58 TBS MEMBERS KASAMA SA INARESTO SA SEPT 21 PROTEST

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, kabilang ang ilang miyembro ng True Brown Style o (TBS) sa mga inaresto sa Mendiola noong Setyembre 21, 2025.

Ayon kay Remulla, sa 200 indibidwal na inaresto noong Setyembre 21 ng nakaraang taon, 58 dito ay mga miyembro ng grupong TBS.

Sinabi rin ni Remulla, may 13 miyembro pa ng TBS ang inaresto dahil sa iba’t ibang paglabag.

Matatandaan, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga awtoridad, sa pangunguna SILG Remulla, na buwagin ang papausbong na grupong TBS na umano’y nanghihikayat sa mga bata na gumawa ng karahasan.

Una rito, sinabi ng kalihim na nagre-recruit ang TBS ng mga batang nasa edad 14 hanggang 15 at inaatasan silang magnakaw sa mga convenience store bilang bahagi ng kanilang ritwal

Matapos naman ang insidente sa Zamboanga, 53 indibidwal ang naunang inaresto dahil umano sa pagkakasangkot sa mga gang na nanghihikayat sa mga bata na gumawa ng karahasan sa mga paaralan.

Samantala, nakatakdang makipag-usap si Remulla sa mga miyembro ng TBS sa Cavite sa susunod na linggo upang ipaliwanag ang polisiya ng pamahalaan at tatalakayin ang mga hakbang laban sa karahasan.

(TOTO NABAJA)

86

Related posts

Leave a Comment