AFP: MILITARY OPERATIONS TULOY SA GITNA NG NAKAAMBANG OIL CRISIS

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines na magpapatuloy ang mga operasyon ng militar sa kabila ng nakaambang oil crisis dulot ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan. Ang naturang tensyon ay kaugnay ng hidwaan sa pagitan ng United States, Israel, at Iran na nagsisimula nang makaapekto sa ilang kalapit na bansa. Ayon kay Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng AFP para sa West Philippine Sea, tuloy-tuloy at walang patid ang operasyon ng militar sa naturang karagatan kahit pa tumataas ang presyo ng langis. Aniya, nananatiling nakatuon ang militar sa pagtupad sa…

Read More

LACSON, MARCOLETA NAGKAINITAN

NAGING mainit ang palitan ng pahayag nina Senador Panfilo Lacson at Rodante Marcoleta sa plenaryo ng Senado matapos ang privilege speech ng huli kamakalawa. Hindi kaagad nakapagbigay ng tugon si Lacson sa naturang talumpati dahil nag-adjourn na ang sesyon ng Senado, ngunit nitong Martes ay sinagot na niya ang mga isyu kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y maanomalyang flood control projects. Sa kanyang privilege speech, binatikos ni Lacson si Marcoleta at sinabing tila umano ito ay may “ego-driven provocations” at nagiging “obsessed” sa pagtatanggol sa China.…

Read More

CHARTERED FLIGHTS READY NA PARA SA OFWs SA MIDDLE EAST

NAKAHANDA na ang chartered flights para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nais makauwi ng Pilipinas mula sa Gitnang Silangan sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inayos na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga flight para sa mga Pilipinong nais magpa-repatriate. Sinabi ni Castro na 16 OFWs mula sa Tel Aviv, Israel ang nagbiyahe sa pamamagitan ng lupa patungong Eilat at tumawid sa Taba Border Crossing papasok ng Egypt. Mula roon ay lilipad sila sa rutang Cairo–Muscat–Manila na…

Read More

HIRIT NA EXTENSION NI JINGGOY PINAGBIGYAN NG DOJ

PINAGBIGYAN ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ni Senador Jinggoy Estrada na palawigin ang pagsusumite ng kanyang counter-affidavit kaugnay ng 11 counts of graft na isinampa laban sa kanya. Kinumpirma ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na pinayagan ng panel of prosecutors ang kahilingan ni Estrada ngunit hanggang tatlong araw lamang o hanggang Marso 12. Pagkatapos ng nasabing petsa ay isusumite na ang kaso para sa resolusyon. Ayon sa mensahe ni Martinez sa mga mamamahayag: “Sen. Estrada requested for another extension to file his counter-affidavit. He was given a…

Read More

Sa kabila ng gulo sa Middle East PALASYO: WALANG DAHILAN MAG-PANIC BUYING, HOARDING

WALANG nakikitang dahilan ang Malacañang para mag-panic buying ang publiko sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sapat at kumpleto pa ang suplay ng fuel at mga pangunahing bilihin sa bansa kaya walang dahilan para mag-hoard ang mamimili. “Hindi po kailangan magkaroon ng panic buying dahil kumpleto naman po at enough pa po ang supply, lalong-lalo na ang ating fuel at ang ating mga basic commodities,” ani Castro. Sinabi rin nito na batay sa ulat ng Department…

Read More

BAKIT NAGAGAWA NG ILAN NA MANATILI SA KAPANGYARIHAN AT MAGSAMANTALA SA SALAPI NG BAYAN?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KUNG talagang seryoso ang sinomang nanunungkulan sa gobyerno sa kasalukuyan ay panahon na po marahil na magwalis-walis ang mga ito sa loob at labas ng kanilang tahanan. Iyon po ang nakikitang solusyon ng inyong abang lingkod para magkaroon ng tahimik na kalooban si Juan Dela Cruz, ang mailagay sa basurahan at maitapon at masunog ang mga basura ng pamahalaan. Graft and corruption, pandarambong, pang-aabuso sa poder, kapabayaan at kainutilan sa serbisyo publiko at marami pang iba — ang mga ito po ang mga problema.…

Read More

GIYERA SA GITNANG SILANGAN, MALAKI EPEKTO SA PILIPINAS AT BUONG MUNDO

RAPIDO ni PATRICK TULFO PINANGANGAMBAHAN nga na tumagal pa ng ilang linggo o buwan ang hidwaan sa pagitan ng US, Israel at Iran. Ngayon pa lang ay malaki na ang epekto nito sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas. Tuluyan nang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo at malamang susunod na rito ang presyo ng mga bilihin at pamasahe. Dapat ay magkasa na ang gobyerno ng kanilang contingency plan sakaling magtuloy-tuloy ang kaguluhang ito. Hindi kakayanin ng simpleng mamamayan ang napakataas na presyo ng bilihin. Para sa isang empleyado…

Read More

SERBISYONG MODERNO AT PANANAGUTAN SA PAMAHALAAN, ISINUSULONG NI ASENSO PINOY REP. INDY OAMINAL

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na sa gitna ng patuloy na hamon sa serbisyong pangkalusugan at pamamahala sa bansa, mahalagang makita ang mga lider na hindi lamang nagmumungkahi ng pagbabago kundi aktibong kumikilos upang maisakatuparan ito. Isa sa mga ganitong hakbang ang isinusulong ni Asenso Pinoy Representative Atty. Indy Oaminal na naglalayong gawing mas moderno, episyente, at responsable ang sistema ng pamahalaan. Sa pagdinig ng House Committee on Health, binigyang-diin ni Oaminal ang pangangailangang i-modernize ang mandatory immunization program ng bansa. Lumalabas sa datos ng Department of Health…

Read More

PhilTower MIDC, First Independent Common Tower Company to Join PMAP

PhilTower MIDC was formally inducted into the People Management Association of the Philippines (PMAP), becoming the first independent tower company (TowerCo) in the country to be affiliated with the Philippines’ leading organization of human resource and people management professionals. This milestone comes as PhilTower MIDC expands telecommunications infrastructure nationwide amid the accelerated rollout of towers under the government’s Common Tower Policy. Alongside build targets, the company is deliberately strengthening the internal discipline required for scale: structured leadership development, workforce capability building, and performance management frameworks. The membership places PhilTower MIDC…

Read More