PINAGLALATAG ni Senador Bam Aquino ang pamahalaan ng mekanismo para matiyak ang kaligtasan, proteksyon at kahandaan sa repatriation ng mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan. Sa Senate Resolution 321, binigyang-diin ni Aquino ang bigat at panganib na madamay ang mga Pilipino sa mga conflict-affected areas sa Gitnang Silangan matapos ang pagkasawi ng Pinay caregiver na si Mary Ann de Vera sa Tel Aviv, Israel. Binigyang-diin ni Aquino na ang kawalan ng katatagan ay banta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa lumalawak na saklaw ng…
Read MoreAuthor: admin 3
GATCHALIAN ATUBILI SA PAG-ALIS NG VAT SA PRODUKTONG PETROLYO
ATUBILI si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa panukalang alisin ang Value Added Tax sa mga produktong petrolyo. Ipinaliwanag ni Gatchalian na mas mahirap imonitor ang VAT dahil mayroon pang tinatawag na input at output VAT na kailangan pang kwentahin. Taliwas anya ito sa excise tax dahil kung ano lamang ang binili mong gasolina ay yun lamang ang babawasan. Muling iginiit ni Gatchalian na ang mga ganitong hakbangin ay huling opsyon na dapat ng gobyerno at mas dapat unahin ang pamamahagi ng Pantawid Pasada Program. Nangangamba kasi ang senador…
Read MoreChina pumiyok sa ‘Wolf Warrior Diplomacy’ PAGBUWAG SA UMANO’Y ESPIONAGE NETWORK KINUMPIRMA NG AFP
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakadiskubre at pagbuwag sa umano’y mga “espionage network” ng China na sangkot sa paniniktik sa Pilipinas. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mulat ang militar sa mga ulat kaugnay ng operasyon ng naturang network na umano’y nag-ooperate sa bansa. Sinasabing natuklasan at nahadlangan ng mga awtoridad ang ilang aktibidad na kinasasangkutan ng mga Pilipinong nakikipagtulungan na ngayon sa mga imbestigador, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa mga dayuhang operasyon na may masamang layunin laban sa bansa. Ipinaliwanag ni…
Read MoreSPEAKER DY, ALIN ANG MAS MABIGAT? MAGBIRO O MAY KASONG HINAHARAP?
BALITANG ‘DI KANAIS-NAISÂ HINDI sa kinakampihan natin itong si Quezon City 4th Dist. Congressman Bong Suntay sa naging pagbibiro niya tungkol sa “pantasya” sa wikang Pinoy at “imagination” sa salitang banyaga hinggil sa “beautiful” actress na si Anne Curtis na nakasalubong umano niya sa isang mall. Masyado lang binigyan ng malisya ng mga mambabatas ang ginawang pagbibiro ni Cong. Suntay, ayun sinita tuloy siya ng House Committee on Justice at natabunan ang mas mabigat na usapin tulad ng impeachment na kinahaharap ni VP Sara Duterte. Pero hindi ang pagbibiro ni…
Read MoreBULLYING SA NARVACAN: SINAPAK AT SINIPA SA HARAP NG KLASE
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISANG marahas na insidente ng pambu-bully sa loob ng Quinarayan Elementary School sa Narvacan ang umani ng matinding reaksiyon matapos kumalat online ang video ng pananakit. Sa footage, makikita ang isang babaeng mag-aaral na itinulak, hinampas ng bag, sinipa, at paulit-ulit na sinuntok sa ulo habang oras ng tanghalian, hanggang sa tuluyan siyang umiyak. Naganap ang insidente sa loob mismo ng silid-aralan. May iba pang mga mag-aaral sa paligid habang nangyayari ang pananakit. May nanonood lamang. May nagre-record gamit ang cellphone. Kapansin-pansin na walang…
Read MoreENDORSEMENT NI BBM SA 2028 ELECTIONS, “KISS OF DEATH”?
PUNA ni JOEL O. AMONGO SA halip na makatulong ay magiging “Kiss of Death” pa sa isang kandidato ang basbas o endorsement ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa darating na 2028 presidential election. Matatandaan natin na noong 2024 State of the Nation Address (SONA) ni BBM ay ipinagmalaki niya na mayroong 5,500 flood control projects na natapos na at may mga ginagawa pa ang kanyang administrasyon. Kalikasan na mismo ang nagbulgar na hindi totoo ang sinabi ni BBM sa pamamagitan ng mga kalamidad na tumama sa bansa. Binaha ang…
Read MoreBI JAIL GINAWANG BEMBANGAN?
BISTADOR ni RUDY SIM NANGANGANIB na kumalat ang sakit na STD at HIV sa piitan ng Bureau of Immigration matapos payagan diumano ng isang mataas na opisyal ng BI na makapasok dito ang mga babaeng mababa ang lipad o nagbebenta ng panandaliang bembang. Ayon sa sumbong na ating natanggap, matapos na palitan ang warden ng BI warden facility ng isang opisyal na naknakan ng ewan, ay tila walang ipinagbago ang kalakaran sa loob at ang piitan ay nagmistulang isang casa o parausan ng mga dayuhang inmates na nais makabembang. Ang…
Read MoreLALAKI PATAY SA KAPWA RIDER
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay sa isang motorcycle rider na binaril ng kapwa rider sa General Trias City noong Martes ng hapon. Naisugod pa sa General Trias Medicare Hospital ang biktimang si alyas “Ed”, 37, binata, ng Gen. Trias City, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis naman ang suspek na kinilalang si alyas “Poks” na sakay ng kanyang itim na motorsiklong Yamaha Mio na may plakang 757UZO, na tumakas matapos ang insidente. Nabatid…
Read MoreSUSPEK SA HAZING SUMUKO, PINALAYA; 15 IBA PA PINAGHAHANAP
SUMUKO ngunit agad ding pinakawalan ang 23-anyos na suspek sa hazing matapos bawiin ang kanyang pag-amin sa payo ng abogado. Ayon kay PLtCol Bismarck Mendoza, hepe ng Gen. Trias Component City Police Station, hindi maaaring gamitin laban sa suspek ang boluntaryong pagsuko at pag-amin kung walang extrajudicial confession. Ang suspek na si “alyas John,” 4th year maritime student ng Philippine Nautical and Technological Colleges – Dasmariñas at miyembro umano ng Tau Gamma Phi, ay kusang sumuko kay Gen. Trias City Mayor Jonjon Ferrer bago itinurn-over sa pulisya. Nabatid na si…
Read More