HIGIT 50 KABAHAYAN DINEMOLIS SA KYUSI

MAHIGIT 50 bahay ng informal settler families ang giniba ng demolition team sa Calamba Street, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City nitong Huwebes ng umaga. Sinikap ng mga residente na pigilin ang pag-abante ng demolition team na humantong sa sakitan at tulakan na ikinasugat ng mga kabataang residente. Nagapi ang mga nagbarikadang residente habang nakasuporta ang mahigit 50 anti-riot police sa demolition team na umano’y dayo mula sa lalawigan ng Laguna. Nabatid na ang demolition ay ibinatay sa kautusan na ipinalabas ng RTC Branch 101 nitong Pebrero 19. Napilitang mamalagi muna…

Read More

REALIGNMENT NG P13-B PARA SA 4Ps DAPAT IPALIWANAG NI SEN. IMEE – SOLON

MATAPOS aminin ni Sen. Imee Marcos na inilipat nito ang P13 bilyong alokasyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong nakaraang taon, humingi ng paliwanag ang isang lider ng Kamara de Representantes sa senadora kung bakit nito nagawang alisan ng ayuda ang halos 900,000 pamilya o 4.3 milyong Pilipino. Sinabi ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” C. Suarez na dapat sabihin ni Sen. Marcos kung ginawa rin niya ito sa mga nauna pang taon. “Unang-una, I think the question is, dahil inamin ng ating mahal…

Read More

IRR BAGO IPATUPAD ANG AKAP – TULFO

PABOR si ACTS CIS Representative Erwin Tulfo na magkaroon muna ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) bago maipatupad ayon na rin sa unang naging pahayag ng isang senador kamakailan. Ayon kay Rep.Tulfo, tama lamang ito dahil baka masayang lang kapag walang IRR kaya suspendido aniya ang implementasyon ng AKAP. Sinabi ng mambabatas sa Kapihan sa Manila Bay forum na ideya niya ito para sa mga “working class” at sang-ayon siya kay Senator Imee Marcos na kailangan ang IRR. Pero paalala ng…

Read More

Enchanted Kingdom: Fostering tourism and world-class service excellence

Last January, the Department of Tourism recognized Enchanted Kingdom, the first and only world class theme park in the Philippines, for its valuable contribution to the tourism industry during the CALABARZON Tourism Excellence Appreciation 2023, held in Twin Lakes Hotel in Laurel, Batangas. EK’s Chairman and President Mr. Mario O. Mamon and Chief Operating Officer (COO) Dr. Cynthia R. Mamon accepted the recognition – alongside Local Government Units (LGUs), partner National Government Agencies (NGAs), private tourism enterprises, the academic community, media partners, institutional partners, and notable individuals in the region.…

Read More

LABASAN NG BAHO NG SENADO AT KAMARA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PINAG-AARALAN na raw mabuti ni Pangulong Bongbong Marcos ang mungkahi na bigas na lamang sa halip na pera ang ibigay sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, ayon kay Department of Agriculture (DA) Usec. Roger Navarro. Umusbong ang mungkahi para raw maibsan ang paghihirap ng mga benepisyaryo na kailangan pang bumili ng bigas na ngayon ay mataas ang presyo. Kung bigas na mismo ang ipamimigay ay magdudulot pa raw ito ng pagbagal ng inflation sa bansa. Welcome naman sa Department of Social Welfare…

Read More

PULA VS BERDE

DPA  ni BERNARD TAGUINOD HABANG nag-iisip ako ng aking isusulat sa pitak na ito, biglang tumugtog ang kantang “Tatsulok” ng singer na si Bamboo at bigla akong nagka-idea nang mabanggit sa kanta ang “Hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban. Ang kulay at tatak ay ‘di syang dahilan”. Ang pula ay kulay ng mga Marcos habang dilaw naman ang tatak ng mga Aquino, ang dalawang pamilyang mortal na magkaaway sa pulitika nang banggain ng noo’y senador na si Benigno “Ninoy” Aquino III ang diktador na si dating Pangulong Ferdinand E.…

Read More

PRODUKTONG BINEBENTA SA ‘DALI’ DAPAT SURIIN NG DTI

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY nakarating na impormasyon sa PUNA na may mga produktong ibinebenta sa DALI Supermarket na kwestiyonable. Kaya dapat kumilos at suriin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ulat na tila ginaya o kinopya ang ilang mga produkto na naka-display sa DALI. Na-PUNA ng mga konsyumer na may ibinebentang mga produkto sa supermarket na ito na kapag tiningnan ng mabuti ay kapansin-pansin na tila’y iniba lang ang mga pangalan, samantala ang disenyo ng bote, kahon o lalagyan ay parehong-pareho sa ilang pinagkopyahang produkto…

Read More

TSINO HAHABULIN SA CYANIDE FISHING SA BAJO DE MASINLOC

SASAMPAHAN ng kaso ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mangingisdang Tsino kapag nakakuha ng legal na basehan hinggil sa di umano’y paggamit ng mga ito ng cyanide para sirain ang Bajo de Masinloc o ang Scarborough Shoal. “If we feel that there is an enough ground to do so, we will,” ayon kay Pangulong Marcos sa sidelines ng 16th Ani ng Dangal 2024. Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakatanggap ito ng report na gumagamit ang mga mangingisdang Intsik ng cyanide para sirain ang…

Read More

ARREST WARRANT SA 2 ENVIRONMENT ACTIVISTS, ‘WARNING’ SA MGA AKTIBISTA?

ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na ‘warning” sa mga aktibista ang arrest warrant na inilabas ng isang korte sa Bulacan laban sa mga environment activist na sina Jhed Tamano at Jonila Castro. “This sends a chilling message to all activists and human rights defenders who courageously speak out against injustice,” pahayag ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas. Noong Martes, inilabas ng Doña R. Trinidad Municipal Trial Court ang arrest warrant laban sa dalawa kaugnay ng oral defamation na isinampa ng Department of Justice (DOJ) noong nakaraang taon. May kaugnayan…

Read More