RESIBO NG DISCAYA PROJECT SA QC-D5 INILABAS

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI pa safe si Quezon City District 5 Representative Patrick Michael “PM” Vargas sa mga proyekto ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa nasabing lungsod matapos lumutang si former QC Councilor Allan Butch Francisco na sinabing may hawak siyang mga resibo na may kaugnayan dito. Hawak ni Konsehal Francisco ang Post-Contract Award Disclosure ng Department of Public Works and Highways, National Capital Region, Quezon City First Engineering District (DPWH-NCR-QC1DEO) na Item No. 84, Contract No. 220F0112; Contract Name: Construction of Lagro Multi-Purpose Building, Quezon City;…

Read More

CASHLESS QR PAYMENT INILUNSAD SA PITX

PINANGUNAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), katuwang ang Department of Transportation (DoTr), ang paglulunsad ng cashless QR payment sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng modernisasyon ng pampublikong transportasyon. Ayon sa BSP, ang paggamit ng scan-to-pay o QR-based system sa Edsa busway ay optional at hindi sapilitan para sa mga commuter. Layunin ng bagong sistema na magbigay ng mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagbabayad, lalo na sa mga pasaherong mas komportable sa modernong transaksyon. Nilinaw ng DoTr na mananatili ang tradisyonal na paraan ng pagbabayad…

Read More

QUAD COMM PINABUBUHAY PARA BUSISIIN EXPOSE NI MADRIAGA

IGINIIT ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na buhayin ang Quad Committee upang imbestigahan ang mga rebelasyon ni Ramil Lagunoy Madriaga laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa grupo, naisumite na sa Office of the Ombudsman ang sworn affidavit ni Madriaga na naglalaman ng mga alegasyon hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad ng Pangalawang Pangulo na may kaugnayan sa confidential funds, Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at sindikato ng ilegal na droga. “Mahalaga ang rebelasyon ni Madriaga dahil nabanggit niya ang mga sumusunod: Oplan Double Barrel support…

Read More

2 bansa na lang bibisitahin BIYAHE NI POLONG INIURONG SA ENERO

NAUDLOT ang planong biyahe ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte matapos hingan ng karagdagang detalye ng House of Representatives sa 17 bansa na balak niyang bisitahin sa loob ng dalawang buwan. Ayon kay Atty. Jose Marmoi F. Salonga, executive director ng Office of the Secretary General, natanggap ng Kamara ang sulat ni Duterte para humingi ng pahintulot bumiyahe mula December 15, 2025 hanggang Pebrero 20, 2026. “In line with this, the House sent a letter to Representative Duterte requesting additional details and a revised submission to facilitate proper evaluation,…

Read More

VILLAR PANAGUTIN PA RIN SA PALPAK NA PRIMEWATER

HINDI umano dapat absuweltuhin ang pamilyang Villar sa mga pananagutan nito sa mga consumer ng PrimeWater kahit pa ibinenta na nila ang kumpanya sa gitna ng mga reklamo hinggil sa mataas na singil at palpak na serbisyo. Ito ang iginiit ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos mabatid na ibinenta ng mga Villar ang PrimeWater sa grupo ng business tycoon na si Lucio Co, habang patuloy ang imbestigasyon ng Senado laban sa naturang water utility firm. “The Villars cannot simply wash their hands clean by selling PrimeWater. They…

Read More

PALASYO SA ULAT NA ISIS TRAINING HOTSPOT ANG PH: MISLEADING

KINONTRA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtawag sa Pilipinas bilang isang “ISIS training hotspot” kasunod ng ulat na ang mga suspek sa pamamaril sa Bondi Beach sa Australia ay bumisita umano sa bansa. Sa isang press briefing sa Malacañang, hiningan ng reaksyon si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro hinggil sa naturang ulat. Ayon kay Castro, mahigpit na tinatanggihan ng Pangulo ang umano’y sweeping statement at maling paglalarawan sa Pilipinas bilang sentro ng pagsasanay ng ISIS. “Of course, the President strongly rejects this sweeping…

Read More

NSC AT AFP PINAKAKALMA ISYU SA BONDI BEACH SHOOTING

PINAKAKALMA ng National Security Council (NSC) at maging ng pamunuan ang Armed Forces of the Philippines ang pangamba sa seguridad matapos kumpirmahin na nanatili sa Pilipinas nang halos isang buwan ang mag-amang gunmen na nasa likod ng mass shooting sa Bondi Beach sa Sydney, bago lumipad patungong Australia. “The Philippines strongly rejects the sweeping and misleading insinuations that the 2 gunmen who went on a killing spree in Bondi Beach earlier this week had traveled to the Philippines to train with groups linked to the Islamic State of Iraq and…

Read More

P49-M NA JACKPOT SA LOTTO 6/42 NASOLO NG RIZALEÑO

INSTANT milyonaryo ang isang residente ng Rizal matapos mahulaan ang winning combination ng Lotto 6/42. Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng maswerteng mananaya ang kumbinasyon na 15-19-24-41-42-04, na nagkakahalaga ng P48,195,100.40. Nabili ang tiket sa isang outlet sa Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal. Nasa 81 indibidwal naman ang makakatanggap ng tig-P24,000 matapos makakuha ng limang tamang numero. Ang Lotto 6/42 ay nagkakaroon ng draw tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. (TOTO NABAJA) 194

Read More

870 BAGONG PULIS NANUMPA SA PRO3

Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga — Nasa kabuuang 870 bagong talagang pulis ang pormal na nanumpa sa Philippine National Police (PNP) sa isinagawang Panunumpa sa Tungkulin sa PRO3 Post Grandstand, Camp Captain Julian Olivas nitong Miyerkoles ng umaga ng Disyembre 17. Sa mahigit 3,000 aplikante na naghahangad na magsuot ng uniporme ng PNP, 870 lamang ang nakapasa sa mahigpit na proseso ng recruitment, na kinabibilangan ng masusing screening, medical at psychological evaluations, at background validation. Ang mga matagumpay na aplikante ay nakapuno ng 550 attrition quota slots at…

Read More