OBRERO NAGBIGTI SA BANYO NG PABAHAY

IMBES na harapin ang problema sa pamilya, pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang naisip na solusyon ng isang 43-anyos na construction worker na natagpuang patay sa comfort room ng isang proyektong pabahay sa Brgy. San Rafael 2, Noveleta, Cavite noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si alyas “Crisanto”, binata ng Brgy. Sta Rosa 1, Noveleta, Cavite.

Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima sa comfort room ng isang proyektong pabahay sa Brgy. San Rafael 2, Noveleta, Cavite bandang alas-8:30 ng umaga.

Sinabi ng caretaker, bago nagpakamatay ang biktima ay napansin niyang depress ito dahil sa mabigat na problema sa kanyang pamilya.

Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa pagkamatay ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

90

Related posts

Leave a Comment