PUMASOK sa panibagong yugto ng serbisyong pangkalusugan ang Ospital ng Maynila Medical Center matapos maisagawa ang kauna-unahang matagumpay na coronary angioplasty procedures nito. Ayon kay Manila City Health Officer Grace Padilla, dalawang angioplasty procedures ang matagumpay na naisagawa noong Marso 27. “We are very excited and happy to announce na nagawa natin ang dalawang successful cases of angioplasty,” ani Padilla. Ang milestone ay naisakatuparan ilang buwan matapos buksan ng lungsod ang catheterization laboratory noong Setyembre 2025, na nagsimula sa angiogram bago umusad sa mas advanced na procedures. Ipinaliwanag ni Padilla…
Read MoreAuthor: admin 3
PAGBASURA SA OIL DEREGULATION LAW, BUWIS SA BILYONARYO ITINUTULAK NG MAKABAYAN BLOC
NAGHAIN ng dalawang panukalang batas ang Makabayan Bloc sa Kamara na layong tugunan ang lumalalang epekto ng mataas na presyo ng langis sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 8766, isinusulong ang pagbabasura sa Oil Industry Deregulation Act of 1998, habang ang House Bill 8123 naman ay naglalayong patawan ng wealth tax ang mga bilyonaryong Pilipino. Iginiit ng grupo, na kinabibilangan nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago at Kabataan Party-list Rep. Renee Co, na dahil sa deregulated oil industry ay hindi sapat na nababantayan…
Read MoreMALACAÑANG INAARAL NA PANUKALANG FUEL PRICE FREEZE
PINAG-AARALAN ng pamahalaan ang panukalang price freeze sa petroleum products sa gitna ng pangamba sa epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa bansa. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kailangang balansehin ang panukala upang hindi maapektuhan ang anomang sektor. “Hindi po natin sinasabing hindi magpa-price freeze. Ang sinasabi po natin, ito ay aaralin,” ani Castro. Ang pahayag ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of national energy emergency sa halip na state of emergency, kaugnay ng nagpapatuloy na tensyon sa…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT NG DOH LABAN SA PEKENG ANTI-RABIES VAX
PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng anti-rabies vaccine sa merkado. Ito ay kasunod ng mga ulat na may mga bakuna laban sa kagat ng hayop na ibinebenta sa mas mataas o kahalintulad na presyo ng orihinal. Ayon sa DOH, maaaring mapeke ang anomang gamot anoman ang brand kaya mahalagang suriing mabuti ang mga ito bago gamitin. Payo ng mga namamahala sa Animal Bite Treatment Center (ABTC), tiyakin na ang bakuna ay may certificate of product registration at ang supplier ay may license to…
Read MorePOSIBLENG PRICE CAP SA LPG IPINANAWAGAN
NANAWAGAN si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) na pag-aralan ang pagpapatupad ng price cap sa liquefied petroleum gas (LPG) sa gitna ng nakaambang pagtaas ng presyo nito sa Abril. Ayon kay Gatchalian, inaasahang tataas ng P35 hanggang P40 ang presyo ng kada 11-kilong tangke ng LPG, na maaaring magtulak dito sa pinakamataas na antas sa kasaysayan. Aniya, magdudulot ito ng dagdag na pasanin sa mga karaniwang konsyumer at maliliit na negosyante. Binigyang-diin ng senador na mahalagang tiyakin ng DOE at…
Read MoreAYUDA SA HIGIT 5M MINIMUM WAGE EARNERS INAARAL PA
PAG-AARALAN pa ng Palasyo ang mungkahing magbigay ng P5,000 ayuda sa mga manggagawang tumatanggap ng minimum wage. Ito’y sa gitna ng patuloy na mataas na presyo ng langis at banta ng dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin. Una nang iminungkahi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na isama sa makatatanggap ng ayuda ang mahigit 5 milyong minimum wage earners sa bansa. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, pag-aaralan pa ito ng pamahalaan, ngunit uunahin muna ang mga tsuper na pangunahing apektado ng oil price hikes. Tiniyak…
Read MoreMERALCO TINIYAK ANG MAAYOS NA SERBISYO NG KURYENTE NGAYONG SEMANA SANTA
TULUY-TULOY NA SERBISYO NG KURYENTE. Tiniyak ng Meralco sa mga customer nito ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa panahon ng Semana Santa. Makikita sa larawan ang mga linecrew ng Meralco na nagsasagawa ng maintenance activities. MAYNILA, PILIPINAS, 29 MARSO 2026—Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco), ang pinakamalaking distribution utility sa bansa, sa mga customer nito ang tuluy-tuloy at maaasahang serbisyo ng kuryente ngayong Semana Santa. Sa isang pahayag, sinabi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga na nakaantabay 24/7 ang mga response team ng…
Read MorePH NAVY, NAKAIWAS SA HALOS BANGGAAN SA CHINESE WARSHIP SA PAG-ASA ISLAND
NAIWASAN ng barkong pandigma ng Philippine Navy ang posibleng banggaan sa isang warship ng China People’s Liberation Army (PLA) Navy malapit sa Pag-asa Island noong Marso 25, 2026. Sa ulat ng Western Command (WESCOM) ng Armed Forces of the Philippines, nakasalubong ng BRP Benguet ang Chinese missile frigate habang nagsasagawa ng lehitimong operasyon. Ayon sa WESCOM, nagsagawa ang Chinese vessel ng mapanganib at hindi propesyonal na maniobra matapos itong lumapit at dumaan sa napakalapit na distansya. Tinukoy ng militar na paglabag ito sa Convention on the International Regulations for Preventing…
Read MoreOPERATOR NG NI-RAID NA SABUNGAN, PLANONG KASUHAN ANG CIDG
PINAG-AARALAN ng operator ng ni-raid na sabungan sa Tondo, Maynila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsagawa ng operasyon noong Marso 25, 2026. Ayon kay Alvin de Leon, operational staff ng Coliseo de Manila, wala umanong nakuhang ebidensya ang CIDG kaya naglabas ang Manila Prosecutor’s Office ng resolusyong “referred for further investigation” (RFI), na nagresulta sa pagpapalaya sa 28 empleyado ng sabungan. Kinuwestiyon din ng mga empleyado ang patuloy na pagbabantay ng mga nakasibilyang pulis sa lugar kahit na wala…
Read More