IMPEACHMENT PABOR KAY BBM

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG totoong ang grupong sumusuporta kay Vice President Sara Duterte ang magsasampa ng impeachment case laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay bibigyan lang nila ng pabor ang huli. Sa set-up ngayon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, malabong mangyari na i-impeach ng mga kongresista si BBM dahil kontrolado ng Malacañang ang Kamara kahit hindi na speaker si Leyte Rep. Martin Romualdez. Ang tanging susuporta sa impeachment case laban kay BBM kung sakali, ay si Cavite Rep. Kiko Barzaga kung hindi siya matatanggal bilang congressman dahil…

Read More

Sa pagtanggi ng renewal of business permit BAGAC, BATAAN OFFICE OF THE MAYOR INIREKLAMO

NAGTATAKA si Amando Fajardo, Jr., may sapat na edad, may-asawa, residente ng 32 M. H. Del Pilar St., Brgy. Ibaba, Bagac, Bataan may-ari ng Fajardo Beach Resort, Brgy. Pag-asa, ng nasabing bayan kung hindi pinapayagan na mag-renew ng kanilang business permit . Sa panayam ng PUNA kay Ginoong Fajardo, hindi siya nakapag-renew nitong taong 2025, at 2026 kung kayat nagtataka siya kung bakit hindi siya binibigyan ng Business Permit para sa Fajardo Beach Resort ng nabanggit na barangay at nakaukupa na sila sa lupa noon pang 1989. Kaya simula 1989…

Read More

ROMUALDEZ MAY RESPONSIBILIDAD SA FLOOD CONTROL ISSUE

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG pagbabasehan ang mga pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco, may pananagutan si dating House Speaker Martin Romualdez sa kontrobersiya sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Rep. Tiangco, may command responsibility si dating Speaker Romualdez kaugnay ng umano’y mga insertion sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co. Sinabi pa ng mambabatas na wala siyang pinapanigan sa isyu at gusto lamang niyang ilahad ang mga pangyayari at totoong naganap.…

Read More

2 TESTIGO, IDINIIN KONEKSYON NINA CURLEE DISCAYA AT ROMUALDEZ SA FORBES PARK PROPERTY

DALAWANG babaeng testigo ang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa sinasabing ugnayan ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kontraktor na si Curlee Discaya. Sa pagharap ng mga testigong itinago sa alyas na Maria at Joy, itinuro nila si Discaya na kanilang nakaharap nang sila ay in-evict na sa tinutuluyan nilang bahay sa No. 30 Tamarind South Forbes Park, Makati City. Ikinuwento ng mga testigo na tauhan sila ni Rico Ocampo, ang dating tenant sa bahay na sinasabing nabili ni Romualdez at nagsilbing front si Discaya.…

Read More

DOJ, KINUMPIRMANG 14 PA LANG SA MAHIGIT 400 NA FLOOD CONTROL PROJECTS ANG ITINUTURING NILANG GHOST

BALOT na balot nang dumating kahapon si Regional Director Gerald Pacanan ng DPWH 4-B sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control project sa Mindoro. Gayunman, nakumbinsi rin siya ng komite na ilabas ang kanyang mukha. (DANNY BACOLOD) KINUMPIRMA ng Department of Justice na 14 pa lamang sa 421 na flood control projects ang itinuturing nilang ghost o guniguni. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Justice Acting Secretary Fredderick Vida na sa 14, dalawa na ang nakasalang sa SandiganBayan. Kabilang naman sa 12…

Read More

IMPEACHMENT VS MARCOS JR. INIHAIN NA SA KAMARA

Pormal nang sinampahan kahapon, Enero 19, 2026, ng impeachment complaint si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng umano’y katiwalian sa pamahalaan, pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), at alegasyong paggamit ng ilegal na droga. Agad na inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. at House Deputy Minority Leader Jernie Jett Nisay ang reklamong inihain ni Atty. Andre De Jesus, na kinumpirmang tinanggap ng House Secretary General na si Cheloy Garafil alas-8:45 ng umaga. Ayon kay Garafil, susundin ang itinakda ng Saligang Batas at House Impeachment…

Read More

AIPA INILUNSAD NA SA KAMARA

PORMAL nang inilunsad kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pamumuno ng Pilipinas sa ika-47 Association of Southeast Asian Inter-Parliamentary Assembly o AIPA. Bilang Speaker of the House, si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III ang tumatayong presidente at host parliament ng AIPA 2026, na dinaluhan ng mga mambabatas mula sa 11 bansang kasapi ng ASEAN, kabilang ang Timor-Leste bilang bagong miyembro ng asosasyon. “Our guiding theme is clear: Parliaments Securing a Peaceful, Prosperous, and People-Centered ASEAN. It reflects a fundamental truth: communities endure not on aspiration alone, but on…

Read More

WALANG SORRY-SORRY: PCG SPOKESMAN TARRIELA NAGMATIGAS SA CHINA

WALANG balak na humingi ng paumanhin si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa kabila ng diplomatic protest na inihain ng Chinese Embassy kaugnay ng kanyang mga post sa social media. Ang protesta ng Beijing ay kasunod ng mga post ni Tarriela na tumutuligsa sa umano’y agresyon ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang isang larawan mula sa kanyang talumpati sa De La Salle–College of Saint Benilde SDG Dialogue Series, kung saan makikita sa background ang mga comical images ni Chinese…

Read More

KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA TONDO, MAPAYAPA — MPD

pulis

NAGING mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila, ayon sa Manila Police District (MPD). Batay sa datos ng MPD, umabot sa 8,500 deboto ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa mga misa ng alas-6 at alas-7 ng gabi, kung saan nakapagsagawa ng 30 misa ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo. Samantala, 218 indibidwal ang nabigyan ng tulong medikal ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Medical Response Team, katuwang ang mga volunteer sa kapistahan. Tumulong din ang…

Read More