SILG REMULLA IDINIIN SA ‘STAGED RESCUE OPS’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

PALABAS lang ang rescue operation sa dinukot na 14-year-old na estudyante.

Base ito sa pagbubunyag ng source mula sa loob ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Ayon sa source, ang anggulo na-rescue ang biktima ay base sa utos ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.

Banggit pa ng source na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi totoong nasagip sa police operation ang biktimang estudyante ng British School of Manila, kundi may nagbigay ng $1 milyong ransom.

“Nang matanggap ni PNP Chief ang report ng AKG (Anti-Kidnapping Group) noong February 27 na na-rescue nga raw ang biktima, inatasan nito ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) na laliman ang imbestigasyon, dahil walang sinasabi sa report ng AKG kung may naaresto ang mga ito na suspek sa pagdukot sa biktima,” pahayag ng PNP source ng SAKSI NGAYON.

Kaugnay nito, handa umanong ilabas ng CIDG ang report nito, na kalakip ang affidavit ng sinibak na hepe ng AKG na si Col. Elmer Ragay na nagsasabing ang rescue sa biktima ay utos mula kay Remulla.

Ang affidavit ni Ragay ay nagsasabi rin na sinundo at hindi na-rescue ang bata, sa isang “private residence” sa may Parañaque City, bago ito naihatid sa kanyang pamilya.

“The victim was not recovered by PNP AKG at the end of Macapagal Avenue on Feb. 25, 2025, as officially reported by PNP AKG. The victim was not rescued but was released somewhere and only fetched by (PNP AKG head Police Colonel Elmer Ragay and Police Colonel Jonathan Calixto) in the street outside the residence. This is also the reason no arrests were made,” nakasaad pa sa CIDG report na ipinakita ng source sa PNP.

Isa umanong negosyante na malapit sa pamilya ng biktima ang nagbayad ng $1 million para mailigtas ang binatilyo.

Samantala, pagpapaliwanagin ng Malacañang si Remulla kaugnay sa kontrobersya.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ito ay para makumpirma kung totoo o peke ang impormasyong lumabas kaugnay ng pag-rescue sa biktima.

Matatandaang kumalat sa social media na hindi totoo na nasagip ng PNP-AKG ang biktima.

34

Related posts

Leave a Comment