BINANATAN ng mga netizen ang integridad ng Senate Blue Ribbon Committee matapos mabunyag na ang director general nito ay si Atty. Rodolfo Noel Quimbo—nakatatandang kapatid ni Marikina Rep. Miro Quimbo. Si Atty. Quimbo ang isa sa pinakamakapangyarihang opisyal ng komite na ngayo’y nag-iimbestiga sa kontrobersya sa flood control projects. Sa isang social media post mismo ni Rep. Quimbo, kinumpirma niyang kapatid niya ang nasabing opisyal. Sa nakaraang pagdinig, inihayag nina Sarah at Curlee Discaya ang pangalan ng ilang mambabatas, kabilang si Cong. Marcy Teodoro—na matagal nang karibal ng pamilya Quimbo…
Read MoreAuthor: admin 3
REGULASYON KAYSA TOTAL BAN KONTRA SUGAL
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MADALING sabihin na solusyon ang total ban sa online gambling. Pero sa totoo lang, kapag isinara ang legal platforms, hindi naman titigil ang tao sa pagsusugal. Lilipat lang sila sa ilegal—at mas mapanganib pa. May panukala kasing ipagbawal na lang ang lahat ng online gambling sa bansa. Pero, ayon nga sa CitizenWatch Philippines, hindi total ban ang sagot kundi maayos na regulasyon at mas mahigpit na laban sa illegal online gambling. Para sa convenor ng grupo na si Orlando Oxales, maraming Pilipino ang tingin sa sugal…
Read MorePUSO ng NAIA
Nagsagawa ng isang misa ang ‘Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders at Obrero’ o PUSO ng NAIA sa pangangasiwa nina Bishop Ben Labor, Aldrin Lieva at Agustino Tangca, sa Pasay City upang iapela ang kanilang hinaing sa pamahalaan at private concessionaire na New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) na suspendihin ang dagdag-singil sa terminal fee ng nasabing paliparan na epektibo ngayong araw ng Lingo Septembre 14,2025. Kasabay nito nanawagan ang PUSO ng NAIA ng isang tunay na ugnayan at konsultasyon kasama ang lahat ng mga stakeholder sa aviation industry. 375
Read MoreKAILANGAN MAKIALAM
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KUNG hindi ka pa galit, bakit? Grabe nitong nakaraang linggo ang mga rebelasyon kung nasubaybayan ninyo ang nangyayaring pagdinig na ginawa ng Senado at Kamara tungkol sa kontrobersyal na flood control projects at mga kontraktor. Nung nakatuon ang galit sa mga pinangalanang kontraktor at mga pamilya nila, pero mas dumarami pa ang mga lumalabas na may kinalaman sa malawakang korupsyon na bumabalot sa mga proyektong ito. Kahit siguro hindi mo ito subaybayan, makikita mo rin sa balita at social media ang sandamukal na post na…
Read MorePAGTAPOS SA PHARMA UNFAIR PRACTICES, HUSTISYA SA MGA PASYENTE
CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUMILINAW na ang hustisya para sa mga pasyente na napipilitang tanggapin ang mga reseta ng doktor para sa mga gamot mula sa pinapaborang pharma company. Kamakailan, ipinag-utos ng Professional Regulation Commission (PRC) kina Dr. Viannely Berwyn Formilleza Flores at Dr. Luis Raymond Tinsay Co, na magsumite ng kanilang ‘counter-affidavit’ bilang sagot sa isinampang reklamo ng dating congressman at health advocate na si Erin Tañada. Binibigyan ang dalawang respondent ng 10 araw matapos matanggap ang ‘summon’ para sagutin ang reklamo at makaiwas sa posibilidad na default. Hindi…
Read MoreHIROTIGER INTERNATIONAL TINATAWAGAN NG PANSIN
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MULI na namang umalingawngaw ang panawagan ng ating mga kababayang manggagawa sa ibang bansa. Isa na rito si Lilia Mae Abawan, 33-taong gulang, tubong North Cotabato, na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa kanyang salaysay, nakararanas siya ng pisikal at verbal na pang-aabuso mula sa kanyang among babae, at higit pang nakababahala ang sekswal na pagmomolestiya mula sa kanyang among lalaki. “Sinasaktan po ako, binabastos at hinihipuan ng amo kong lalaki. Ito na po ang pangalawang employer ko rito. Matagal na po…
Read MoreP20 BIGAS PARA SA MASA, HANDOG NI GOV. UMALI SA BARANGAY DEL PILAR!
TARGET ni KA REX CAYANONG NOONG Setyembre 11, naging makulay at makahulugan ang hapon para sa mga residente ng Barangay Del Pilar. Ito’y matapos isagawa ang programang “Bigas Para sa Masa.” Mula 12:30 PM hanggang 3:00 PM, kung saan nagtipon ang mamamayan upang makabili ng bigas sa halagang 20 pesos kada kilo na malaking tulong lalo na sa panahong patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Hindi maikakaila na ang bigas ang pangunahing pagkain ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya naman, ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga Novo Ecijano…
Read MoreBARZAGA HINAMONG ILABAS EBIDENSYA VS ROMUALDEZ
HINAMON ng tagapagsalita ni House Speaker Martin Romualdez na si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Dasmarinas City, Cavite Rep. Francis “Kiko” Barzaga na ilabas na ang kanyang ebidensya laban sa lider ng Kamara. “The issue now, kung siya ay may ebidensya eh bakit hindi niya ilabas?,” ani Barbers matapos igiit ni Barzaga na may personal siyang impormasyon na sangkot si Romualdez sa flood control projects kaya dapat itong isama sa mga iniimbestigahan. Ayon sa mambabatas, hindi dapat sa social media ang pagpapasaring ni Barzaga kundi maglabas…
Read MoreKaya pabago-bago sinasabi MAY KUMUKUMPAS SA MGA DISCAYA?
NANINIWALA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na may “kumukumpas” sa mag-asawang kontraktor na sina Pacifico “Curlee” at Rowena Cezarah Discaya, dahilan kung bakit umano hindi buo at pabago-bago ang kanilang pahayag kaugnay ng anomalya sa flood control projects. Ayon kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tagapagsalita ni House Speaker Martin Romualdez, magkaiba ang testimonya ng mga Discaya sa Senado at sa Kamara. “Lunes ABC ang kanta (Senado), pagdating ng Martes XYZ ang kanta (sa Kamara). Kaya mukhang may motibo itong Discaya. Ito ba ay dapat…
Read More