PADILLA KAKASTIGUHIN NG DOJ SA PAGTULONG MAKATAKAS SI ‘BATO’

KAKASTIGUHIN ng Department of Justice (DOJ) si Senator Robinhood Ferdinand Carino Padilla matapos siyang padalhan ng subpoena kaugnay ng umano’y pagtulong niya kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na makatakas sa Senate building noong Mayo 13, 2026.

Nahaharap si Padilla sa reklamo sa ilalim ng Presidential Decree No. 1629 o kasong obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders.

Iniuugnay ang reklamo sa umano’y pagtulong ni Padilla kay Dela Rosa na makalabas ng Senate building habang kasagsagan ng putukan noong Mayo 13.

Batay sa CCTV footage, nakita umanong kasama ni Padilla si Dela Rosa nang lumabas ang mga ito sa Senate building madaling araw ng Mayo 14.

Bukod kay Padilla, kakastiguhin din ng National Prosecution Service ng DOJ si Lt. Col. Jean Robles at iba pang respondent na sangkot sa reklamo.

Itinakda ang unang preliminary investigation sa Setyembre 25 at Oktubre 9 ngayong taon.

Nasa kamay na rin ni Padilla ang subpoena at inatasan siyang magsumite ng kanyang supporting evidence upang pabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya.

(JULIET PACOT)

69

Related posts

Leave a Comment