Mayor Lani Cayetano pinuri ang PNP LABAN NG TAGUIG SA DROGA PATULOY

NAGBABALA si Mayor Lani Cayetano sa lahat ng kriminal na walang puwang sa Taguig ang ilegal na droga at sugal, kasabay ng kanyang pagpuri sa Philippine National Police (PNP) matapos magsagawa ng dalawang buy-bust operation na umabot sa halos ₱3 milyon ang halaga ng nasamsam na hinihinalang shabu sa loob lamang ng isang linggo. Noong Agosto 12, 2025, inaresto ng Southern Police District–Drug Enforcement Unit (SPD–DDEU), kasama ang Taguig City Police Sub-Station 6, ang apat na high-value target sa isang operasyon sa Brgy. South Signal. Nakumpiska mula kina Ali Kamsa,…

Read More

Mataas na renta, penalty sa Pritil vendors, ipinatitigil ni Konsehal J. Domagoso

AGAD na umaksyon si Manila 1st District Councilor Joaquin Domagoso sa maraming reklamo ng mga vendor sa nasunog na Pritil Market sa Tundo, Manila. Kamakailan ay bumisita ang 21-anyos na konsehal sa palengke at nagulat na sa loob ng dalawang taon, mula nang ianunsiyo na ito ay patatayuan ng moderno at maayos na palengke, ito ay “Under Construction” pa rin. Ayon sa mga vendor, lumiit ang kita nila mula nang masunog ang Pritil Market dahil sa hindi maayos na pasilidad nito, at mga nakahambalang na gamit sa konstruksyon. Sa kabila…

Read More

DAYONG BINATILYO TUMIRA NG E-TRIKE

BINITBIT ng nagrespondeng mga tauhan ng Sector 3 ng Sampaloc Police Station 4 ng Manila Police District sa inilatag na “Oplan Pagtugis” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation, ang isang 17-anyos na binatilyo na suspek sa pagnanakaw ng e-trike sa Sampaloc, Manila nitong Biyernes ng umaga. Ayon kay Police Staff Sergeant Rowie Lizano, ng Women and Children Protection Section, ang suspek na menor de edad ay pansamantalang inilagak sa Manila Social Welfare and Development (MSWD) para sa tamang disposisyon. Nabatid sa ulat nina Police Staff Sergeant Dharwin Dela Rama at…

Read More

BSP BINULABOG NG BOMB THREAT

BINULABOG ng bomb threat ang tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Roxas Boulevard sa Maynila noong Huwebes. Ayon sa Manila Police District (MPD), nakatanggap ng email ang ilang empleyado mula sa isang nagpakilalang Japanese lawyer na nagbanta ng pagsabog pasado alas-tres ng hapon sa ilang pampublikong transportasyon. Agad namang nagresponde ang mga pulis at sinuyod ang lugar kasama ang kanilang K9 unit. Matapos mag-inspeksyon, walang natagpuang bomba o anomang delikadong bagay. Gayunman, pinaigting ng MPD ang seguridad sa lungsod at inatasan ang lahat ng station commanders na makipag-ugnayan…

Read More

PNP-AFP COMELEC CHECKPOINTS NAKALATAG NA PARA SA BARMM ELECTION

SIMULA nitong Huwebes ng hatinggabi, nag-umpisa nang pairalin ng Commission on Election ang total gun ban sa mga lugar na saklaw ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao kaugnay sa gaganaping October 13 Bangsamoro parliamentary election. Kasabay nito, naglatag na rin ng mga checkpoint ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine sa estratehikong mga lugar partikular sa entry points papasok ng Cotabato City. Ang pagpapairal ng total gun ban ay kasabay sa pagsisimula ng election period para sa gaganaping Bangsamoro parliamentary poll na nagsimula noong Huwebes, Agosto…

Read More

RISA KULELAT SA 2028 PRESIDENTIAL SURVEY

LAGAPAK si Senadora Risa Hontiveros sa pinakabagong survey ng WR Numero para sa karera sa pagkapangulo sa 2028 elections. Batay sa survey ng WR Numero, nakatanggap lang si Hontiveros ng 1.4 percent, mas mababa ng 0.9 percent sa rating na kanyang nakuha noong Abril 2025. Nangungulelat si Hontiveros sa nangungunang si Vice President Sara Duterte, na nakakuha ng 31.4 percent rating. Una nang binansagan ni dating Senador Antonio Trillanes si Hontiveros bilang pinakamalakas na kandidato ng oposisyon laban kay VP Sara sa eleksiyon sa 2028. Ayon kay Trillanes, subok na…

Read More

ANOMALYA SA PAG-IBIG FUND AT KAPALPAKAN PA RIN SA LTO

RAPIDO ni PATRICK TULFO MUKHANG hindi lang ang DPWH ang dapat imbestigahan ng Malacañang sa katiwalian dahil sa ‘di umano’y maanomalyang bilyong pisong flood control projects. Baka hindi pa alam ni PBBM ang isa pang maanomalyang paglalabas ng pera sa Pag-Ibig fund na nagkakahalaga ng anim na bilyong piso (P6 bilyon) na inilagak sa isang naluluging pribadong construction company noong December 19, 2024. Ayon sa ating mapagkakatiwalaang source, hindi dumaan sa Board of Directors ang naturang investment. Dalawang mataas na opisyal ng Pag-Ibig ang malilintikan kapag nagkataon, ang isa, na…

Read More

Following the Lord

HOPE ni GUILLER VALENCIA SA Psalms 23:4, ito ang awit ni Haring David ng Israel, “Yeah, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and your staff, they comfort me.” Sa paglalakbay sa buhay natin, mayroon magaganda at masalimuot na karanasan tayong nakahaharap. Life wasn’t always sunshine and roses, ika nga. Hindi lahat umaayon sa kagustuhan natin o maganda ang kinalalabasan. Maganda sana kung laging kaayon at ayos ang takbo ng ating buhay. Obviously, hindi…

Read More

‘Wag nating ipakita na duwag tayo sa China!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MAPAPANSIN, madalas na naman ang ginagawang pambu-bully ng China sa atin kaya ang pagkapit natin sa Mutual Defense Treaty ay isang kasiguruhan ng handang pagtulong ng US kasama na ang pinaigting na EDCA sites, sakaling lumala ang threat e nariyan ang US na siguradong tutulong sa ating depensa kung may mangyaring kaguluhan o bantang pananakop. Makikita ngayon kung sino ba talaga ang ating kaibigan at kung sino ang nagkukunwaring kaibigan. Pero, maliwanag naman ang sinabi ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hindi naman sa…

Read More