BISTADOR ni RUDY SIM TILA takot na ang karamihan sa travel agencies na tumanggap ng kliyente at magproseso ng mga kaukulang visa ng mga dayuhang nasa bansa matapos ang tila panggigipit at paghuhugas-kamay ng ilang tiwaling tauhan at opisyales ng Bureau of Immigration na may kaugnayan umano sa paggamit ng mga dayuhan sa pangalan ng isang kompanya para lamang makakuha ng working visa. Matatandaang isang kompanya na Comm Sec ang lumiham sa BI noong nakaraang taon upang ipaalam at ikinagulat ng naturang construction company na may higit isang libong foreign…
Read MoreAuthor: admin 3
RETIRADONG SEAMAN KRITIKAL SA AWAY SA PARKING
AGAW-BUHAY ang isang retiradong seaman makaraang pagbabarilin ng kapitbahay nang magtalo dahil sa parking sa kanilang lugar sa Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Dela Salle University Hospital ang biktimang si alyas “Antonio”, 65, ng Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite. Agad namang naaresto ang suspek na si alyas “Rodolfo”, 77, ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hinggil sa pagpaparada ng kanilang mga sasakyan sa kanilang barangay bandang alas-10:30 ng umaga. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, umuwi ang…
Read MoreTATAKBONG BRGY. CHAIRMAN SA BATANGAS TINODAS
PATAY ang isang 53-anyos na negosyante na umano’y nagbabalak tumakbo bilang barangay chairman sa nalalapit na halalan, matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Sto. Tomas City, Batangas, noong madaling araw ng Miyerkoles. Kinilala ang biktima sa pangalang “Evelyn”, residente ng Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City. Ayon sa pulisya, nag-aasikaso ang biktima sa kanilang meat shop sa Brgy. San Roque bandang alas-4 ng madaling araw nang lapitan at pagbabarilin ng backrider ng isang motorsiklo. Batay sa CCTV footage, apat na beses na pinaputukan ang biktima bago…
Read MoreMASS SHOOTING SA LEYTE NAPIGILAN DAHIL SA TIP
INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isang mass shooting ang napigilan ng mga awtoridad. Sinabi ng Kalihim sa isang press briefing sa Camp Crame, na nakatanggap siya ng tawag mula kay Sen. Bam Aquino na posibleng magkaroon ng pamamaril sa Tolosa National High School sa Leyte. Kaagad niyang ipinaberipika ang natanggap na impormasyon at nang suriin ay nakumpirma ito. Napag-alaman na isang 14-anyos na babae umano ang nasa likod ng plano na gumagamit ng multiple social media account. Lumitaw rin sa isinagawang…
Read MoreSCHOOL VIOLENCE, I-REPORT AGAD SA UNIFIED 911 — REMULLA
NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa publiko na agad iulat sa Unified 911 emergency hotline ang anumang banta o usapin hinggil sa planong karahasan, lalo na sa mga paaralan. Ayon kay Remulla, mahalaga ang maagap na pag-uulat upang mapigilan ang posibleng pag-ulit ng mga insidente ng school violence gaya ng naganap sa Tolosa National High School sa Leyte. “Ito po ay panawagan ko sa lahat ng mga netizens natin. Kung may makita po kayo na kahit anong threat, or imminent threat, or…
Read MoreRESOLUSYON PARA IMBESTIGAHAN ANG TACLOBAN SCHOOL SHOOTING, INIHAIN SA KAMARA
NAGHAIN si Navotas Rep. Toby Tiangco ng isang resolusyon na humihiling sa House leadership na magsagawa ng congressional inquiry kaugnay ng madugong school shooting sa Tacloban City. Layunin ng panukala na alamin ang mga pangyayari sa likod ng insidente at tukuyin kung may kakulangan sa umiiral na mga batas hinggil sa school safety, gun regulation, child protection at juvenile justice. “The deaths of these young students are a tragedy that should never happen again. We owe it to the victims and their families to find out what went wrong and…
Read MoreDEFENSE TEAM HINAMON NA ILABAS SI ‘MARY GRACE PIATTOS’
HINAMON ni Manila Rep. Joel Chua, isa sa mga House prosecutor, ang kampo ni Vice President Sara Duterte na iharap si “Mary Grace Piattos” sa nalalapit na impeachment trial upang tuluyan nang malinawan ang kontrobersya sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). Naging sentro ng usapin ang pangalang “Mary Grace Piattos” matapos itong lumitaw sa mga acknowledgment receipt na isinumite bilang bahagi ng liquidation ng confidential funds. Gayunman, una nang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na wala itong nakitang birth record sa ilalim ng…
Read MoreMULTI-MILLION NABUBULOK NA AGRICULTURAL PRODUCTS NAITAPON NA
TULUYAN nang naitapon sa wastong pamamaraan ng Bureau of Customs ang multi-milyong halaga ng nabubulok na agricultural products sa pamamagitan ng isinagawang proper condemnation at waste disposal sa isang waste facility sa Bulacan at Pampanga. Ayon sa ulat ng BOC, nasa sa labinlimang overstaying na 40-footer reefer container van na naglalaman ng mga nabubulok na agricultural products, gaya ng karne, sibuyas at iba pang uri ng mga gulay mula sa nasabing pantalan, ang matagumpay nang naitapon sa pamamagitan ng isinagawang proper condemnation at waste disposal. Ito’y matapos ipag-utos ni Bureau…
Read MorePBBM BUKAS SA BAN SA MARAHAS NA ONLINE GAMES
BUKAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang higpitan o tuluyang ipagbawal ang mga mararahas na online games kasunod ng shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na natalakay sa Malacañang ang posibilidad ng pagbabawal sa mga naturang aplikasyon matapos lumabas ang ulat na isa sa mga menor de edad na sangkot sa insidente ay avid player ng isang violent online game. “Napag-usapan po na ‘yung mga ganoong klaseng app ay dapat…
Read More