NAKATAKDANG tumestigo si dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy. Magugunitang ang on-leave police general ang nanguna sa ilang araw na paghahanap at tuluyang pagdakip kay Quiboloy, sa isinagawang search and law enforcement operation sa compound ng KOJC sa Davao City. Si Torre ay naghain ng kanyang official leave noong Agosto 26 na magtatagal hanggang Oktubre 31, matapos siyang halinhan ni Acting PNP chief Melencio Nartatez. Sa panayam ng media, inihayag ni Torre na nakatakda sa susunod na linggo…
Read MoreAuthor: admin 3
P200-M KIKITAIN SA AUCTION SA LUXURY VEHICLES NG DISCAYA COUPLE
KINUMPIRMA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang planong pagsusubasta sa luxury vehicles ng mag-asawang government contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), posibleng kumita ng hindi bababa sa P200 million kung isusubasta ang 13 luxury vehicles ng mag-asawang contractor. “Ang minimum na pwedeng kitain ng pamahalaan sa proceeds ng bidding ay should be a minimum of P200 to 220 million,” ani BOC commissioner Ariel Nepomuceno. Hawak ng Aduana ang 28 sasakyan nina Curlee at Sarah Discaya at binabalak na isubasta ang 13 sa…
Read MoreDISCAYA COUPLE WALA PANG SENYALES NG PAG-ATRAS SA DOJ
SA kabila ng pag-atras ng mag-asawang Discaya na makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, wala pang pahiwatig na hindi na rin sila makikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ). Giit ni Fadullon, maaapektuhan ang kanilang aplikasyon bilang state witness dahil sa pag-atras nila sa pakikipag-ugnayan sa ICI. Wala rin aniya sa posisyon ang mga ito na diktahan ang DOJ kaugnay ng kanilang aplikasyon. “They’re applying for supposedly witness protection coverage. And we have our procedures to determine whether or not they will be…
Read MoreILI LOCKDOWN ITINANGGI NG DOH
ITINANGGI ng Department of Health nitong Biyernes ang ulat na nagpapatupad ng lockdown sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI). Ayon kay Health secretary Ted Herbosa, walang planong lockdown –ang ulat ay isang fake news. Ginawa ni Herbosa ang pahayag dahil sa mga social media post na ilang lugar sa Luzon ang isinailalim sa lockdown dahil sa umano’y ILI outbreak. Muling inulit ni Herbosa na walang ILI outbreak o epidemic sa National Capital Region (NCR) at ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ay inaasahan…
Read MoreMAGNITUDE 6.2 LINDOL TUMAMA SA SURIGAO DEL SUR
MULING nabuhay ang takot sa posible pang sunod-sunod na malakas na paglindol nang yanigin ng magnitude 6.2 earthquake ang bayan ng General Luna sa Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang sanhi ng lindol na naramdaman bandang alas-7:03 ng umaga sa lalim na 10 kilometro. Natukoy ang episentro ng pagyanig may 13 km timog-silangan ng General Luna. Naramdaman ang Intensity IV sa Cabadbaran City, Agusan Del Norte; Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, Silago, Southern Leyte; Surigao City, Surigao del Norte. “Most…
Read MoreEX-BJMP PERSONNEL TIKLO SA P.8-M SHABU
Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga — Arestado ang isang dating tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang buy-bust operation ng Dinalupihan Municipal Police Station noong Oktubre 16, 2025, sa Brgy. Daang Bago, Dinalupihan, Bataan. Batay sa inisyal na report, ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “DC,” 31-anyos, dating opisyal ng BJMP. Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 122.10 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P830,280.00, at ang marked money na ginamit sa…
Read MoreMANILA LGU NAGLABAS NG PAALALA PARA SA UNDAS 2025
NAGLABAS ng paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga bibisita sa Manila North Cemetery ngayong Undas 2025 upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko. Mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang pagdadala ng baril, matatalim na bagay gaya ng kutsilyo at cutter, nakalalasing na mga inumin, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system, at anomang bagay na madaling magliyab tulad ng alkohol at thinner. Ayon sa anunsyo, bukas ang sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. Ang huling…
Read MoreCITY COUNCILOR SINUSPINDE SA HARASSMENT SA KAPWA KONSEHAL
PINATAWAN ang isang city councilor ng 60 araw na suspensyon ng Manila City Council dahil sa reklamong harassment. Sinuspinde ng 60 araw ang isang konsehal sa Lungsod ng Maynila matapos ireklamo ng harassment ng kapwa nito konsehal. Ayon kay Vice Mayor Chi Atienza na siyang presiding officer ng Manila City Council, hindi nila binabalewala ang ganitong klase ng reklamo at naging patas sila sa proseso ng paglalabas ng desisyon sa naturang reklamo laban kay Councilor Ryan Ponce. Ayon pa sa bise alkalde, naging sapat ang ebidebsya ng reklamo ni Councilor…
Read MoreATONG ANG NAGSUMITE NA NG KONTRA-SALAYSAY SA MISSING SABUNGEROS CASE
NAGSUMITE na ng counter affidavit si Charlie “Atong” sa Department of Justice nitong Biyernes ng hapon kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Sinabi ni Atty. Gabriel Villareal, legal counsel ni Ang, inihain ang kontra-salaysay ng kanyang kliyente sa National Prosecution Service sa DOJ. Ayon pa kay Villareal, ginawa nila nang mas maaga ang paghahain ng kontra-salaysay upang maiwasan ang kaguluhan sa pagdinig lalo pa’t mahigit 61 ang respondents sa kaso. Kabilang sa nakapaloob sa counter affidavit ni Ang ang denial o pagtanggi sa pitong kaso na inihain laban sa…
Read More