TILA nauuwi na sa personalan ang hidwaan ng mga kongresista sa Bicol na nagsimula sa pagsusulong ng Charter change (Cha-cha) at lumala pa dahil sa halos P450 billion unprogrammed funds na isiningit sa Bicameral Conference committee. Kahapon ay binuweltahan ni AKO Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House committee on appropriations si Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay ng kasong isinampa ng huli sa Korte Suprema ukol sa pinalobong unprogrammed funds. “When he (Lagman) was a member of the Bicameral Conference Committee in 2023 he also approved unprogrammed funds of…
Read MoreAuthor: admin 5
Napikon sa pagbati ni BBM sa Taiwan PILIPINAS ‘PLAYING WITH FIRE’ – CHINA
BINALAAN ng bansang Tsina ang Pilipinas na “not to play with fire” matapos batiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Taiwan president-elect Lai Ching-te sa pagkapanalo nito sa katatapos lamang na halalan sa naturang bansa. Kinumpirma ng Embahada ng China sa Pilipinas na ikinasama ng loob ng Chinese government ang ginawang pagbati ni Marcos Jr. Sa ibinahaging pahayag ni Mao Ning, Chinese foreign ministry spokesperson ay kinumpirma nitong ipinatawag nila ang Philippine ambassador to China para pagpaliwanagin sa naging reaksyon ni Pangulong Marcos sa bagong presidente ng Taiwan. “The relevant…
Read MorePosibleng mga kasapi ng sindikato LIBONG DAYUHAN NAKAPASOK SA ‘9G NG IMMIGRATION
ITINUTURING ni Senador Risa Hontiveros na national security risk ang pagbibigay ng Bureau of Immigration ng mga work visa sa mga pekeng korporasyon, na nagpapahintulot na makapasok ang libu-libong dayuhan. Ibinabala ni Hontiveros na posibleng mga sindikato at kriminal na ang mga nakapasok sa bansa bukod pa sa impormasyon na ang ganitong work visa rin ang ginagamit ng mga trabahador sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Kaya naman, welcome sa senadora ang atas ng Department of Justice (DOJ) sa BI na itigil ang pagtugon sa mga hiling na work…
Read MoreNAMARIL SA LOOB NG OPISINA, TINUTUGIS
CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang ‘di kilalang suspek na bumaril at pumatay sa isang 41-anyos na lalaki sa loob ng kanilang opisina habang paakyat sa hagdanan sa bayan ng Rosario sa lalawigan, noong Martes ng umaga. Kinilala ang napatay na si Renerson Faller ng Trece Martires Cavite, tinamaan ng bala sa ulo. Ayon sa ulat, dakong alas-9:16 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng isang opisina sa VCM Building., Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite. Paakyat umano ang biktima sa hagdanan nang walang sabi-sabing binaril ito ng…
Read More4 MOTORSIKLO INARARO NG VAN, 2 PATAY
CEBU CITY – Dalawa ang patay habang ilan pa ang sugatan matapos araruhin ng isang van ang hindi bababa sa apat na motorsiklo at ilang pedestrian sa Sitio Kamanggahan, Barangay Guadalupe sa lungsod noong Martes ng hapon. Ayon sa Cebu City Police Office, ang van ay galing sa pribadong subdivision sa isang mataas na lugar. Minamaneho ng subcontractor ng subdivision na si Felizardo Pasague Base, ang van at sakay ang kanyang tatlong trabahador, pauwi mula sa trabaho, nang ito ay mawalan ng preno habang palusong. Una nitong nasalpok ang apat…
Read MorePinakamababa mula noong 2005 3.6% UNEMPLOYMENT RATE IKINATUWA NI NOGRALES
BILANG chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, ikinatuwa ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang naitalang pinakamababang unemployment rate sa bansa simula noong 2005. “The 3.6 percent unemployment rate indicates that the government is on the right track in providing jobs to our people as we recover from the losses caused by the pandemic,” ayon kay Nograles. Kamakailan, iniulat ng Philippine Statistics Authority na ang nasabing bilang ng mga walang trabaho noong Nobyembre ay 1.83 million, malaking kabawasan mula sa 2.18 million na naitala sa parehong…
Read MoreMatapos paimbestigahan sa Kamara STARBUCKS ATRAS SA BAWAS-DISCOUNT SA SENIORS
MATAPOS ipag-utos ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsasagawa ng imbestigasyon, iniatras ng sikat na coffee chain Starbucks ang paglimita sa nakukuhang 20 porsyentong diskwento ng senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Sa pagdinig ng House committee on ways and means, inamin ni Angela Cole, ang operations director ng Starbucks Philippines, ang naging pagkakamali sa paglimita sa ibinibigay na diskwento at sinabi na agad umanong ipinatanggal ang maling signage na naipaskil sa mga outlet nito. Nakasaad sa kontrobersyal na signage ng Starbucks na ang discount ay ibibigay lamang…
Read MoreCLASS SUIT SA ONLINE SHOPPING PLATFORM
INATASAN ng chairman ng House committee on ways and means ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ikonsidera ang pagsasampa ng class suit laban sa mga online shopping platform tulad ng Lazada at Shopee at maging ang kanilang sellers dahil sa hindi pagbibigay ng discount sa senior citizens at person with disability (PWD). Sa pagdinig ng nasabing komite kahapon ukol sa hindi pagbibigay ng discount at VAT exemption sa mga senior citizen, PWD at maging sa solo parents ng iba’t ibang establisimyento sa bansa, isa sa napagbalingan ang mga online…
Read MoreMAS MATATAG NA CYBERSECURITY NG PILIPINAS, TARGET NG DND
INIHAYAG ng Department of National Defense (DND) na kasalukuyan na silang nagsasagawa ng pag-aaral para higit pang mapalakas ang cybersecurity ng Pilipinas. Ayon kay DND Secretary Gilberto Teodoro Jr., magsisimula muna sila sa umpisa at magsasagawa ng malalimang pag-analisa. “So we have to start from base zero. We have had a gap analysis, and there’s a lot to do. We have to put in the right infrastructure, architecture, hardware, software, protocols, and digital hygiene,” ayon sa kalihim. “Secondly, contrary to government rules of just-in-time, inventory, etc., we will be building…
Read More