DPA ni Bernard taguinod MARAMI ang nagtatawanan noong tumayo ang karamihan sa mga congressman at magpalakpakan nang sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na rerebyuhin ang flood control projects at pananagutin ang mga sangkot sa pagnanakaw sa pondo ng proyektong ito. Hindi na kasi nahiya ang mga congressman na siyang may kontrol sa flood control projects sa kanilang mga distrito at may say kung sino ang itatalagang district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa kanilang distrito. Sa mga probinsya, ipinagmamalaki ng mga congressman na proyekto…
Read MoreAuthor: admin 3
ANG ADAPTATION AY PARA SA FANS, HINDI LANG PARA SA VIEWS
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MARAMING taon na ang lumipas mula nang mabasa ko ang “I Love You Since 1892” sa Wattpad. Isa ito sa mga kwento na tumatak sa akin bilang mambabasa. Hindi lang dahil sa kwento, kundi dahil sa tiwala at koneksyon na binuo ng author sa mga tagasubaybay niya. Si Binibining Mia, o kilala rin bilang Undeniably Gorgeous, ay hindi lang basta nagsulat ng nobela, nagtayo siya ng mundo na sinamahan namin mula umpisa hanggang dulo. Kaya nang lumabas ang cast mula sa Viva, at hindi…
Read MoreBABUSH SOGIE BILL
CLICKBAIT ni JO BARLIZO DISMAYADO ang rainbow community kasi wala na namang mangyayari sa SOGIE Bill sa Kongreso. Bakit naman natin nasabi ito? Sa pagsama ni Senadora Risa Hontiveros sa kampo ng minorya, malinaw na ang kapalaran ng SOGIE Bill na kanyang agresibong isinusulong. Sa halip na magkaroon ng tsansang maipasa kung sumapi sana si Hontiveros sa mayorya, ngayon sa kangkungan ang bagsak ng nasabing panukala sa pagsama niya sa kampo ni minority leader Tito Sotto. Kawawa naman ang mga kapatid nating kabilang sa LGBTQIA+ community na umaasang isusulong at…
Read MoreSONA NI PBBM HILAW?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MASUSUBUKAN ngayon kung gaano kasinsero ang kasalukuyang administrasyon sa pagsugpo ng korupsyon matapos ihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang Lunes, Hulyo 28, 2025. Kung hindi pa nag-ingay si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa isyu ng matinding katiwalian sa ilalim ng BBM administration, ay hindi ito maisasama sa mga binanggit sa nakaraang SONA. Bagama’t binanggit niya (BBM) ang katiwalian sa flood control projects dahil patuloy na nakararanas ng pagbaha ang iba’t ibang lugar…
Read MoreMAHIGIT P3.2-M, SHABU NASABAT SA HVI
TAYABAS CITY – Arestado ang isang high-value individual (HVI) makaraang makumpiskahan ng mahigit P3.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si Reujen Briones Vivar alyas “Eugene”, 29, isang security guard at residente ng Barangay Isabang sa lungsod. Ayon sa report ng Tayabas Police, naaresto si Eugene ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Quezon bandang alas-2:02 ng madaling araw at nakumpiska ang anim na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na tinatayang 160…
Read MoreNAGTAPON NG DUMI SA KANAL, 3 ARESTADO
RIZAL – Sasampahan ng kasong sibil ni Mayor Kit Nieto ang ‘di pinangalanang kumpanya na nakabase sa Quezon City, kasama na ang tatlong mga tauhan nito, na nagtapon ng dumi ng tao sa kanal sa kahabaan ng Imelda Avenue sa bayan ng Cainta sa lalawigan. Nahuli ang tatlo noong Lunes ng hapon, Hulyo 28, na naaktuhang nagtatapon mula sa tangke na nasa loob ng close van, na ayon sa alkalde ay parang wala lang sa mga ito ang ilegal nilang ginagawa. “‘Yung kanilang way of doing it, naka-close van, tapos ‘yung…
Read MoreBRIONES UMAMIN SIYA ANG NASA VIRAL PHOTO NA NANONOOD NG ONLINE SABONG
ILANG oras matapos magbigay ng pahayag ang kanyang mga kasamahan, inamin ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones sa mga mamamahayag sa Kamara na siya ang nasa viral video na nanonood ng sabong subalit itinanggi na nagsusugal siya. Ayon sa mambabatas, ipinadala lamang umano ng kanyang pamangkin ang video na kanyang pinanood subalit hindi umano ito nagsasabong sa tunay na buhay at wala rin umano siyang e-wallet para makapagsugal online. Bagama’t pinatawad na umano nito ang mga kumuha ng larawan at video, nagreklamo naman ito dahil nilabag ang kanyang privacy pero…
Read MoreRussia niyanig ng 8.7 earthquake PHIVOLCS NAGPALABAS NG TSUNAMI ALERT SA 22 LALAWIGAN
NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 8.7 ang silangang baybayin ng Kamchatka, Russia, alas-7:25 nitong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 30, 2025 dahilan upang magpalabas ng Tsunami alert ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente sa mga coastal area. Apektado ng Tsunami warning na inilabas ng kahapon ng state seismologists ang 22 lalawigan na nasa coastal areas ng bansa partikular ang mga nakaharap sa Pacific Ocean na posibleng abutan ng tsunami waves na may taas na isang metro. Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang makararanas ng bahagyang…
Read MoreSASAKYAN NAHULOG SA FLYOVER, 2 KRITIKAL
CAVITE – Kritikal at kapwa inoobserbahan ang dalawang sakay ng isang Toyota Veluz makaraang nahulog mula sa tulay sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Martes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Divine World Hospital ang biktimang si Omar Magarang y lantod, 38, driver ng maroon na Toyota Veluz na may plakang DBH 8822 at residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite at pasahero nito na si Naim Limbona y Antod, 28, ng nasabi ring lugar. Minamaneho ni Magarang ang kanyang Toyota Veluz at pasahero si Limbona habang binabagtas ang Barangay Sta.…
Read More