TAHIMIK na kumikilos ang Armed Forces of the Philippines para hanapin at tumulong na masuri ang mahigit 16,000 flood control projects ng Department of Public Works and Highways. Ayon kay AFP chief of Staff, General Romeo Brawner, personal na humingi ng tulong sa Hukbong Sandatahan si DPWH Secretary Vince Dizon para tumulong sa paghahanap at pagsusuri sa 16,000 flood control projects sa pamamagitan ng mga pangalan ng mga proyekto at coordinates nito. Nabatid na umaabot na sa 60 ghost flood control projects ang nadiskubre ng AFP mula sa 800 proyekto…
Read MoreAuthor: admin 3
P6-M DROGA NASAMSAM NG PDEA
CAGAYAN DE ORO CITY – Tinatayang aabot sa P6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 10 (PDEA-RO10) sa isinagawang anti-narcotics operation sa lungsod. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nagsagawa ng isang joint anti-drug operation na pinangunahan ng PDEA 10 – Misamis Oriental Provincial Office, katuwang ang PDEA 10 RSET, PNP 10 CIB, at COCPO Police Station 2, na nagresulta sa pagkakadakip sa isang high value target. Inilunsad ang buy-bust operation…
Read More2 HULI, 1 NAKATAKBO SA PDEA ANTI-NARCOTICS OPS
BACOLOD CITY – Dalawang drug personalities na itinuturing na high value targets ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency habang target naman ng manhunt operation ang isang nakatakas sa operasyon sa lungsod. Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng PDEA sa Quezon City, bandang alas-11:35 ng umaga noong Oktubre 23,2025, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDE-Regional Office Negros Island Region-Negros Occidental Provincial Office (PDEA RO NIR-NOCPO), kasama ang PDEA RO-NIR Seaport Interdiction Unit (SIU) at ang Bacolod City Police Station 7,…
Read MoreMAG-BFF SINAKYOD NG RIDER, 1 PATAY
QUEZON – Patay ang isang binata habang sugatan naman ang kanyang kaibigan matapos silang pagsasaksakin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Barangay Pagdadamayan, sa bayan ng San Narciso sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing biktima na si “Gerald”, 22-taong gulang, isang magsasaka, at residente ng Barangay San Juan, San Narciso. Sugatan naman ang kasama nitong si “Christian”, 22-taong gulang, helper at residente ng Barangay Lacdayan. Batay sa imbestigasyon ng San Narciso Police, naglalakad umano ang dalawang biktima sa nasabing…
Read MoreKAGAWAD PATAY SA BANGGAAN NG MOTOR AT VAN
QUEZON – Nasawi ang isang barangay kagawad matapos na makasalpukan ng minamaneho nitong motorsiklo ang isang van sa Maharlika highway sa Barangay Tinandog, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan nitong Huwebes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Rod”, 52-taong gulang, kagawad at residente ng Barangay Sokol sa nasabing bayan. Ayon sa report, minamaneho nito ang kanyang motorsiklo patungong south direction nang makasalpukan ang kasalubong na Hi-ace van na minamaneho ng isang nangangalang “Bry”, 35-taong gulang, negosyante at residente ng Guinayangan, Quezon pasado alas-nuwebe ng gabi. Ayon sa…
Read More120 ESTUDYANTE, GURO NA-FOOD POISON
UMABOT sa mahigit 120 estudyante at guro mula sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) sa Lucena City, Quezon Province ang isinugod sa Immaculate Concepcion Hospital sa Baybay City, Leyte matapos makaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan na hinihinalang dulot ng food poisoning. Ayon kay Engr. Arvin Monge, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Leyte, unang dinala sa pagamutan madaling-araw noong Huwebes ang mahigit 50 estudyante. Kinumpirma rin ang insidente ng Department of Health–Eastern Visayas, at nina Baybay City Information Officer Marissa Cano at Dr. Christine Baldevia,…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY SA ABC PREXY ARESTADO
Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga — Matapos ang mahigit isang taong pagtatago, naaresto sa isinagawang police operation ang isa sa apat na mga suspek sa pagpaslang kay Bulacan Association of Barangay Captains president, Bokal Ramil Capistrano at sa driver nito noong Miyerkoles ng madaling-araw sa Barangay Tangos South, Navotas City. Ang arestadong suspek ay iniharap nina Governor Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro at Bulacan PNP provincial director, PCol. Angel Garcillano sa media sa ginanap na press conference sa Camp Alejo Santos sa Malolos City, na kinilalang si…
Read MoreDEADLINE SA PAGLILINIS NG MGA PUNTOD ITINAKDA SA MAYNILA
NAGPALABAS ng deadline ang pamunuan ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery na hanggang Oktubre 27, 2025 ang itinakdang huling araw para magsagawa ng paglilinis ng mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nakalibing sa dalawang pangunahing kampo santo sa bansa. Sa MNC, tinatayang aabot sa dalawang milyong Pilipino ang daragsa para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas season mula Oktubre 29, 2025 hanggang Nobyembre 2, 2025. Kaugnay sa paggunita ng All Saint Day ng sambayanang Pilipino, inihayag ng pamunuan ng North Cemetery na itinakda…
Read MorePAGTUGON SA SAKUNA TINALAKAY NG OCD
BUNSOD ng sunod-sunod na kalamidad at mga disaster dulot ng mga nagdaang bagyo at serye ng malalakas na paglindol, nagpasya ang Office of Civil Defense na bumalangkas ng mga hakbangin para mapalakas ang pagtugon ng bansa sa mga sakuna. Isang command conference ang ginanap ng Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Administrator Undersecretary Harold Cabreros, para talakayin ang pagpapalakas ng pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna sa bansa. Sa nasabing conference, nagbigay si Cabreros ng seven-point resilience agenda kung saan kabilang dito ang pagrerebyu sa operational activities na…
Read More