ONLINE SELLER ITINUMBA NG RIDER

PATAY ang isang online seller na makikipagkita sa kanyang supplier, nang pagbabarilin ng motorcycle rider sa panulukan ng Dagonoy at Radium Streets, San Andres Bukid, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Kyle Mario Castro, 28, ng nabanggit na lugar.

Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek makaraan ang pamamaril.

Batay sa naantalang ulat ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-5:10 ng hapon habang patungo ang biktima sa nabanggit na lugar nang bigla itong pagbabarilin ng suspek na lulan ng motorsiklo.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pamamaril.

(RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment