PINAALALAHANAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga punong bayan at maging ang mga residente sa paligid ng Mt. Kanlaon, na maging alerto sa posibleng paglala ng seismic activity sa bulkan, na posibleng mangailangan ng biglaang paglikas, ayon kay OCD-Negros Island Region Director Donato Sermeno III. Kasunod ito ng ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hinggil sa mga naitalang seismic activity ng bulkan na maaaring mauwi sa pagputok nito. “We are in contact with Phivolcs. Alert Level 2 remains in effect, and concerned DRRMOs (Disaster Risk…
Read MoreAuthor: admin 3
BAHAY NATABUNAN SA LANDSLIDE; 1 PATAY, 1 MISSING
QUEZON – Isa ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang pinaghahanap ng search and rescue team matapos matabunan ng lupa ang isang bahay sa gilid ng bundok sa Sitio Aluhing Maliit, Brgy. San Lorenzo sa bayan ng Mauban, sa kasagsagan ng pag-ulan noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng Mauban Police, nangyari ang insidente bandang alas-8:50 ng gabi kasabay ng malakas na pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA). Nabatid sa inisyal na imbestigasyon, lima ang naitalang biktima sa insidente. Sa kasamaang palad, na-trap sa loob ng kanilang bahay…
Read MoreGamit sariling pera ng kontratista PALPAK NA FLOOD CONTROL PROJECTS MULING IPAGAGAWA
MALACAÑANG – Iniuutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ayusin ng mga kontratistang gumawa ng palpak na infrastructure projects, lalo na sa flood control, ang kanilang trabaho gamit ang sariling pera. Sa presscon sa Kalayaan Hall nitong Lunes, Setyembre 15, binigyang-diin ng Pangulo na may “warranty” ang lahat ng government projects kaya obligadong bumalik ang kontratista kapag depektibo ang kanilang ginawa. “Kahit sabihin nilang completed, kapag nadiskubre na hindi tama ang pagkagawa, they still have to honor the warranty,” ani Marcos Jr. Mariin din niyang binalaan ang mga tiwaling…
Read MoreIBANG TRANSPORT GROUPS HINDI SASAMA SA TIGIL PASADA
TINIYAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi sasama sa tigil pasada ng grupong PISTON at Manibela ang iba pang malalaking grupo ng transportasyon sa bansa. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang transport group at sinabi ng mga ito na hindi sila sasama sa tigil pasada. Gayunman, tiniyak ng MMDA na maglalagay sila ng standby na mga libreng sakay para agad mailabas kung kakailanganin. “Confident naman po ako na sa tulong din ng Department of Transportation (DoTr) at mga Local Government Units (LGUs),…
Read MoreKERWIN ESPINOSA MULING NABARIL, FAKE NEWS
MABILIS na umugong ang balita na muling nabaril umano si dating accused drug lord Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa at itinakbo sa Manila Doctors Hospital. Ayon sa abogado ni Mayor Espinosa, ito ay “fake news”. Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Raymund Palad, ang alkalde ay hindi binaril, kundi dumaan lamang sa isang medical check-up para sa iniinda nitong injury sa kanyang kanang kamay. Kinumpirma ng abogado ni Espinosa na nakausap niya si Kerwin, kaya’t sinabi nitong malisyoso ang mga kumakalat na dinala umano sa Maynila ang alkalde para gamutin…
Read MoreLIGTAS, KREDIBILIDAD NG BARMM ELECTION TITIYAKIN NG PNP
PINAALALAHANAN ni PNP Acting chief, Police Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr., ang mga pulis na tiyakin na magiging maayos at may kredibilidad ang nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections. Sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame kahapon ng umaga, sinabi ni Nartatez na pinaghahandaan na nila ito, apat na linggo mula ngayon. Sa Oktubre 13 isasagawa ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections kung kaya’t dapat itong paghandaan. Pinaalalahan niya rin ang mga ito na maglingkod nang tapat at proteksyunan ang mamamayan. Samantala, sinabi ni Nartatez na…
Read MoreBRICE HERNANDEZ BALIK-SENADO
NAIBALIK na sa Senado si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez. Ayon kay Senate Sgt At Arms Retired General Mao Aplasca, alas-10:10 ng umaga nitong Lunes nang madala sa Senado si Hernandez. Batay ito sa utos ng Pasay City Regional Trial Court bilang resulta ng pagtalakay nila ng writ of amparo petition ni Hernandez kung saan hinihiling niyang ibalik siya sa PNP Custodial Center. Kasabay nito, kinumpirma ng tanggapan ni Senate President Vicente Tito Sotto na sumulat sa lider ng Senado ang abogado ni Hernandez kaugnay sa muling admission…
Read MoreCONGRESSMEOW BARZAGA KAKASUHAN NA SA ETHICS
NAUUBUSAN na ng pasensya ang National Unity Party (NUP) kay Dasmariñas City Rep. Francis “Kiko” Barzaga matapos ilantad ng partido na nakatakda na itong sampahan ng kaso sa House Ethics Committee. Ayon kay Antipolo Rep. Ronaldo Puno, chairman ng NUP, paulit-ulit nang lumalabag si Barzaga sa mga panuntunan ng Kamara dahil sa kanyang mga banat at pahayag na umano’y nakakapag-udyok ng kaguluhan. “When a Member deliberately engages in inflammatory rhetoric… it constitutes a willful degradation of standards,” saad ng opisyal na pahayag ng NUP. Matatandaang nag-resign si Barzaga sa NUP…
Read MoreImport allocation naman ng isda DA TINANGKANG BRASUHIN NI ZALDY CO
TINUMBOK ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. si dating House appropriations chair at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co matapos isiwalat na tinangka umano nitong mambraso para makakuha ng import allocation ng isda. Sa budget hearing ng DA sa Kamara, tinanong ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon kung bakit hindi bumababa ang presyo ng galunggong sa kabila ng malakihang importasyon. Binanggit nito ang ilang kumpanya, kabilang ang fishing firm ng pamilya ni Navotas Rep. Toby Tiangco, para ipasilip kay Laurel kung sinu-sino ang malalaking importer. Aminado si Laurel na…
Read More