KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagsoli ng higit-kumulang P15 milyon ang owner ng SYMS Construction, si Sally Santos, sa DOJ bilang bahagi ng kanyang restitution money kaugnay ng anomalya sa flood control projects. Ayon sa DOJ, umaabot na sa P236 milyon ang kabuuang halaga ng pera na naibalik sa kaban ng bayan mula sa mga nakulimbat na pondo. Kabilang dito ang: P181 milyon mula kay Bulacan District Engineer Henry Alcantara P40 milyon mula kay Gerard Opulencia, dating DPWH-NCR P15 milyon mula kay Sally Santos…
Read MoreAuthor: admin 3
CONG. LEVISTE INAMIN NA MAY P1-B INSERTION ANG INANG SI SEN. LOREN
INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang kanyang ina na si Senador Loren Legarda, batay sa listahang sinabi niyang nakuha niya mula sa yumaong Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral. “I can say, nandiyan. Tinanong ko siya at sinabi niya, hindi naman niya alam iyong mga nakalista diyan at sa mga senator actually pinakamaliit ang sa kanya,” ani Leviste sa isang panayam sa radyo. “Pero tinanong ko siya talaga at sabi niya, hindi niya alam ang…
Read MoreBagong radio system at rescue boats, ipinamahagi SAN JUAN CITY, NAG-UPGRADE NG EMERGENCY RESPONSE
PINANGUNAHAN ni Mayor Francis Zamora ang opisyal na turnover ng mga bagong radio communication equipment sa mahahalagang departamento at frontline units ng lungsod nitong umaga sa San Juan City Hall, bilang bahagi ng pagpapalakas ng peace and order at emergency response capabilities ng lungsod. Ayon kay Mayor Zamora, layunin ng bagong sistema na magkaroon ng mas mabilis, malinaw, at maaasahang koordinasyon sa pagitan ng City Government’s Response Cluster. Dagdag pa niya, mas pinapadali nito ang komunikasyon sa mga opisina na responsable sa public safety, emergency response, disaster risk reduction, at…
Read MoreNI-RENOVATE NA OSPITAL NG SAMPALOC PINASINAYAAN SA MAYNILA
PINASINAYAAN ni Mayor Isko Moreno-Domagoso nitong Lunes, Disyembre 22, 2025, ang pagbubukas ng bagong renovate na emergency room ng Ospital ng Sampaloc. Natapos at nakumpleto ang pasilidad sa loob lamang ng 90 araw, alinsunod sa ipinangako ng alkalde. Sumasalamin ang proyekto sa “Bilis Kilos” na pamamahala ng administrasyon ni Domagoso, na nagbibigay-diin sa mabilis na aksyon at napapanahong solusyon upang mapabuti ang serbisyong medical emergency para sa mga Manileño. “Sabi ko sa inyo, 90 araw. Ipinangako ko ito sa mga tao ng Sampaloc. Basta bigyan n’yo lang ako ng 90…
Read MoreMERALCO HANDA PARA TIYAKIN ANG MALIWANAG AT LIGTAS NA PAGDIRIWANG NG PASKO
MALIWANAG AT LIGTAS NA PASKO. Tiniyak ng Meralco sa mga customer nito ang kahandaan nito na tumugon sa anumang posibleng alalahanin sa serbisyo ng kuryente sa buong kapaskuhan. Makikita sa larawan ang Meralco Liwanag Park sa Lungsod ng Pasig. MAYNILA, PILIPINAS, 22 DISYEMBRE 2025 — Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga customer nito na handa ang kumpanyang tumugon sa anumang posibleng maging alalahanin sa serbisyo ng kuryente ngayong kapaskuhan. Mananatiling naka-alerto 24/7ang mga tauhan at crew ng Meralco kahit sa mismong Araw ng Pasko, upang matiyak ang tuluy-tuloy…
Read MoreOFW SA SAUDI HUMIHINGI NG SAKLOLO MATAPOS MAKARANAS NG PANANAKOT AT TRAUMA
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang dumulog sa Saksi Ngayon upang humingi ng tulong matapos umanong makaranas ng matinding takot at trauma sa kanyang trabaho sa Saudi Arabia. Ang OFW ay kinilalang si Rolilyn Pambid, 24-taong gulang at kasalukuyang nagtatrabaho bilang on-call residential cleaner sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa salaysay ni Rolilyn, siya ay dumating sa Saudi Arabia noong Nobyembre 13, 2025 sa ilalim ng lokal na ahensiyang Placewell International Services Corporation at ng employer na Musanid Almawarid for Operation and Maintenance,…
Read MoreNINANAKAW NA PAGKABATA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAUNA ang Australia. Ngayon, Denmark naman ang kumikilos. Plano nitong ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga batang wala pang 15-taong gulang. Malinaw ang hakbang ng layuning ito na ibalik ang pagkabata na unti-unting ninanakaw ng mga online platform. Sa panukala ng Denmark, may papel pa rin ang magulang. Maaari nilang aprubahan ang paggamit ng social media simula edad 13. Ibig sabihin, hindi bulag na pagbabawal, kundi may gabay, may hangganan, at may pananagutan. Sa Australia naman, mas mahigpit—social media ban para sa mga wala…
Read MoreMAG-AMANG MARCOS TUNAY NA INSPIRASYON SA PULITIKA
TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI katanggap-tanggap. Ito ang malinaw at matapang na reaksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng paggamit ng ilang dayuhang media sa terminong “ISIS training hotspot” para ilarawan ang Pilipinas. Sa isang iglap, sinikap ng ganitong paglalarawan na burahin ang mga taong sakripisyo, pawis, at dugo na inialay ng ating mga sundalo, pulis, at security forces upang mapanatili ang kapayapaan ng bansa. Tama ang Pangulo na hindi maaaring hayaang ang Pilipinas ay husgahan batay sa espekulasyon at walang sapat na batayan. Sa kanyang talumpati…
Read MorePALPAK NA SERBISYO NG AIRLINES COMPANIES PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA
NAGHAIN ng resolusyon ang tatlong kongresista upang imbestigahan ang umano’y pagdurusa ng mga pasahero dulot ng palpak na serbisyo ng ilang airline companies, kabilang ang madalas na flight delays at kanselasyon ng biyahe, gayundin ang pagtaas ng pamasahe. Sa House Resolution No. 3303 na inakda nina 1Tahanan party-list Rep. Nathan Oducado, Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando, at Northern Samar Rep. Nikko Daza, layon ding alamin kung maayos na naipatutupad ang mga umiiral na batas na nag-aatas sa mga airline na magbigay ng tulong at kompensasyon sa mga pasaherong apektado…
Read More