CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAGTANTIYA lang daw para sa pinakamasamang mangyayari ang projection na ang isang kilo ng karneng baboy ay sisirit hanggang P580 habang ang manok ay P349 kung lalawig pa ang sigalot sa Middle East. ‘Yan ang pampakalmang pahayag ng Department of Agriculture (DA). Nilinaw ng ahensiya ang sitwasyon na tila hula lang, ngunit hindi nawawala ang agam-agam ng publiko dahil may pagtaas na sa presyo ng karneng baboy sa mga palengke. Eto pa. Hindi rin kakapusin ng supply ng liquefied petroleum gas (LPG) sa parating na mga…
Read MoreAuthor: admin 3
BARANGAY KAGAWAD ARESTADO SA BUY-BUST
ISANG halal na opisyal ng barangay ang naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation sa Purok 1, Barangay Libuac, Rosario, Agusan del Sur. Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 26 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P176,800, kasama ang ginamit na buy-bust money, cellphone, motorsiklo, wallet, ID, at iba pang gamit. Ayon sa mga awtoridad, ang pagkakasangkot ng isang opisyal sa ilegal na droga ay malinaw na paglabag sa tiwala ng publiko. Ang suspek na matagal nang mino-monitor bago ang ikinasang buy-bust operation…
Read MorePBBM: PAGMAMAHAL, SERBISYO, PANANAMPALATAYA, I-RENEW NGAYONG SEMANA SANTA
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na i-renew ang pangakong pagmamahal, serbisyo, at pananampalataya ngayong Semana Santa. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at malasakit sa kapwa kasabay ng paggunita sa pagpapakumbaba at pag-asa na ipinamalas ni Hesukristo. “In this solemn season, we remember the immeasurable love of Jesus Christ, who offered His life in perfect obedience to the will of the Father,” ayon sa Pangulo. Dagdag pa niya, ang Passion of Christ ay paalala na ang tunay na kadakilaan ay makikita sa…
Read MoreBOC BINANTAYAN, MAS PINABILIS PAGPROSESO NG FUEL IMPORTS
UPANG matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng langis sa bansa, nagpatupad ang Bureau of Customs (BOC) ng mas mahigpit na monitoring at priority processing sa lahat ng petroleum imports. Sa ilalim ng OCOM Memo No. 36‑2026 na inilabas ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, inatasan ang lahat ng pantalan na bigyang prayoridad ang fuel shipments, agad na iproseso ang dokumento, at i-monitor nang walang patid ang mga pagdating ng langis. Nabatid na kabilang sa mga naunang na-facilitate ang 9.1 milyong litro ng diesel shipment ng PNOC sa San Fernando, La…
Read MoreDRUG DEN BINUWAG, 3 NAARESTO
BINUWAG ng mga awtoridad ang isang makeshift drug den sa Barangay Calapacuan, Subic noong Sabado, kung saan nasamsam ang tinatayang P136,000 halaga ng hinihinalang shabu. Sa buy-bust operation na isinagawa ng PDEA Region 3, bandang alas 5:40 ng hapon, tatlong suspek na edad 43, 33, at 27-anyos ang naaresto. Nakumpiska ang walong sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 20 gramo ng shabu, drug paraphernalia, at ang ginamit na marked money. Ang mga nakumpiskang droga ay isasailalim sa forensic examination sa PDEA Regional Office 3 laboratory. Ang mga suspek ay kakasuhan sa…
Read More17 HIGH POWERED FIREARMS ISINUKO NG MAGKATUNGGALING PAMILYA
Nasa labing-pitong malalakas na kalibre ng armas ang isinuko ng mga pamilyang Muslim na sangkot sa hidwaan ng mga angkan sa Maguindanao del Sur, ayon sa Philippine Army. Iprinisenta ang malalakas na armas kay Brig. Gen. Edgar Catu, kumander ng Army’s 601st Infantry Brigade sa Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong nakalipas na linggo. Ayon kay Catu, ang pagsuko ng mga armas ay nakabawas sa banta ng karahasan tuwing nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga pamilya sa Mamasapano. Isinuko ang mga armas kina Lt. Col. Edgardo Batinay, kumander ng Army’s 34th…
Read More5 PULIS PATAY, 3 SUGATAN SA AMBUSH SA MAGUINDANAO
AGAD ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang agarang manhunt operation laban sa grupong nanambang sa mga kagawad ng PNP-2nd Provincial Mobile Force Company na ikinasawi ng limang pulis at ikinasugat ng tatlong iba pa sa Maguindanao del Sur nitong Sabado ng gabi, Marso 28. Ayon kay General Nartatez, kinokondena ng buong PNP organization ang pag-atake ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan na itinuturing din na pag-atake sa kabuuan ng Pambansang Pulisya. Ipinag-utos ni Nartatez ang malalimang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng mga salarin…
Read MoreMALACAÑANG: ‘ENERGY LOCKDOWN’ HINDI PA POSIBLE SA NGAYON
ITINANGGI ng Malacañang ang posibilidad ng “energy lockdown” sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, wala pang nakikitang dahilan ang pamahalaan upang magpatupad nito sa kasalukuyan. “Sa ngayon po, wala po tayong nakikita,” ani Castro. Sinabi rin ng opisyal na naglabas na ng mga panuntunan ang Department of Energy upang payagan ang paggamit ng mas murang fuel at dagdag na suplay ng kuryente mula sa iba’t ibang sources. Idinagdag…
Read MoreSEN. ERWIN TULFO, ISINULONG WORK FROM HOME AT RIDE SHARING PARA MAKATIPID NGAYONG KRISIS
SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, mungkahi ni Sen. Erwin Tulfo na ibalik ang work from home program ng mga pribadong kumpanya at pamahalaan para makatipid ang mga manggagawa. Suhestiyon ni Sen. Tulfo, “kung hindi naman kailangan ang pisikal na presensya o aktibidad ng manggagawa sa trabaho, bakit ‘di na lang mag-report online?” Aniya, “halimbawa ang mga nasa opisina sa planning, research, admin, customer service at iba pang kahalintulad na trabaho ay pwede na mag-work from home.” Nagawa naman ito noong pandemic at epektibo naman daw…
Read More