TARGET ni KA REX CAYANONG SA kasalukuyang kaganapan sa pulitika ng Cagayan, tila isang malaking tanong ang bumabalot sa patuloy na pagiging gobernador ni Gov. Manuel Mamba. Ang disqualification order na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) 1st Division nitong Abril 24, 2024, ay mabilis na bumuhay ng mga agam-agam at kontrobersiya sa probinsya. Ngunit sa kabila ng maalab na diskusyon at pag-aalala ng mamamayan, isang malinaw na pahayag ang inilabas ng COMELEC sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Atty. Rex Laudiangco. Mananatili si Governor Mamba sa puwesto hanggang sa…
Read MoreAuthor: admin 5
SALUDO SA MGA MANGGAGAWA
EDITORIAL PAGPUPUGAY sa sakripisyo ng mga Pilipinong manggagawa. Sinasaluduhan at pinasasalamatan ang mga manggagawa sa kanilang hindi matatawarang serbisyo. Ipinagdiriwang ngayon ang Araw ng Manggagawa, na taunang selebrasyon ng kanilang ambag sa ekonomiya at lipunan. Sila ang sentro ng atensyon, ngunit hindi selebrasyon ang nararamdaman ng karamihan dahil hindi nila feel ika nga ang lubos na pagpapahalaga sa naibibigay nilang partisipasyon sa ikauunlad ng pamayanan. Mga kilos-protesta ang nagaganap. Isinusulong ng iba ang taas-sahod. Nanawagan ang ilang labor group ng agarang pagpasa ng P750 wage increase sa arawang kinikita. Dagdag-sahod…
Read MoreRIVER DREDGING ISASAGAWA KONTRA BAHA SA BULACAN
SISIMULAN ngayong buwan ng Mayo ang pagpapatupad ng river dredging and restoration program sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando, upang kontrolin ang suliranin sa pagbaha at panumbalikin ang mga ilog sa lalawigan ng Bulacan. Ito ang ibinahagi ng gobernador matapos isagawa ang briefing hinggil sa pagpapatupad ng province-wide flood control and river restoration program na dinaluhan ng mga kongresista sa bawat distrito, mga alkalde, konsehal ng bayan at mga kapitan ng barangay, sa Edsa Shangrila Hotel sa Ortigas Center, Mandaluyong City nitong Lunes, Abril 29. Naroon din si Bise Gob.…
Read MoreMASTERMIND SA DJ JOHNNY WALKER SLAY CASE, TARGET PA NG PNP
TARGET ng Philippine National Police na matukoy at madakip ang pinaka-mastermind sa pagpatay sa radio brodkaster na si Juan Jumalon aka “Dj Johnny Walker” matapos na madakip ng mga awtoridad ang gunman sa asasinasyon. Ito ang dahilan, ayon kay PNP-Public Information Office (PNP-PIO) chief, PCol. Jean Fajardo, kung bakit hindi pa nila kinokonsiderang case closed ang kaso ng pagpaslang kay Jumanoy kahit nadakip na ang triggerman. Kamakalawa ng umaga ay nadakip ang ikatlong suspek na si Julito Mangumpit na siya ring primary gunman sa pagpatay kay Jumalon. Ayon kay PCol.…
Read MoreSUB-LEADER NG TERROR GROUP, 4 PA PATAY SA SAGUPAAN
DEAD on the spot ang isang Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) sub-leader at apat na mga tauhan nito matapos ang sunod-sunod na sagupaan nang matunton ng mga tauhan ni Maj. General Gabriel Viray ng AFP Ist Infantry Tabak Division, nitong Lunes sa Lanao del Norte. Ayon kay Maj. Gen Viray, habang nagsasagawa ng decisive military operations ang tropa ng 103rd Infantry Brigade, nasabat nila ang 12 kasapi ng DI-MG na nasa pamumuno ni Nasser Daud, a.k.a. “Mahater/Ustads Nasser/Mas’Od”, sa Barangay Cadayonan, Munai, Lanao del Norte. Ang serye ng habulan at sagupaan…
Read MoreDPWH AT MMDA PINAGHAHANDA NA SA LA NIÑA
KINALAMPAG ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang kaligtasan ng bansa sa panahon ng La Niña. Iginiit ni Revilla na papalapit na ang panahon ng tag-ulan at dapat anyang paghandaan ang posibleng epekto ng La Niña kung saan mas maraming ulan ang mararanasan. Sinabi ni Revilla na dapat ngayon pa lang, pinapanatili nang malinis ang mga drainage at iba pang tributaries. Dapat din anyang matiyak na 100 porsyentong operational ang pumping station. Sa…
Read MorePINAS NAPAG-IIWANAN PA RIN SA DEVELOPMENT NG EV INDUSTRY
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) at sa lahat ng iba pang concerned agencies na madaliin ang implementasyon ng action plans at strategies na i-develop ang electric vehicle (EV) industry sa Pilipinas partikular na sa public transportation sector. Sinasabing malayo pa rin ang Pilipinas sa target nito na 2.45 milyon EVs at tinatayang 65,000 EV charging stations (EVCS) sa 2028. Sa idinaos na sectoral meeting hinggil sa updates ng EV industry development, araw ng Martes, sinabi ni Pangulong Marcos na ang DOE at iba…
Read More4 PULIS SA ‘CRIME OF PASSION’ SINIBAK
KINASUHAN at sinibak sa pwesto ang magkalaguyong pulis at ang kanilang nilokong asawa na mga pulis din. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) chief, PCol. Jean Fajardo, pansamantalang inilagay sa restrictive custody ang tatlong pulis, habang ang nabaril naman ay kasalukuyang naka-hospital arrest. Binaril umano sa braso ng lady cop ang kanyang pulis na mister nang tumalon ito mula sa sasakyan. Lumitaw sa inisyal na impormasyon, tinangkang umiwas ng magkalaguyo matapos silang maaktuhan ng kani-kanilang asawa habang nagtatalik sa nakaparadang sasakyan sa parking area ng isang…
Read MoreCHINA RESEARCH VESSEL NAGMAMATYAG SA KARAGATAN NG EASTERN SAMAR – PCG
INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang na-monitor ang mga awtoridad na ilegal na aktibidad hinggil sa research vessel ng China na huling namataan sa karagatang sakop ng Eastern Samar. Ayon kay PCG Spokesman Rear Admiral Armando Balilo, may mga barko sila sa Eastern Visayas na maaaring mag-monitor sa aktibidad ng barko ng China. Dagdag ni Balilo, nakatoka ang BRP Melchora Aquino na magbantay sa research vessel na Shen Kuo. Gayunman, dahil naglayag na ang Chinese vessel pa-timog ay ibang sasakyan na ng PCG ang magsasagawa ng monitoring Wala…
Read More