PUV CONSOLIDATION DEADLINE ABRIL 30, TAPOS NA!

PUNA ni JOEL O. AMONGO HUHULIHIN na ang mga traditional jeepney na mamamasada na hindi sumailalim sa itinakda ng pamahalaan na PUV consolidation deadline ngayong Abril 30, 2024. Nauna nang itinakda ang PUV consolidation noong nakaraang Disyembre 31, subalit ipinagpaliban ito hanggang umabot ngayong Abril 30, 2024. Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na bigyan ng karagdagang tatlong buwan hanggang Abril 30, para sa consolidation ng Public Utility Vehicles (PUVs). Ang pagbibigay ng palugit ay para bigyan ng pagkakataon ang hindi…

Read More

PAGHAHANDA SA TAG-ULAN, WALEY

DPA ni BERNARD TAGUINOD SA forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tumataas ang probabilidad ng pag-develop ng La Niña mula Hunyo, Hulyo at Agosto ngayong taon. Ang tanong, anong paghahanda ang ginagawa ng gobyerno para maibsan ang epekto ng matinding pagbuhos ng ulan pagkatapos ng nakapapasong init ng panahon dahil sa El Niño na magtatagal daw hanggang sa unang dalawang linggo ng Mayo. Tingin ko parang walang ginagawang paghahanda lalo na dito sa Metro Manila na konting ulan lang, matindi na ang pagbaha sa maraming lugar…

Read More

MALASAKIT SA KAPWA

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS ANG malasakit sa kapwa ay walang pinipiling katayuan sa buhay, maging mahirap ka man o mayaman, nakapwesto ka man sa pribado at pampublikong tanggapan. Makikita natin sa isang tao na may malasakit sa kapwa na isa siyang responsableng mamamayan na laging handang umalalay sa lahat ng panahon sa mga nangangailangan. Hindi rin siya nakararamdam ng pagod sa pag-alalay sa mga nangangailangan basta para sa kanya ay kung paano siya makatutulong sa kapwa. Hindi rin siya namimili ng tutulungan, maging dayuhan ka man o kapwang…

Read More

NAPALILIGIRAN NG DAGAT PERO KAPOS SA ISDA

EDITORIAL PINAYAGAN ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng isda upang masiguro ang sapat na supply sa wet market bago dumating ang closed season fishing ban sa huling tatlong buwan ng 2024. Pinirmahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang Memorandum Order 17, series of 2024 na siyang magpapahintulot sa pag-angkat ng 25,000 metriko toneladang niyeluhang isda. Sa ilalim ng memorandum, 80 porsyento ng maximum importable volume na aabot sa 20,000 MT ang ibibigay sa commercial importers habang ang naiwang 20 percent o 5,000 MT ay ibibigay sa fishing associations…

Read More

NALIGO SA ILOG, 13-ANYOS NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang 13-anyos na binatilyo nang maligo sa malalim na bahagi ng ilog sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Ang biktima ay isang 13-anyos na estudyanteng residente ng Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang yayain ang biktima ng mga kaibigan nito na maligo sa ilog sa Brgy. Bunga, Tanza, Cavite. Pagdating sa lugar, agad umanong tumalon ang biktima ngunit napadako sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa hindi na ito lumutang. Nagtulong-tulong ang mga kaibigan nito na hanapin…

Read More

SERBIAN DRUG SUSPECT TIMBOG SA ANGELES CITY

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Serbian national na wanted ng federal authorities sa US dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga, sa isinagawang operasyon sa Angeles City, Pampanga. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng fugitive search unit (FSU) ng BI, ang pugante na si Predrag Mirkovic, 60-anyos, naaresto noong Abril 25 sa isang bar sa Angeles City. Si Mirkovic Ay inaresto sa bisa ng isang mission order mula kay Tansingco sa kahilingan ng gobyerno ng Estados Unidos na nagpaalam sa…

Read More

OBRERO PATAY SA ONSEHAN SA DROGA

CAVITE – Hinihinalang onsehan sa droga ang motibo sa pagpatay sa isang construction worker na binaril noong Linggo ng hapon sa Dasmariñas City. Kinilala ang biktimang isang 27-anyos na lalaking residente ng Brgy. Emmanuel Bergado 1, Dasmariñas City, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril. Una rito, tinawagan umano ng suspek ang biktima para magkita sila Blk. 17 Extension, Brgy. Emmanuel Bergado 1, dakong alas-4:20 ng hapon. Nag-usap umano ang dalawa ngunit makaraan ang ilang minuto ay pinaputukan ng suspek ang biktima na agad nitong…

Read More

CHINESE INIWAN NG KIDNAPPERS SA FASTFOOD RESTAURANT

CAVITE – Nakikipag-ugnayan ang Cavite Police sa Land Transportation Office (LTO) hinggil sa isang sasakyan na ginamit ng hinihinalang kidnappers na iniwan ang biktimang isang Chinese national sa isang fastfood restaurant makaraang magbayad umano ng ransom ang pamilya, sa Imus City noong Linggo ng gabi. Ang sasakyan na ginamit ng hinihinalang mga kidnapper sa biktimang si Zhang Yang, 38, ay isang Maroon na Toyota Vios na may plakang NBQ 3151. Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang narekober ng Anti-Kidnapping Group (AKG) Luzon Field Unit, at Imus City Police…

Read More