ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation sa pangunguna ng PDEA RO NCR – RSET 1, kasama ang PNP DEG SOU, ang isang 21-anyos na estudyante makaraang makumpiskahan ng isang kilo ng umano’y shabu noong Lunes ng gabi. Nangyari ang operasyon sa harap ng Museo ng Pampangulong Sasakyan parking lot sa Quezon City Circle, Elliptical Rd., Quezon City. Kinilala ng mga awtoridad ang arestado na si alyas “Moli”, 21, residente ng Tandang Sora, Quezon City. Nasamsam ng mga awtoridad sa suspek ang isang self-sealing plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance…
Read MoreAuthor: admin 3
FIRE PREVENTION MONTH SA LAS PIÑAS
PINANGUNAHAN ni Senator Cynthia Villar at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagdiriwang ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog sa Las Piñas City. Ang aktibidad ay kinapalooban ng seminar sa kaligtasan sa sunog, demonstrasyon o fire drill upang masiguro ang kaalaman ng mga fire volunteer sa pag-iwas at pagsugpo ng sunog. Ipinagdiriwang ang taunang Fire Prevention month tuwing buwan ng Marso. (DANNY BACOLOD) 81
Read MorePAGSIBAK SA PASAY POLICE CHIEF HINDI DAHIL SA POGO
(TRACY CABRERA) NILINAW ni Pasay City Police chief Colonel Samuel Pabonita na kaya siya inilipat ng assignment ay dahil sa command responsibility sa isang shooting incident at hindi sa isyu ng patagong operasyon ng mga gerilyang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lungsod. Ayon kay Pabonita, ang kautusan ng kanyang pagkakaalis bilang hepe sa pulisya ng Pasay ay galing sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa barilang naganap sa Baclaran nitong nakaraang Pebrero 3 ng tayong kasalukuyan. “As a commander, I am obliged to follow the…
Read MoreBaka sentimyento lang ng PCO ATTY. RODRIGUEZ DUDANG ISASAULI PHILHEALTH FUND
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAY pagdududa si dating Executive Secretary Vic Rodriguez na maisasauli pa ng Malakanyang ang kinuhang pondo mula sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Sa isang pahayag, sinabi ni Rodriguez na mukhang personal lang na sentimyento ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na ibabalik ng Malakanyang ang pondo kung ipag-uutos ng Korte Suprema. Ayon pa kay Rodriguez, isa sa mga pambato ng Duterte Senatorial Slate, posible pang itanggi ang pahayag ni Castro ng mas nakatataas sa kanya. Punto ni Rodriguez, ano ang saysay sa…
Read MoreConstitutional gov’t protektahan – Atty. Sarmiento CHIZ NILALABAG KONSTITUSYON
TAHASANG sinabi ng isang miyembro ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng kasalukuyang konstitusyon na ang probisyon na “forthwith” sa Konstitusyon ay naglalayong agarang simulan ang impeachment trial. Ito ay “utos” at layunin nitong pigilan ang mga pang-aabuso ng mga opisyal ng gobyerno, panagutin sila, at mapanatili ang “constitutional government.” Paliwanag ni Atty. Rene Sarmiento sa isang panayam sa radyo, ang probisyon na “forthwith” sa Konstitusyon ay naglalayong agarang simulan ang impeachment trial na isang “utos” at layunin nitong pigilan ang mga pang-aabuso ng mga opisyal ng gobyerno, panagutin sila, at…
Read MoreSILG REMULLA IDINIIN SA ‘STAGED RESCUE OPS’
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PALABAS lang ang rescue operation sa dinukot na 14-year-old na estudyante. Base ito sa pagbubunyag ng source mula sa loob ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes. Ayon sa source, ang anggulo na-rescue ang biktima ay base sa utos ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla. Banggit pa ng source na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi totoong nasagip sa police operation ang biktimang estudyante ng British School of Manila, kundi may nagbigay ng $1 milyong ransom. “Nang matanggap ni PNP Chief ang report ng AKG…
Read MoreREVAMP SA PCO SINISILIP NA DAHILAN SA P200-M PCSO DEAL ISSUE VS RUIZ
NANINIWALA si Presidential Communications Secretary Jay Ruiz na kabilang ang balasahan sa kanilang tanggapan sa mga motibo ng paglabas ng P200-M PCSO deal controversy laban sa kanya. “So, ngayon nakapagtataka naman na ngayong gumagawa tayo ng mga reporma, na ngayon gumagawa tayo ng mga pagbabago. On my 8th day ha, 8th day may ganito nang istoryang lumalabas. Ano ito demolition job? Fake news ba ito? Ano ang dahilan?,” buwelta ni Ruiz. “Siguro dalawa/tatlo. Mayroon kasing mga mangyayari dito na kinakailangan kong gawin. Mayroong balasahan na mangyayari, may mga… ang utos…
Read MorePAGSAMA NI ATTY. MIKE POA SA LEGAL TEAM NI VP SARA, TAKTIKA PARA HINDI ITO TUMESTIGO SA IMPEACHMENT?
POSIBLENG taktika umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte-Carpio na isama sa kanyang legal team ang kanyang dating spokesperson na si Atty. Michael Poa para hindi ito magamit ng prosecution team na tumestigo laban sa kanya. Sa press conference kahapon, hindi na ikinagulat nina House Assistant Majority Leader Jude Acidre at Taguig representative Amparo Maria Zamora na kasama na sa legal team ni VP Duterte si Poa dahil matagal na rin umanong kasama ito ng pangalawang pangulo. “Its not new to us. Alam naman natin na si Atty. Mike…
Read MoreTRABAHO PARTY-LIST KAISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL WOMEN’S MONTH
SA paggunita ng National Women’s Month ngayong Marso, muling pinagtitibay ng TRABAHO Party-list ang kanilang pangako na ipaglaban ang karapatan at kapangyarihan ng kababaihan sa loob at labas ng lugar ng trabaho. Kasabay ng pagbibigay-diin sa mahalagang papel ng kababaihan sa iba’t ibang sektor, nangako ang partylist na isusulong ang mga patakarang nagtataguyod ng pantay na oportunidad at gender inclusivity sa larangan ng trabaho. Sa tema ngayong taon na “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” kinikilala ng TRABAHO Partylist ang hindi matatawarang kontribusyon ng kababaihan…
Read More