MAS nais ni Senador Imee Marcos na bawasan ang 12% VAT sa produktong petrolyo sa halip na alisin ang excise tax.
Ayon sa senadora, mas maliit ang mawawala sa gobyerno kung VAT ang gagalawin kumpara sa excise tax na malaking bahagi ng koleksyon ng estado.
Iminungkahi rin niya ang paghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng langis at pagpasok sa mas stable at long-term contracts sa regional partners.
Gayundin, dapat anyang gamitin ang pagiging chairman ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kung saan miyembro ang ilang oil producing countries tulad ng Brunei.
Maari rin anyang pumasok ang bansa sa mas stable at long-term contracts sa APEC at iba pang regional membership.
Sa Kamara, iginiit ni Marikina Rep. Miro Quimbo na hindi maaaring suspendihin ng Pangulo lamang ang excise tax nang walang basbas ng Kongreso.
“I support calls to promptly suspend excise tax on fuel… however, this cannot be done through executive action alone,” paliwanag ni Quimbo.
Sang-ayon din si Navotas Rep. Toby Tiangco na kailangang may agarang hakbang upang maiwasan ang domino effect sa presyo ng mga bilihin.
(DANG SAMSON-GARCIA)
47 