…
Read MoreP237K NATANGAY NG TANDEM SA VAPE SHOP
CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang riding in tandem na tumangay ng mahigit P237,000 halaga ng cash at merchandise mula sa niloobang vape shop sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City noong Lunes ng umaga. Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo at tumakas patungo sa east direction ng Tagaytay City. Ayon sa salaysay ni Kathelyn Angcaya, 35, sales associate ng One Vape Tagaytay sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City, bandang alas-6:20 ng umaga nang mapansin nito na nagkalat ang mga kagamitan sa loob ng…
Read MoreMOTORCYCLE RIDER PATAY SA PAJERO
CAVITE – Nasawi ang isang motorcycle rider habang kritikal ang misis nitong angkas makaraang mabangga ng isang Mitsubishi Pajero sa center island sa Trece Martires City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Dead on the spot ang driver ng isang Yamaha Mio Gear na may plakang 9980 TR, na si Cesar Luna, 43, habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang asawa nito, kapwa residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite. Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Pajero na may plakang ZHR 531, na…
Read More2 EPD COPS INIREKLAMO NG PANGHAHALAY NG KABARO SA MARIKINA
POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal ang dalawang senior non-commissioned officer dahil sa sekswal na pang-aabuso. Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director, PBGen. Aden Lagradante, nangyari ang insidente noong Agosto 17 ng gabi habang naka-duty ang mga pulis. Batay sa imbestigasyon, pinatawag ng isang staff sergeant at isang patrolman ang 27-anyos na biktima na miyembro ng mobile force battalion habang sila’y nagpapatrolya. Habang nasa loob sila ng mobile patrol ay dito umano ginawa ng dalawang suspek ang sekswal na pang-aabuso sa 27-anyos na biktima. Kaagad naman dinisarmahan ang…
Read More