DILG NANINIWALANG WALANG FOUL PLAY SA PAGKAMATAY NI USEC CABRAL; AUTOPSY, DNA TEST INIREKOMENDA NG DOJ

NANIWALA si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang “foul play” sa pagkamatay ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Maria Catalina “Cathy” Cabral, batay sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP). Gayunman, inamin ni Remulla na nakitaan ng “lapses” o pagkukulang ang mga pulis sa pagpreserba ng mga ebidensya, partikular sa cellphone ni Cabral na agad umanong na-turn over sa pamilya. Upang matiyak ang pagkakakilanlan at sanhi ng pagkamatay, sinabi ni Remulla na isasailalim sa autopsy at DNA test ang bangkay…

Read More

LEVISTE INAKUSAHAN NG PANGHA-HARASS KAY DPWH USEC CABRAL

INAKUSAHAN si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng pangha-harass sa noo’y Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral sa isang insidenteng sinasabing naganap sa loob ng kanyang opisina, ayon sa isang post na kumakalat sa social media. Sa isang Reddit post na ibinahagi sa forum na r/DPWHEngineersPH, sinabi ng user na si u/Unlucky-Love5132 na pumasok si Leviste sa opisina ni Cabral noong gabi bago ang isang congressional hearing at sapilitang inagaw ang mga dokumento mula sa kanyang mga kamay. Muling lumutang ang naturang post…

Read More

₱15M Pondo sa Krisis sa Tubig ng Brgy. Tumana, Ipinamadali ni Mayor Teodoro

PINAGTIBAY bilang urgent ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng isang panukalang ordinansa na maglalaan ng pondo upang matugunan ang krisis sa tubig sa Barangay Tumana, matapos putulin ng Manila Water ang suplay ng tubig sa lugar. Sa isang pormal na liham na ipinadala sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, iginiit ni Teodoro ang agarang pangangailangan na maipasa ang ordinansang naglalayong maglaan ng ₱15,000,000 upang bahagyang mabayaran ang obligasyon ng Barangay Tumana sa Manila Water. Ayon sa ulat, umano’y nabigo si Barangay Captain Akiko Centeno na maipasa sa…

Read More

GOMA, BINIRA SA PANANAKIT SA SENIOR CITIZEN NA SPORTS OFFICIAL

BINANATAN ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pananakit ni Leyte Representative Richard “Goma” Gomez sa isang nakatatandang opisyal ng sports official sa SEA Games sa Thailand. Para kay Ordanes, hindi tama ang ginawa ni Gomez kay Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gamuca. Base sa mga ulat, sinaktan at minura umano ni Gomez si Gamuca dahil hindi nagustuhan ang pagpapalit ng atleta na sasabak sa fencing competition. Nabatid na kababayan ni Gomez sa Ormoc City si Alexa Larrazabal at nakatikim din diumano ang atleta ng pambu-bully sa mga…

Read More

Para magpaliwanag sa maanomalyang flood control projects BELGICA: STELLA QUIMBO DAPAT HUMARAP SA IMBESTIGASYON

IGINIIT ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica na dapat humarap at magpaliwanag si dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa mga imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects. Ipinunto ni Belgica na mahalaga ang boses ni Quimbo sa imbestigasyon dahil miyembro siya ng bicameral conference committee at nagsilbing vice chairperson ng House Committee on Appropriations sa deliberasyon ng 2025 national budget. Tumayo rin siya bilang committee chairperson kasunod ng pagbibitiw ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Bahagi rin si Quimbo ng tinatawag na small committee,…

Read More

Makalipas ang 8 taon na walang aksyon PAGBAHA SA SUNOG APOG TINUTUGUNAN NA – YORME ISKO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SINABI ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso noong Martes, Disyembre 16, sa wakas sa loob ng walong taong kawalan ng aksyon, sumusulong na ang matagal nang naantalang flood mitigation works sa Sunog Apog Pumping Station. Sa isinagawang inspeksyon sa pumping station, sinabi ni Domagoso na dumating ang breakthrough matapos ang full technical review ng pasilidad, na nanatiling hindi gumagana simula nang itayo ito sa kabila ng paulit-ulit na pagbaha sa lugar. “Now, with those times spent studying it, today magkakasama tayo. At least…

Read More

SEC. VINCE: ROMUALDEZ DAPAT MANAGOT SA FLOOD CONTROL GHOST PROJECTS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NANININDIGAN si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na dapat managot si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects. Kaya hindi na dapat palampasin pa ito ng mga institusyon ng hustisya. Sa kanyang year-end press conference, inihayag ni Dizon na inirekomenda ng DPWH ang pagsasampa ng kaso laban sa 87 indibidwal na umano’y sangkot sa flood control scandal. Nangunguna sa listahan sina Romualdez at ang noo’y chairman ng House Committee on Appropriations na si dating…

Read More

UPDATE: OFW SA DAMMAM NASA JIZAN JAIL PA RIN; KASO INIIMBESTIGAHAN NG SAUDI AUTHORITIES

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAUGE UMANDAP PATULOY ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan ng OFW Juan at Saksi Ngayon sa kinauukulang mga ahensya kaugnay sa kalagayan ng overseas Filipino worker (OFW) na si Al Estudillo Arcillas, matapos kumpirmahing siya ay kasalukuyang nakakulong sa Jizan Jail sa Saudi Arabia. Batay sa opisyal na ulat na natanggap ng OFW Juan at Saksi Ngayon, noong Disyembre 12, 2025 ay nakikipagnegosasyon na ang DMW sa gobyerno ng Saudi Arabia para matulungan na makauwi sa Pilipinas si OFW Al. Nagbigay rin ng update ang Philippine Recruitment…

Read More

GOOD NEWS

HOPE ni GUILLER VALENCIA DATI dalawa lang ang news, bad news at good news, ngayon nadagdag pa ang mga fake news. But we will focus sa good news at ito ang real good news. Although bad news, isama natin ang fake news na kapag napakinggan ay ipinamamalita agad ng mga marites. But I believe when he heard good news ito’y mabilis ding ibinabalita sa mga kaibigan, kakilala at kahit kanino pa. When we hear good news, we want to tell people, don’t we? Dahil good news brings great joy. Alam…

Read More