BAGONG PNP-AKG CHIEF, ITINALAGA

OPISYAL nang nanunungkulan ngayon ang bagong Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group chief na hinirang ni PNP chief, Police General Rommel Francisco Marbil. Itinalaga ni Gen. Marbil si Police Colonel Paul Abay bilang officer-in-charge ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG). Kinumpirma ni PNP Public Information Office (PIO) chief, Police Colonel Randulf Tuaño ang paghalili ni Col. Abay sa binakanteng pwesto ni PNP-AKG head, Police Colonel Elmer Ragay. Si Col. Ragay ay sinibak bilang PNP-AKG head at pansamantalang isinailalim sa administrative relief. Sinasabing si Ragay ay ni-relieve kaugnay sa kumalat na mga…

Read More

CAR-FREE SUNDAYS INILUNSAD SA MARIKINA

UPANG isulong ang mas aktibo at malusog na pamumuhay, inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang “Marikina Together: Car-Free Sundays” noong Lunes, March 2, 2025, sa kahabaan ng Gil Fernando Avenue. Mula alas-6 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga, magagamit na ang kalsada mula sa kanto ng Guerilla Street (Xeland Marikina) hanggang sa Comedor Restaurant para sa mga outdoor activities tulad ng paglalakad, jogging, zumba, cycling at iba pa. Pedestrian at bike-friendly ang nasabing kalsada na may halos 700 metro ang haba kung saan regular nang idaraos dito ang…

Read More

PRE-REGISTERED SIM PATULOY NAIBEBENTA SA FACEBOOK

LABIS na ikinaalarma ng Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang patuloy na nabibiling pre-registered subscriber identity module (SIM) cards sa Facebook Marketplace na maaaring gamitin para sa ilegal na aktibidad. “Nakikita mo dun pre-registered cards for sale. Minsan nakalagay used SIM cards for sale,” ani PAOCC executive director Gilbert Cruz. “Siguro dagdagan pa natin ng safety nets ‘yung pag nagreregister ng cards. Dapat every card may accountable person. Hindi po pwede ibenta ito ng bultuhan,” aniya pa rin. Taong 2022, tinintahan ang RA 11934 o SIM Registration Act upang maging ganap…

Read More

Ibinubulsa ng mga politiko 30% KICKBACK SA GOVERNMENT PROJECTS

(PRIMITIVO MAKILING) HINDI lamang gobyerno ang ninanakawan ng mga politiko na kumukuha ng tatlumpung porsyentong kickback sa mga infrastructure project kundi ang mamamayan lalo na ang mahihirap na kailangan ng serbisyo. Ito ang alegasyon ni dating congresswoman Sarah Elago kasunod ng pagbasak ng Sta. Maria-Cabagan bridge sa Isabela nito lamang Pebrero 27 gayung kabubukas lamang nito noong Pebrero 1, matapos ang 10 taong konstruksyon. “This systemic “concrete corruption” in infrastructure projects is not just stealing from government coffers—it is directly stealing from the Filipino people, especially the poor who need…

Read More

AKO-OFW PARTY-LIST BIYAHENG KONGRESO CARAVAN, NILARGA

MALUGOD na sinalubong ng mga taga-Zambales ang ‘Biyaheng Kongreso Caravan’ ng AKO—OFW Partylist. Idinaos ang AKO—OFW forum sa Barangay Panan covered court na dinaluhan ng mga residente mula sa iba’t ibang barangay. Matapos ang makabuluhang talumpati ni 1st nominee at Chairman ng AKO—OFW Party-list Dr. Chie Umandap, sinimulan na rin ang community forum na layong makapagsalita nang malaya at makapagtanong ang bawat mamamayan ng Botolan, Zambales. Ayon sa mga dumalo sa forum, marami nang party-list ang nagtungo at kumandidato sa kanilang lugar ngunit ang AKO—OFW lamang ang nakapag-abot at nakapagbigay…

Read More

LGUs NAGKANSELA NG F2F CLASSES SA TINDI NG INIT

KINANSELA ng ilang lokal na pamahalaan ang pasok sa eskwela kahapon dahil sa nararanasang high heat index sa Metro Manila. Bunsod ito ng anunsyo ng state weather bureau na posibleng umakyat sa 42 hanggang 46 degrees Celsius ang temperatura sa bandang hapon. Ayon sa weather forecast na ibinahagi ng MDRRMO, papalo ang Manila’s heat index sa umaga mula 36-38°C, with peak heat index na aakyat sa 42°C na mararamdaman bandang alas- 2:00 ng hapon. “Based on the recommendation of Manila Disaster Risk Reduction Management Council, Afternoon classes in all levels…

Read More

INTER-BARANGAY ZUMBA IDINAOS SA LAS PIÑAS

IPINAMALAS ng mga kalahok mula sa 20 barangay ng Las Piñas City ang kanilang galing sa paghataw sa idinaos na Inter-Barangay Zumba Competition sa Villar Tent sa Pulang Lupa Uno, sa nasabing lungsod. Ang kaganapan ay itinaguyod ni Senator Cynthia Villar at ng Villar Foundation bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan. Umabot sa 5,000 ang dumalo sa pinakamalaking indoor Zumba competition. (DANNY BACOLOD) 91

Read More

MAKABAYAN BLOC DISMAYADO KAY SP ESCUDERO

DISMAYADO ang Makabayan bloc sa pahayag ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi “special” ang impeachment kay Vice President Sara Duterte kaya hindi kailangang magpatawag ng special session. Ayon sa mga miyembro ng Makabayan bloc na sina representative France Castro, Arlene Brosas at Raoul Manuel, walang ibang nakikinabang umano sa ganitong posisyon ni Escudero kundi si Duterte kaya malabong mapanagot ito sa pagwawaldas sa kaban ng bayan. “Impeachment is undoubtedly special as it is a constitutional process specifically designed to hold the highest officials of the land accountable for…

Read More

REP. NOGRALES: 10K TAGA-MONTALBAN NAKINABANG SA ”TUPAD’

NABENIPISYUHAN ang sampung libong residente ng Montalban ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ginanap na payout noong Enero 27, ng taong ito. Ayon kay Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles, bahagi ito ng kanyang pagsusumikap para magkaroon ng ayuda ang kanyang mga kababayan lalong-lalo na ang mga senior citizen. Kasabay nito, pinasalamatan niya ang mga taga-Montalban sa pakikiisa sa kanya sa lahat ng kanyang aktibidad. Sa DOLE-TUPAD payout na isinagawa sa Primark Town Center sa Kasiglahan, Brgy. San…

Read More