LISENSYA NG ‘DRUNK DRIVER’ NA LTO OFFICER SINUSPINDE

PATULOY ang imbestigasyon sa isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) matapos suspendihin ang kanyang drivers’ license dahil sa pagkakasangkot sa aksidente gamit ang official vehicle ng ahensya sa Zamboanga Sibugay. Ayon sa ulat, inutos ang pansamantalang pagsuspinde sa lisensya ng isang opisyal ng LTO Zamboanga Peninsula Regional Office na nagmaneho ng pick-up truck na sumadsad sa isang tubigan. Sinabi ng LTO, nag-isyu ito ng show cause order sa opisyal sa alegasyon ng reckless driving at pagiging “improper person to operate a motor vehicle.” “It is not immediately clear if…

Read More

PAGPABOR NG PNP SA PAGBABA NG AGE OF DISCERNMENT IBABASE SA SCIENCE

BUKAS ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na suportahan ang panukalang ibaba ang age of discernment para sa mga menor de edad na nasasangkot sa anomang uri ng krimen sa bansa basta may scientific basis. Ayon ito kay PNP chief Police Gen. Nicolas Torre III. May ilang sektor ng Lipunan gaya ng simbahan, mga kasapi ng human right groups at ilang criminal and juvenile law experts ang sumasalungat sa nasabing panukala. Ayon sa isang criminal justice expert, ang pagpapababa sa minimum age of criminal responsibility ay hindi daan para…

Read More

GINANG PINUKPOK NG BATO NG SCAVENGER

SUGATAN ang isang 30-anyos ginang makaraang pukpukin ng bato sa mukha ng scavenger dahil umano sa selos, sa Building 19 sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang arestadong suspek na si “Jopet”, 30, jobless, binata, ng naturang lugar. Samantala, nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas “Ma. Rosalina”, may live-in partner, vendor, ng nasabing lugar. Ayon kina Police Staff Sergeant Wilson Estanislao Cruz at Police Captain Ryan Jay Balagtas, commander ng 10 Charlie Sector, dakong alas-3:00 ng madaling araw…

Read More

DEPED HIRING NG LAWYERS PINURI NG EMPLOYEES UNION

SUPORTADO at pinapurihan ng Department of Education-National Employees Union (DepEd-NEU) ang pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon sa pinakahuling aksyon nito na mag-hire ng karagdagang mga abogado para italaga sa lahat ng Schools Division Office sa buong bansa. Ayon kay Atty. Domingo Alidon, national president ng DepEd-NEU, saludo sila kay Secretary Sonny Angara dahil sa suportang ipinakita nito sa kanilang hanay at nagbunga na rin ang matagal na umano nilang ipinaglalaban. Ang pagkakaroon ng permanenteng abogado sa bawat schools division ay malaking kaluwagan aniya sa trabaho ng mga superintendent dahil matututukan…

Read More

TRILLANES GIGIL NANG IKAMPANYA SI RISA PARA PRESIDENTE

NGAYON pa lang, gigil na si dating Senador Antonio Trillanes para sa 2028 presidential elections at nais nang simulan ang kampanya ni Senadora Risa Hontiveros bilang pangulo. Una nang inendorso ni Trillanes si Hontiveros bilang pambato ng oposisyon para ipantapat kay Vice President Sara Duterte sa darating na presidential race. Para kay Trillanes, dapat umpisahan na ang pagpaplano at paghahanda ng oposisyon para sa darating na halalan. Binanatan na naman ni Trillanes si dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo. Huwag na raw hintayin ang desisyon ni…

Read More

2 SA SUMALISI KAY COMELEC COMMISSIONER GARCIA ARESTADO

NADAKIP na ng mga awtoridad ng Pasay City Police nitong Huwebes, sa Bacoor City, Cavite, ang isa pang miyembro ng “Salisi Gang” na bumiktima kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia at nagnakaw ng kanyang bag habang kumakain ng tanghalian sa isang restaurant sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police Chief Col. Joselito De Sesto ang suspek na si Rowel Tengson, alyas Romson Magalpoc, 41, na nadakip dakong alas-5:00 ng hapon sa Molino Road, Barangay Molino VI, Bacoor, Cavite. Sinabi ni De Sesto na ang pagdakip kay…

Read More

F2F CLASSES SA P’QUE, PASAY, MUNTI, LP SINUSPINDE

INANUNSYO ng mga pamahalaang lungsod ng Parañaque, Pasay, Muntinlupa at Las Piñas ang pagsususpinde ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan nitong Agosto 22 dahil sa masamang panahon. Ipinag-utos ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang suspensiyon ng mga klase sa hapon sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa rekomendasyon ng Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office. Pinayuhan din ni Olivarez ang mga awtoridad ng paaralan na ipatupad ang maagang dismissal ng mga klase sa umaga para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Sa…

Read More

2 HINIHINALANG GUN-FOR-HIRE TODAS SA BUY-BUST SA QUEZON

NAPATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng notorious gun-for-hire group makaraang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Calauag, Quezon nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina alias June at alias Kenneth na kapwa target ng operasyon ng Provincial Intelligence Unit ng Quezon Police Provincial Office. Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Intelligence Unit ng Quezon Police Provincial Office sa Barangay Sta. Ana laban kina June at Kenneth, ngunit natunugan umano ng mga ito na pulis ang kanilang katransaksyon kaya kumaripas patungo sa direksyon ng Tagkawayan. Pagsapit…

Read More

BEBOT ITINUMBA SA DROGA?

HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang 29-anyos na babae na binaril ng dalawang beses sa ulo noong Huwebes ng madaling araw sa panulukan ng Avenida Rizal at Lope De Vega Street, Sta. Cruz, Manila. Kinilala ang biktimang si Lorena Capili alyas “Enang”, ng residente ng Tondo, Manila. Batay sa ulat ni Det. Boy Niño Baladjay kay Police Major Dave Garcia, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-12:40 ng madaling araw nang makarinig ng malakas na putok ng baril sa lugar na inakalang…

Read More