BPOs sa PH nagbabadyang magsara 1.7M POSIBLENG DAGDAG SA JOBLESS

NANGANGANIB mawalan ng trabaho ang halos dalawang milyong Pilipino na nasa Business Process Outsourcing (BPO) companies dahil sa panukalang batas sa United States (US). Dahil dito, kinalampag ni Cebu 5th District Rep. Franco “Duke” Frasco ang Department of Trade and Industry (DTI) sa umano’y kawalan ng agarang aksyon upang maprotektahan ang mga call center agent sa bansa. Ayon kay Frasco, patuloy na umuusad sa US Congress ang “Keep Call Centers in America Act of 2025,” na naglalayong obligahin ang mga American BPO operator na ibalik sa kanilang bansa ang operasyon…

Read More

ISO 9001:2015 CERTIFICATION MULING NAKAMIT NG OSPITAL NG TONDO

NAPANATILI ng Ospital ng Tondo (OsTon) ang ISO 9001:2015 Quality Management System certification matapos ang isinagawang surveillance audit kamakailan. Ipinahayag ni Hospital Director Dr. Edwin C. Perez na ang nasabing tagumpay ay patunay sa patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo ng ospital at sa kanilang layuning mapabuti pa ang lahat ng aspeto ng pangangalagang medikal para sa mga residente ng ikalawang distrito ng Tondo. “Ang ISO accreditation ay hindi lamang karaniwang parangal para sa aming ospital, kundi isang paalala ng aming tungkulin na patuloy na maglingkod sa komunidad ng…

Read More

P19.2-M HIGH GRADE MARIJUANA PINALUTANG SA WPS

NASA pag-iingat na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 32 pakete ng hinihinalang “Kush” o high grade marijuana na natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Navy sa dagat na saklaw ng West Philippine Sea. Pormal na itinurn-over ng Provincial Intelligence Unit (PIU)-Palawan Police Provincial Office (PPO) sa PDEA Palawan ang nasamsam na illegal drugs para sa follow-up operation at proper disposition. Ang nasabing kontrabando ay narekober ng Naval Task Force 41 na nasa pangangasiwa ng Western Naval Command, malapit sa Sabina Shoal na sakop ng West Philippine Sea malapit sa…

Read More

MAHIGIT 1,600 PULIS-QC IDE-DEPLOY SA UNDAS 2025

MARIING tiniyak ng Quezon City Police District na mahigit 1,600 pulis ang kanilang ide-deploy para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong nalalapit na Undas. Sinabi ni PCol. Vicente Bumalay, chief ng District Operation ng QCPD, nakataas ngayon sa mataas na alerto ang mga pulis-QC at nakalatag na ang security plan ng QC Police para sa nalalapit na paggunita ng Undas. Sa ginanap na QC Journalist Forum nitong Oktubre 21, 2025 (Martes), tiniyak ni Col. Bumalay na aabot sa 1,646 tauhan ng pulisya ang kanilang ide-deploy sa matataong mga lugar tulad…

Read More

2 DALAGITA NASAGIP SA SEX TRADE SA TONDO

NASAGIP ng mga pulis ang dalawang menor de edad na babae na umano’y ginagamit sa sex trade sa magkahiwalay na operasyon ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa Tondo, Maynila. Unang nailigtas noong Oktubre 14 ang 14-anyos na dalagita na apat na araw nang nawawala. Ayon sa imbestigasyon, nasangkot umano ito sa sexual activities kapalit ng pera at madalas daw nakikitang labas-masok sa mga motel kasama ang iba’t ibang lalaki. Matapos ang unang operasyon, agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nasagip naman ang ikalawang biktima, isang…

Read More

DOH NAGLUNSAD NG MENTAL HEALTH AT ANTI-FLU CAMPAIGN SA CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL

PINANGUNAHAN nina Dr. Albert Francis E. Domingo, MSc, Officer-in-Charge–Assistant Secretary of Health at DOH Spokesperson, kasama si Ms. Maria Kristina May L. Marasigan, Director IV ng Health Promotion Bureau (HPB), ang programang “Care for Yourself, Care for Others” na ginanap sa Cavite National High School (CNHS) sa Cavite City nitong Oktubre 21, 2025. Ang aktibidad ay bahagi ng Mental Health Month Celebration ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at ng Senior High School Department ng CNHS, na layuning itaguyod ang kalusugang pangkaisipan at kabuuang kapakanan ng mga mag-aaral. Binigyang-diin sa programa…

Read More

BINARIL NA BRODKASTER SA BICOL PUMANAW NA; PNP BUMUO NG TASK FORCE

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na pumanaw na ang Bicolanong brodkaster na si Noel Bellen Samar nitong Martes, dakong alas-dos ng hapon, matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin. Matatandaan na binaril si Samar nitong Lunes, habang sakay sa kanyang motorsiklo sa Maharlika Highway, Purok 3, Barangay Morera, Guinobatan, Albay. Mariing kinondena ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang karumal-dumal na pag-atake sa mamamahayag, at tiniyak na hindi ito palalampasin. “Walang puwang sa lipunan ang ganitong uri ng karahasan,” ayon kay…

Read More

8 MIYEMBRO NG LOCAL TERRORIST GROUP NADAKIP

MAGUINDANAO DEL SUR – Walong kasapi ng local terrorist group ang nadakip ng mga elemento ng Philippine Army at ilang gamit pandigma ang nasamsam kasunod ng matagumpay na operasyon sa bayan ng Shariff Aguak sa lalawigan noong madaling araw ng Oktubre 20, 2025. Ayon kay Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry (Unifier) Brigade, nagsagawa ng Decisive Military Operation (DMO) ang pinagsamang pwersa ng militar sa ilalim ng operational control ng 601st Brigade, matapos makatanggap ng ulat hinggil sa presensiya ng pinaghihinalaang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom…

Read More

P928-M DROGA NASAMSAM NG PDEA

UMABOT sa P928 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa buong bansa, sa loob lamang ng nakalipas na linggo mula sa 89 anti-narcotics nationwide operation na inilunsad mula Oktubre 10 hanggang 17 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 142 drug personalities. Kabilang sa major accomplishments nitong nakalipas na buong linggo ang inilunsad na buy-bust operations, search and seizure warrants, marijuana eradication drives, interdictions, at turn-over ng suspected illegal drugs, patunay ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng PDEA na…

Read More