OWNER PATAY SA NASUNOG NA CHRISTIAN SCHOOL

NATAGPUANG wala nang buhay ang may-ari ng isang private school makaraang masunog ang nasabing eskwelahan sa Brgy. Sta. Cruz, Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktimang si alyas “Violeta”, 79, may asawa, may-ari ng Brentwood Academy of Dasmariñas Inc. sa Brgy. Sta Cruz 1, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog bandang alas-8:32 ng gabi sa loob ng classroom sa nasabing paaralan.

Bandang alas-9:13 ng gabi nang ideklarang under control ang sunog at habang nagsasagawa ng clearing operation ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa Administration Office bandang alas-9:44 ng gabi.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Ang Brentwood Academy ay isang Christian School.

(SIGFRED ADUARA)

82

Related posts

Leave a Comment