SPECIAL REGISTRATION NAIS PALAWAKIN NG COMELEC

NAIS ng Commission on Elections (Comelec) na palawakin pa ang pagsasagawa ng Special Registration Anywhere Anytime Program nito o SRAP. Kasabay nito, nanawagan si Comelec Chairman George Garcia sa local offices nito na ipatupad ito dahil awtorisado naman aniya na magsagawa ng kanilang SRAP. Payo ni Garcia sa local offices ng komisyon, huwag sa malls gawin ang nasabing programa. Maaari rin aniyang subukang magsagawa ng SRAP sa mga unibersidad mismo. Nangako naman si Garcia na ipapaskil nila sa kanilang social media pages ang schedules ng kanilang SRAP para ma-monitor ng…

Read More

200 BUENAMANO SA QUEZON CITY JAIL INAASAHAN NG DILG

MAY 200 buena mano na inaasahan ang Department of the Interior and Local Government na mauunang gagamit ng bagong tayong Quezon City Jail sa Payatas, na magmumula sa hanay ng mga akusado sa multi billion flood control scandal na yumayanig ngayon sa bansa. “First charges to be filed in next 3 weeks,” ito ang naging pahayag ni DILG chief Jonvic Remulla sa ginanap na pulong balitaan kaugnay sa bagong custodial facilities sa Quezon City. Ayon kay Jonvic na kapatid ni dating Department of Justice Secretary at kasalukuyang Ombudsman Jesus Crispin…

Read More

ORDANES NANGUNA SA 2ND GAWAD PARANGAL FOR EXEMPLARY SENIOR CITIZENS 2025

BINIGYANG pagkilala at parangal ang dalawampu’t dalawang senior citizens mula sa iba’t ibang dako ng bansa kasabay ng paggunita sa bansa ng Elderly Filipino Week sa QC MICE Convention Center kamakailan. Pinangunahan ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagkilala sa 22 natatanging senior citizens mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. “Sila ang mga indibidwal na patuloy na pinatutunayan na hindi hadlang ang edad para patuloy na makagawa ng mahahalagang bagay sa komunidad,” ani Ordanes. Idiniin ng mambabatas na napakahalaga ng senior citizens sa pagbuo ng pamayanan kung…

Read More

PLANONG PAG-ATAKE KAY PBBM AT PAMILYA, PINALAGAN NI GOITIA

KINONDENA ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang umano’y planong pag-atake laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa kanyang pamilya, na tinawag niyang “isang duwag na gawain na laban sa diwa ng Republika at dangal ng sambayanang Pilipino.” Lumabas ang impormasyon mula kay Pebbles Cunanan, isang blogger na nagsabing may mga grupo umanong konektado sa ilang tagasuporta ng nakaraang administrasyon na nag-uusap tungkol sa naturang plano. “Ang anomang banta laban sa Pangulo ay banta rin laban sa Republika,” pahayag ni Goitia. “Isa itong pag-atake sa ating demokrasya,…

Read More

Kahit walang DNA match sa mga labi sa Taal KASO NG MISSING SABUNGEROS TULOY – DOJ

TULOY ang pag-usad ng kaso kaugnay ng mga nawawalang sabungero, kahit walang tumugma sa DNA samples ng mga pamilya sa 981 labi na narekober sa Taal Lake, ayon sa Department of Justice (DOJ). Sa isang ambush interview, tiniyak ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na hindi nakasalalay sa DNA results ang pagpapatuloy ng kaso, lalo na kung sapat na ang ibang ebidensyang hawak ng mga imbestigador. “It may add to what evidence we have now. If the panel of prosecutors finds sufficient evidence to proceed to trial given what we…

Read More

PULITIKA SA FLOOD MESS PROBE?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NANG sumabog ang flood control scandal, tila nabuhay ang pag-asa ng taumbayan — baka nga sa wakas, may mananagot na sa paulit-ulit na katiwalian sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Pero gaya ng dati, habang lumalalim ang imbestigasyon, mas lumilinaw din kung gaano kalalim ang ugat ng problema. P1.4 trilyon. Hindi ito basta numero. Sa ganitong halaga, ayon sa ilang pagtataya, kayang magpatayo ng tig-700-bed capacity na ospital sa 82 lalawigan. Kayang magtayo ng 560,000 silid-aralan sa mga pampublikong paaralan. Kayang…

Read More

CONG-TRATISTA SARILI ANG PINAGSISILBIHAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAPAKARAMING cong-tratista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya ang tanong ng taumbayan ay mapapanagot ba sila lalo na’t halos lahat sa kanila ay sikat as in nagbubutas lang ng silya sa Kamara at isa sa mga binabantayan dahil baka malason sila sa kanilang laway dahil hindi sila nagsasalita. Lalong nakatatakot na tuluyang malason sa kanilang laway ang mga cong-tratistang ito dahil noong hindi pa napapansin ng taumbayan ang kanilang raket ay hindi sila nagsasalita, asahan n’yo na hindi na nila ibububuka pa ang kanilang bibig. Sabagay,…

Read More

BERNARDO NG DPWH, ‘KEY CARD’ KING

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI lang pala “kickback” ang uso noon sa DPWH — may “key card” culture pa raw. At ayon sa mga tsismis sa loob, ang utak daw nito ay si dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo — yes, ‘yung parehong opisyal na ngayon ay nagpapalusot ng “karamdaman” para umiwas sa hearing ng Independent Commission on Infrastructure (ICI). Sabi ng insiders, si Bernardo raw ang nagpasimula ng sistemang parang “exclusive club” para sa piling opisyal at kontratista. May mga junket, private parties, at “special access” na para bang…

Read More

PISONG TAAS PASAHE SAPUL ANG MGA MANGGAGAWA’T ESTUDYANTE

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS ISA na namang dagdag-pasanin ni Juan Dela Cruz ang hirit ng mga grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubahan ang P1 provisional na dagdag sa pamasahe para sa unang apat na kilometro ng biyahe sa mga pampasaherong jeep. Ang panawagang ito ay para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, piyesa, at iba pang mga gastusin sa maintenance. Sinabi ni Ramon Guevarra, pangulo ng Jaen Nueva Ecija Transport Corporation, kinakailangan na ang dagdag-pasahe dahil…

Read More