LUBOS ang pasasalamat ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino sa endorsement ng Jesus is Lord Church sa kanyang kandidatura na nagpalakas sa kanyang tsansang manalo. Nagpasalamat si Aquino sa JIL sa kanilang suporta at tiwala, at kay Sen. Joel Villanueva sa pagtatakda ng pulong sa JIL National Executive Committee. “Maraming salamat sa endorsement ng Jesus is Lord Church sa posisyon ng Senador. Maraming salamat sa tiwala at suporta,” wika ni Aquino, na pang-11 sa pinakabagong Pulse Asia survey na ginawa mula Abril 20 hanggang 24. Nagpahayag din…
Read MoreAuthor: admin 3
NATIONAL LAND USE BILL ISUSULONG NG ‘ALYANSA’
PANAHON na upang maisabatas ang panukalang National Land Use Act (NLUA). Nangako ang mga administration-backed senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na tutuldukan ang ilang dekada nang pagkatengga ng NLUA, anila, ang pagpasa nito ay kinakailangan ng matibay na political will at ng committee chairs na seryoso sa land use planning at sustainability. Sinabi ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson na ang patuloy na pagkatenga ng panukala – umabot na sa 30 taon – ay dahil sa mahinang liderato at lack of urgency sa mababa at mataas na…
Read MorePOLICE VLOGGER TULUYAN NANG SINIBAK NG NAPOLCOM
KINUMPIRMA kahapon ng National Police Commission (Napolcom) na tuluyan na nilang sinibak sa serbisyo ang vlogger-cop na tumuligsa sa administrasyong Marcos Jr. kasunod ng pagdakip kay dating presidente Rodrigo Duterte at hindi na rin ito makakapasok sa anumang public service. Inihayag ng Napolcom na dismissed na sa serbisyo si Patrolman Steve Francis Fontillas matapos na nag-viral siya sa mga social media platform dahil sa pagpapakita niya ng suporta kay dating pangulong Duterte ng arestuhin ito at dalhin sa The Hague sa Netherlands kaugnay sa kasong crime against humanity na nakahain…
Read MoreKONTRATA NG PRIMEWATER PINABABASURA NG CONSUMERS
NAGHAIN ng reklamo ang Bayan Muna Party-list at mga consumer ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa Malakanyang na nananawagan ng kanselasyon ng lahat ng joint venture agreements (JVAs) sa pagitan ng Villar family-owned private water utility firm at local water districts sa buong bansa. Tinukoy ang malaganap na ‘service failures at legal violations.’ Sa reklamo na naka-address kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ng grupo na ang JVAs ay nagresulta ng madalas na pagkaantala ng suplay ng tubig, mahinang kalidad ng tubig, mataas na rates, at hindi tumutugon na serbisyo…
Read MoreROSE LIN NG QC DISTRICT 5 BITBIT NG IGLESIA NI CRISTO
INENDORSO ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Rose Nono Lin bilang kinatawan ng Quezon City’s Fifth Legislative District. While there is no official proclamation by the INC, sources close to the religious group and Lin’s camp both confirmed the endorsement. In a statement, Lin thanked the INC for their support in her fight to “raise the quality of public service for the residents of District 5., and address the problems that they have shared with us.” “Malalim po ang pasasalamat natin sa tiwala at suporta na ibinigay sa…
Read More2 PANG SEKYU NI PULONG MIYEMBRO NG AFP
KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na miyembro nila ang security detail na nakatalaga kay Davao City Rep. Paolo Duterte. Subalit tiniyak at nilinaw ni AFP Public Affairs Office (PAO) Chief, Col. Xerxes Trinidad, ang security detail ng mambabatas ay aprubado ng Commission on Elections (Comelec) alinsunod sa umiiral na mga panuntunan sa panahon ng halalan. Ayon kay Col. Trinidad, gumagawa na sila ng hakbang para imbestigahan at beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga tauhan nitong nakatalaga sa mambabatas. Makikipag-ugnayan din ang AFP sa Philippine National Police (PNP) at…
Read More15 PULIS NG VALENZUELA SIBAK SA ROBBERY-EXTORTION
SINIBAK sa pwesto ni NPD Chief Police Brigadier General Josefino Ligan ang labinlimang miyembro ng Valenzuela City Police makaraang masangkot diumano sa kasong robbery extortion. Sinabi ni Ligan, na kanya rin irerekomenda ang pagsasampa ng kaukulang administrative charges laban sa mga pulis na sangkot sa kaso. Kabilang sa mga ito ang hepe ng Special Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) at ng Special Intelligence Unit (SIU), habang 13 ay Police Non-Commissioned Officers (PNCOs). Tiniyak naman ng pamunuan ng NPD na ang kanilang hanay ay mananatiling tapat sa tungkulin para sa…
Read More#116 AKO OFW PARTY-LIST INENDORSO NG CONFEDERATION OF FILIPINO WORKERS
NAGPALABAS na ng listahan ng mga kandidatong inendorso ang Confederation of Filipino Workers. Sa ipinalabas na post sa kanilang Facebook page, sinabi nito, “Mahalaga na patuloy na maprotektahan at mas pag-ibayuhin pa ang mga programa, polisiya at adbokasiya para sa mga Manggagawang Pinoy. Sa darating na halalan, napagpasyahan namin sa Confederation of Filipino Workers (CFW) na suportahan ang kandidatura ng sumusunod na mga tumatakbo para sa pagka-senador at party-list sa Kongreso. Aming hinihikayat ang lahat ng aming miyembro at kani-kanilang pamilya na suportahan ang nasabing mga kandidato at grupo na…
Read MoreSa bagong SWS survey ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO
ILANG araw bago ang Eleksyon sa Mayo 12, patuloy na nangunguna sa karera sa Senado si LAKAS-CMD Senatorial Candidate Erwin Tulfo, ayon sa pinakabagong pre-election survey. Pinatitibay nito ang kanyang matatag na estado bilang consistent frontrunner sa mga survey ng pangunahing polling firms sa bansa. Sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) Survey na isinagawa mula Mayo 2 hanggang 6, nananatiling mataas ang momentum ni Tulfo na nagkamit ng 45% voting preference. Kasunod ni Tulfo sina Christopher Go, Tito Sotto, Lito Lapid, at Ben Tulfo, kabilang din sa mga nasa “winning…
Read More