MAS MAUNLAD NA BATANGAS. Makikita sa larawan ang Pallocan West Substation ng Meralco, isang makabagong pasilidad na tumutugon sa lumalaking pangangailangan para sa tuluy-tuloy at maaasahang serbisyo ng kuryente sa lalawigan ng Batangas.
Patuloy na pinalalakas ng Manila Electric Company (Meralco), na pinangungunahan ni Manuel V. Pangilinan, ang mga pasilidad nito sa Batangas para mas lalo pang mapagbuti ang serbisyo ng kuryente at suportahan ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya sa lalawigan.
Aktibong namumuhunan ang Meralco sa Batangas sa pamamagitan ng mga makabagong imprastraktura para tugunan ang lumalaking pangangailangan at masiguro ang ligtas, maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente.
Isa sa mga makabagong pasilidad ng Meralco sa lalawigan ang Pallocan West gas-insulated switchgear (GIS) Substation na nagkakahalaga ng P450 milyon at gumagamit ng smart grid technology para mapabuti ang kalidad ng kuryente at maging mas efficient ang operasyon sa mga lugar na sakop ng Meralco sa Batangas.
MODERNONG PASILIDAD. Aktibong namumuhunan ang Meralco sa Batangas sa pamamagitan ng mga modernong pasilidad para sa paghahatid ng serbisyo ng kuryente. Makikita sa larawan (L-R) sina Pallocan West Substation Manager Engr. Jeffrey Dedel at Head of Strategic DU Partnerships Atty. Arnel Casanova.
Ilan sa mga ahensya ng pamahalaan na pinagsisilbihan ng nasabing GIS substation ay ang Office of the Vice Governor, the Batangas Provincial Disaster Risk, Evaluation, Alleviation and Mitigation Zone, Bureau of Internal Revenue District Office-Batangas City, at Batangas City Hall of Justice. Bukod pa dito, tinutugunan din ng nasabing pasilidad ang pangangailangan sa maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente ng SM City Batangas, Wilcon Depot Batangas, United Doctors of St. Camillus de Lellis Hospital and Medical Center, Jesus of Nazareth Hospital Batangas, Days Hotel by Wyndham Batangas, at Pontefino Hotel and Residences.
Dahil sa patuloy na pamumuhunan ng Meralco sa imprastraktura at modernization ng distribution network, napapanatili nito ang mataas na antas ng reliability ng serbisyo. Noong 2025, naitala ng Meralco ang all-time best performance nito sa System Average Interruption Frequency Index (SAIFI) at System Average Interruption Duration Index (SAIDI).
Pallocan West Substation
Sa katunayan, halos hindi nakaranas ng brownout ang mga customer ng Meralco base sa pinakahuling datos ngayong 2026. Nasa 0.426 na beses lamang ang average SAIFI ng kumpanya mula Enero hanggang Hunyo, na mas mababa pa kumpara sa 0.477 beses na naitala sa parehong period noong 2025. Sa usapin naman ng tagal ng antala sa serbisyo o SAIDI, mas bumuti ito ng 8% o 46.575 minuto mula 50.570 minuto.
Bukod pa rito, patuloy din na pinagbubuti ng Meralco ang customer service nito sa Batangas–kasama ang pagtugon sa mga alalahanin at iba pang pangangailangan ng mga customer. Sa pamamagitan ng mga customer support channel, nakahanda ang Meralco na tumanggap ng mga report, magbigay ng agarang impormasyon, at tumugon sa mga alalahanin sa serbisyo ng kuryente.
Base sa pinakahuling datos, mas napabilis na rin ng kumpanya ang pagproseso ng mga bagong service application. Nasa 2.23 na araw na lang ang average time to connect ng Meralco mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon – mas mabilis ng 6.3% mula sa 2.38 na araw noong 2025.
Para sa Meralco, mahalaga ang mabilis na pagresponde sa mga pangangailangan ng mga customer.
“Nakatuon ang Meralco sa tuluy-tuloy na pagpapabuti ng serbisyo ng kuryente sa lahat ng aming customer. Dahil dito, walang tigil kaming namumuhunan sa makabago, maasahan, at future-ready na mga teknolohiya na naglalayong i-modernize pa at lalong palakasin ang aming distribution network,” ayon kay Meralco Senior Vice President at Head of Strategic DU Partnerships Arnel D. Casanova.
Kabilang ang Advanced Metering Infrastructure sa pinaglalaanan ng Meralco ng pondo bilang bahagi ng pangmatagalang plano ng kumpanya na magkaroon ng mas maasahan pang serbisyo ng kuryente at magbibigay ng mas magandang karanasan sa mga customer sa pamamagitan ng mga smart meter at iba pang customer-centric na mga solusyon.
“Ito ang uri ng serbisyo at imprastraktura na gusto naming mapakinabangan ng aming mga customer–kabilang na ang mga Batangueño na aming sineserbisyuhan. Hangad naming ang pagsiguro na magkakaroon ng isang distribution system na hindi lamang tutugon sa kung ano ang pangangailangan ng mga customer sa kasalukuyan, kundi handang sumabay sa makabagong teknolohiya na kayang sumuporta sa paglago ng ekonomiya sa mga susunod na taon,” dadgdag ni Casanova.
Handa rin ang Meralco na makipagtulungan sa mga local na pamahalaan, mga electric cooperative, at mga residente para makatulong na maipamalas pa sa mas maraming taga-Batangas ang nararanasan ng mga customer nito sa lalawigan.
Matatandaang pormal nang nagpahayag ang Meralco ng kahandaan na suportahan ang Batangas Electric Cooperative (BATELEC) I at II.
Sa kasalukuyan, pinaglilingkuran ng Meralco ang mga bayan ng Sto. Tomas, Batangas City, at San Pascual. Layunin ng Meralco na palawakin pa ang nakamit na bilis ng paglago ng ekonomiya sa mga lugar na ito sa iba pang bahagi ng Batangas.
PARA SA MAS MAUNLAD NA BATANGAS. Isa sa mga makabagong pasilidad ng Meralco sa Batangas ang Pallocan West gas-insulated switchgear (GIS) Substation na nagkakahalaga ng P450 milyon at gumagamit ng smart grid technology para mapabuti ang kalidad ng kuryente sa lalawigan.
133 


