Ngayon na ang panahon ng pagkibo, pagkilos, pagpapalakas ng depensa, Bayan ko!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA UULITIN ng inyong abang lingkod, dear readers, na ‘yang diplomatic protest natin laban sa “pananakop” ng China sa “Ating West Philippine Sea” ay balewala lang kay Chinese President Xi Jinping. ‘Yan po ang totoo, pande-ewang sa tumbong ‘yan kumbaga pag tayo’y nauupo sa trono ng kubeta. Kahit ilang ulit pa tayo magsampa sa United Nations General Assembly ng ating protesta laban sa “island grabbing” ng China, wala rin ‘yan. Sasabihin lang ng China, e kanila rin, pag-aari rin nila ang ating sinasabing “atin.” Ang…

Read More

INDEPENDENT INVESTIGATING BODY DAPAT PARA KAPANI-PANIWALA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA isang bansang matagal nang sinusubok ng political drama, korupsyon, at kawalan ng pananagutan, nakababahala na ang mismong Senado—na dapat ay simbolo ng batas at kaayusan—ang nasangkot ngayon sa isang kontrobersyal na insidente ng putukan, komosyon, at umano’y pagtatakip ng ebidensya. Pero hindi lamang simpleng kaguluhan ang usapin. Kasama sa mga tanong ngayon ang ‘pagtakas’ ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senate compound, ang mga alegasyon ng obstruction of justice laban sa ilang senador, at ang posibilidad na “staged” o gawa-gawa lamang ang nangyari.…

Read More

REYNA NG PAMEMEKE GUMAGALA SA BI

BISTADOR mi RUDY SIM PATULOY ang modus ng isang liaison officer di-umano sa Bureau of Immigration, kahit na ito ay ilang beses nang nahuling namemeke ng mahahalagang dokumento ng mga kliyente nitong Chinese at Indian nationals. Mahilig umano itong magregalo ng mamahaling gadgets, branded na damit at minsan pa ay nag-sponsor para sa travel ng ilang mga opisyales ng BI para lang maprotektahan at hindi magalaw ang kanyang accreditation sa ahensya maski na pilipit ang mga dokumentong isinusumite nito. Maging ang karamihan umano sa matitinong liaison agents mula sa travel…

Read More

P287K SHABU NASAMSAM SA 2 TULAK SA QUEZON

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Quezon Police Provincial Office sa lalawigan ng Quezon noong Huwebes, Mayo 14. Ayon sa ulat ng pulisya, pinangunahan ng Lucena Component City Police Station at Lucban Municipal Police Station, ang operasyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 14.10 gramo ng hinihinalang shabu. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, tinatayang nagkakahalaga ito ng P287,640.00. Sa Lucena City, naaresto ang isang alyas “Sabog”, 38, matapos maaktuhan sa buy-bust operation sa Brgy. Ibabang Iyam. Nasamsam mula sa kanya…

Read More

Malinaw na binastos at na-provoke LIBRENG SERBISYONG LEGAL SA VIRAL COP, ALOK NG LCSP

HANDANG magbigay ng libreng serbisyong legal ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pulis na nag-viral matapos umanong manulak ng kapwa motorista habang nasa kalsada. Sa Facebook post ni Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, sinabi nitong napanood nila ang buong video ng insidente at batay umano rito ay hindi ang pulis ang nagsimula ng gulo. Bago pa man lumabas ang kumpletong video, sumuko na ang pulis, dinisarmahan, at nahaharap na sa administratibo at kriminal na kaso. Naglabas na rin ito ng public apology. Pumasok na rin sa…

Read More

MEDIA MAGNA CARTA IGINIIT NI SEN. ERWIN TULFO KASUNOD NG SENATE INCIDENT

MULING isinulong ni Senador Erwin Tulfo ang pagpasa ng Media Workers’ Magna Carta matapos ang naganap na barilan sa Senado kamakailan. Tinukoy ni Tulfo na tila “tahasang pagsasawalang-bahala” sa kapakanan ng mga mamamahayag ang kakulangan sa proteksyon at benepisyong natatanggap ng mga ito sa kabila ng araw-araw na panganib na kanilang hinaharap. Ikinabahala ng beteranong broadcaster-turned-senator ang sinapit ng mga reporter na nagko-cover sa Senado nang sumiklab ang kaguluhan noong Mayo 13. “Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa paglalabas ng katotohanan kung ano ang tunay na nangyari…

Read More

NETIZENS BINIRA ‘HIDDEN AGENDA’ SA PAG-ABSTAIN NINA ZUBIRI AT EJERCITO SA LEADERSHIP CHANGE SA SENADO

UMANI ng batikos mula sa netizens ang naging pag-abstain nina Senador Juan Miguel Zubiri at Senador JV Ejercito sa botohan para sa pagpapalit ng liderato sa Senado nitong Lunes. Ito ay matapos umugong ang mga usap-usapan na posibleng pumalit si Zubiri kay bagong halal na Senate President Alan Peter Cayetano sa oras na makabuo umano ito ng sapat na suporta mula sa mayorya at minorya. Dahil dito, marami ang nagduda sa naging hakbang ng dalawang senador at iniuugnay ito sa umano’y “hidden agenda” at pagiging “safe play” para sa sariling…

Read More

PANALANGIN, PAGNINILAY PANAWAGAN NI CAYETANO SA GITNA NG TENSYON SA PULITIKA

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano ng “prayer and reflection” sa gitna ng mga tensyon at magkakaibang naratibo kaugnay ng mga pangyayari sa Senado nitong mga nakaraang araw. Sa kanyang Facebook livestream noong Mayo 16, sinabi ni Cayetano na natabunan na ng samu’t saring haka-haka at press release ang katotohanan sa likod ng pagbabago sa liderato ng Senado, impeachment proceedings, at armadong insidente sa loob ng gusali ng Senado. “Parang bang rumble sa college na wala nang pakialam kung sino tama’t mali,” ani Cayetano. “If in the past few…

Read More

AFTERSHOCK SA MAGNITUDE 5.2 EARTHQUAKE ASAHAN

PINAALALAHANAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko hinggil sa posibilidad na makararamdam ng mga aftershock kasunod ng Magnitude 5.0 earthquake na tumama sa Maguindanao del Sur, Ayon sa ulat na ipinarating ng PHIVOLCS sa Office of Civil Defense, ang lindol na may lakas na magnitude 5.0 at tumama bandang alas-7:25 noong Sabado ng gabi, ay posibleng lumikha ng mga pagyanig o aftershock bagama’t wala inulat na naging pinsala ito sa mga naapektuhang bayan. Ang epicenter ay nasa 9 kilometro hilagang-kanluran ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao…

Read More