TARGET ni KA REX CAYANONG TUWING dumaranas ng malalakas na pagbuhos ng ulan at matitinding pagbaha, madalas na nagiging eksena ang sisihan sa pagitan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga opisyal. Ngunit sa halip na puro turuan, mas epektibo kung magkakaroon ng sama-samang pagkilos mula sa lahat—gobyerno, pribadong sektor, at mamamayan. Isang halimbawa nito ang ginawa ng isang tollway company na hindi lamang nakatuon sa kaligtasan ng mga motorista, kundi nakikipag-ugnayan din sa kaukulang mga ahensiya upang makahanap ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha, kabilang na ang pagpapatibay ng mga…
Read MoreAuthor: admin 3
REP. MARCOS AMINADONG CHA-CHA WRONG TIMING
BAGAMA’T hindi umano tututulan ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pag-amyenda sa saligang batas para maitama ang mga butas nito, mistulang malamig naman si House majority leader Sandro Marcos. “It’s a wrong timing and wrong place,” sagot ni Rep. Marcos nang tanungin ukol sa itinutulak ni Antipolo City Rep. Ronaldo Puno na pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon). Ipinaliwanag ng mambabatas na magsisimula pa lamang ang pagdinig ng Kamara sa 2026 national budget na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon kaya wala umanong panahon…
Read MoreBSKE SABAY NG UNDAS, NO CHOICE – COMELEC
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na walang choice kundi sundin ang itinakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa unang Lunes ng Nobyembre na papatak naman sa All Soul’s day. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi sila kinonsulta kung kailan dapat idaos ang halalan. Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na handa naman ang Comelec na isagawa ito sa susunod na taon kahit mataas ang posibilidad ng masamang panahon. Ito’y matapos lagdaan nitong Miyerkoles ng gabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapalawig sa termino…
Read MoreSa laki ng utang ng Pilipinas HALOS P1 TRILYON INTEREST PA LANG
BUNSOD ng patuloy na paglobo ng utang ng Pilipinas, pataas din nang pataas ang inilalaang pondo para sa pambayad sa interest pa lamang. Sa budget presentation ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa 2026 national expenditure program (NEP), kapansin-pansin ang pagtaas ng debt service. Sa P6.793 trilyon na pondo sa susunod na taon, umaabot sa P978.7 Billion o halos isang trilyong piso ang nakalaan sa debt service o katumbas ng 14% sa kabuuang pambansang pondo sa susunod na taon. Mas malaki ito kumpara sa P848.031 billion…
Read MoreMay pinakamataas ding confi, intel funds HIGIT P1-B GAGASTUSIN SA 2026 TRIPS NI PBBM
MAHIGIT 1 bilyong piso na ang budget ng local at foreign missions at state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa susunod na taon. Ayon sa 2026 National Expenditure Program, ang local o foreign missions at state visits ay pinaglaanan ng P1,018,304,000. Tumaas ito mula sa P982,649,000 budget ngayong taon. Kamakailan, nagkaroon ng state visit ang Pangulo sa Republic of India. Bago iyon, nagkaroon din siya ng official visit sa Estados Unidos para makapulong si US President Donald Trump. Lumahok din siya sa ASEAN Summit and Related Summits sa…
Read MorePINAGMULAN NG ‘TUKLAW’ CIGARETTE TINUTUNTON NG PNP
PUSPUSAN ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) para matukoy ang pinagmulan ng mapanganib na “tuklaw” cigarette at mga posibleng ruta na pinagdaanan nito papasok ng Pilipinas. Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, lubhang mapanganib ang “tuklaw” o Thuoc Lao cigarettes. Binalaan naman ni Torre ang publiko sa paggamit ng naturang sigarilyo kasunod ng pagkakaaresto sa lima katao na umano’y sangkot sa pagbebenta nito sa Puerto Princesa City, Palawan. Aniya, may dahilan kung bakit ilegal ang naturang substance. Lubhang delikado aniya ito at hindi ginagamit sa mainstream medicine.…
Read MoreLGUs PINIPIGA SA EBIDENSYA SA FLOOD CONTROL ANOMALIES
HINIKAYAT ng Malakanyang si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ibang pang alkalde na magsumite ng ebidensiya na magpapatunay sa kanyang sinabi na mayroon siyang impormasyon ukol sa iregularidad sa flood control projects. Sa press briefing sa Malakanyang, tila hinamon ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si Magalong na magpakita ng ebidensiya laban sa mga indibidwal na sangkot sa korupsyon sa flood control projects, na nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan. “At kung ano po ang maitutulong ni Mayor Magalong,…
Read MoreILANG DOJ PROSECUTORS NIRESBAKAN NI DE LIMA
NIRESBAKAN kahapon ni dating senador at Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima ang ilang prosecutors ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng paghahabol sa naabswelto nang kasong droga laban sa kanya. Batay sa formal complaint na isinumite sa DOJ ni Atty. Dino de Leon, abogado ni De Lima, reklamong grave misconduct and gross ignorance of the law ang kanilang inihain laban sa ilang prosecutors ng ahensya. Paliwanag ng kanilang kampo, hanggang ngayon umano hindi tumitigil ang mga prosecutor sa paghahabol sa kaso ni De Lima gayung dismissed na ito…
Read MoreDRUG DEN OPERATOR, 5 PA ARESTADO
PAMPANGA – Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency isang drug den operator at limang iba pa, sa ikinasang anti-narcotics operation sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao sa lalawigan. Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-3:40 ng hapon noong Miyerkoles, naglunsad ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA – Pampanga Provincial Office sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao. Sa operasyong ito ay nahuli si alyas Nono, 53, na siyang nangangasiwa umano sa sinalakay na drug den; kasama…
Read More