KONSTRUKSYON NG LTFRB CENTRAL OFFICE KONEKTADO SA DISCAYAS

MISTULANG umabot na sa bakuran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga galamay ng pamilya Discaya, matapos mabunyag na ang bagong proyekto ng ahensya sa Quezon City ay nasakop umano ng isa sa kanilang mga kumpanya. Batay sa ulat, ang proyekto ay pinamagatang “Disenyo at Pagtatayo ng LTFRB Central Office”, na kinabibilangan ng pagpapalit ng bubong, paglalagay ng waterproofing system, at pagtatayo ng bagong harapan ng gusali. Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P49.6 milyon, at ang kumpanyang Alpha at Omega General Contractor and Development ang nanalo sa…

Read More

TULFO: PAGKAIN BAGO INTERBYU SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

PINASALAMATAN ni Senate Committee Chairman on Social Justice, Welfare, and Rural Development Erwin Tulfo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian sa utos nitong ibigay na muna ang mga pagkain at tubig sa mga biktima ng lindol doon bago sila isalang sa mga interbyu at paper works bilang requirement sa pagbibigay ng ayuda. Sa pagdalaw ni Sen. Tulfo, at iba pang kasamahan sa Senado tulad nina Senador Bong Go, Raffy Tulfo, at Jinggoy Estrada sa Bogo City, Cebu dalawang araw matapos ang lindol, narinig ng Senador…

Read More

LACSON PLANONG BUMITAW BILANG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIR

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ikinukonsidera na niyang magbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsisiyasat sa mga umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Lacson, pinag-iisipan niya ang hakbang matapos makarinig ng mga pagkadismaya mula sa ilan sa kanyang mga kasamahan sa Senado kaugnay ng paraan ng kanyang pamumuno sa komite. Ito’y matapos umamin si Senador JV Ejercito na binalak niyang umalis sa Majority Bloc kasunod ng pahayag ni Lacson na halos lahat ng senador sa 19th Congress ay may “insertions” sa 2025 national…

Read More

Marcos gustong alisin bago siya patalsikin sa Kamara PEOPLE POWER NA – CONGMEOW

NANAWAGAN ng people power si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga para patalsikin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na aniya’y hindi nagsisilbi sa taumbayan kundi sa pamilya at mga kaalyado lamang nito sa pulitika. “My fellow citizen, President Marcos no longer serve the interest of the Filipino people but rather the interest of his family and his political allies,” saad ng bagitong mambabatas na anak ng yumaong congressman Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., sa kanyang social media page. Ayon pa sa mambabatas, sa tatlong taong pamumuno ni Marcos sa bansa, hindi…

Read More

Isang Makasaysayang Pagdiriwang: Samahan ang Ika-20 World Psoriasis Day sa Maynila!

Sa loob ng 20 taon, sama-sama nating pinatunayan na ang mga pangil ng psoriasis ay hindi kayang talunin ang tibay ng Pilipinong spirit. Dalawampung taon na simula nang magsama-sama ang ating komunidad. Ngayong 2025, ipinagdiriwang natin ang 20th Anniversary ng Psoriasis Philippines (PsorPhil)! Inaanyayahan ka naming maging bahagi ng aming pinakamalaki at pinakamakabuluhang pagdiriwang sa Linggo, ika-26 ng Oktubre, 2025, sabay sa pandaigdigang temang: “Psoriatic Disease and Comorbidities: The Domino Effect.” Psoriatic Disease: Isang Laban na Kasama ang Pamilya. Ang Psoriatic Disease ay isang seryosong autoimmune condition. Ito ay hindi…

Read More

2 OBRERO NAAKTUHANG UMIISKOR NG DAMO

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang construction workers nang maaktuhan habang umiiskor ng marijuana sa loob ng barracks ng construction site sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article II, Section 13 at 15 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Saijean” at “Dennis”. Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi nang makatanggap ang Section 3 Mobile Patrol ng tawag hinggil sa dalawang construction worker na humihithit ng marijuana sa loob ng kanilang…

Read More

PATAY SA CEBU QUAKE, 68 – NDRRMC

IBINABA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Oktubre 3, ang bilang ng mga nasawi bunsod ng nangyaring magnitude 6.8 na lindol, sa 68 mula sa bilang na 72 noong Huwebes. Ayon kay Diego Mariano, officer-in-charge ng Civil Defense Communications and Advocacy Division, ang inilabas na bilang ay base sa verification na ginawa ng inaktibong Management of the Dead and Missing (MDM) cluster, isang bagong tatag na unit sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa inilabas na paliwanag ni OCD VII…

Read More

DSWD TULOY-TULOY RELIEF OPS SA MGA BIKTIMA NG CEBU QUAKE

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 24/7 ang kanilang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.9 lindol sa Cebu noong Setyembre 30. Ayon kay Asst. Sec. Irene Dumlao, tagapagsalita ng DSWD, naka-full force ang mga “Angels in Red Vests” ng Field Office 7 sa pagbibigay ng maiinit na pagkain mula sa mobile kitchen at malinis na inumin gamit ang water tanker at filtration truck sa Bogo City. Naka-istasyon din ang mobile command center sa lugar upang mapabilis ang komunikasyon at pagtugon, lalo’t limitado…

Read More

PNP MAGPAPADALA NG ENGINEERS PARA SA NASIRANG POLICE STATIONS SA CEBU

MAGPAPADALA ng civil engineers ang Philippine National Police (PNP) para suriin ang pinsalang tinamo ng mga himpilan ng pulisya sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol. Ayon kay PNP Community Affairs Division Chief Col. Esmeraldo Osia Jr., makikipagtulungan ang mga PNP engineers sa mga eksperto mula sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Cebu Chapter. Layon ng assessment na malaman kung ligtas pang gamitin ang mga gusali at kung anong hakbang ang dapat gawin para sa rehabilitasyon. Sinabi ni Osia na 34 na police stations at dalawang headquarters ang…

Read More