HINDI pumayag ang mga Bulakenyo sa 19munisipalidad at tatlong siyudad sa lalawigan ng Bulacan na maging Highly Urbanized City (HUC) ang Lungsod ng San Jose Del Monte base sa naging resulta ng plebesito kasabay ng isinagawang Barangay and Sangguniang Kabataan Election 2023 noong Oktubre 30. Base sa official result mula sa inilabas na certificate of canvass ng Board of Canvassers ng Commission On Election (COMELEC) sa Bulacan, nasa 820,385 Bulakenyo ang bumoto ng “NO” sa HUC habang nasa 620,707 naman ang bumoto ng “YES”. Ayon sa record, ang boto ng…
Read MoreAuthor: admin 5
HIGIT 100 IBON AT SASABUNGING MANOK, NILASON
CAVITE – Tatlo katao ang inaresto ng Cavite Police dahil sa hinihinalang paglalagay ng lason sa feeds na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit isang daang mga ibon at sasabungin na manok sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong cruelty to animal (alleged poisoning), at paglabag sa Animal Welfare Act, at malicious mischief ang mga suspek na sina alyas “Jojo”, “Alvin” at “Jake”, pawang nasa hustong edad, dahil sa reklamo ng may-ari ng mga ibon at mga sasabunging manok. Ayon sa reklamo ng may-ari,…
Read MoreOBRERO ARESTADO SA FRUSTRATED MURDER
NASA kritikal na kondisyon sa Philippine General Hospital (PGH) ang isang 24-anyos na construction worker makaraang saksakin sa tiyan ng kapwa obrero sa Block 4, New Site, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Agad namang nadakip ang suspek na kinilalang si Jayson Varona, 47, tubong Palo, Leyte, dahil sa maagap na aksyon ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13. Inoobserbahan sa nabanggit na pagamutan ang biktimang si Jaba Sawajaan, 24, ng Barangay 649, Baseco…
Read MoreMOTOR AT TRIKE INARARO NG PICK-UP; 3 PATAY, 5 SUGATAN
LAGUNA – Tatlo ang namatay habang lima ang sugatan matapos na salpukin ng isang pick-up ang kasalubong na isang tricycle at isang motorsiklo sa National Highway, Brgy. Bucal, Calamba City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa report ng Calamba City Police, unang nasalpok ng Ford Ranger Raptor na minamaneho ng babaeng driver na si Alyssa Mae Abitria, ang tricycle na sinasakyan ng mag-anak na mga residente ng Brgy. Real, Calamba City. Kapwa namatay ang 35-anyos na padre de pamilya na si Gilbert Palupit na siyang nagmamaneho, at ang 34-anyos…
Read MoreLALAKI NASUMPAK ANG SARILI
CAVITE – Humabol sa Undas ang isang lalaki nang mabaril ang kanyang sarili ng sumpak sa Dasmarinas City noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Randolf”, nasa wastong edad ng Paliparan, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa Paliparan 3, Dasmariñas City. Hawak umano ng biktima ang isang improvised shotgun (sumpak) nang aksidenteng pumutok ito at tinamaan siya sa katawan. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang sumpak at isang piraso ng empty shell ng bala ng…
Read MoreSUSPEK SA LARGE SCALE ESTAFA, SINILBIHAN NG WARRANT SA SELDA
SINILBIHAN ng warrant of arrest ang isang 54-anyos na networking finance officer sa kanyang selda sa District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, dahil sa kasong large scale estafa noong Martes ng hapon. Kinilala ang sinilbihan ng warrant of arrest na si Armando Naga, may asawa, residente ng Las Piñas City. Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DSOU, bandang alas-12:40 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa suspek sa kanyang selda, sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, deputy…
Read MorePAGHABOL SA HOARDERS AT DESISYON LABAN SA CIF NAG-AMBAG SA RATINGS NI ROMUALDEZ
Nakapagtala nang pagtaas ng anim na puntos ang performance at satisfaction rating ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pinakahuling survey na isinagawa ng independiyenteng OCTA Research Group sa mga high ranking government officials ng Pilipinas. Batay sa naturang survey, na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, tanging si Romualdez sa matataas na opisyal ng bansa, na kinabibilangan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Vice President Sara Duterte at Senate President Juan Miguel Zubiri, ang may malaking inakyat ang rating. Nabatid na pumalo sa 61% ang performance at satisfaction rating…
Read MoreEnchanted Kingdom celebrates 28 years with the storied Sky Wizardry Fireworks Competition Grand Finale
Enchanted Kingdom, the first and only world class theme park in the Philippines, culminated its anniversary celebration with the Grand Finale of the Sky Wizardry Fireworks Competition last October 28, in Santa Rosa, Laguna. Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan wowed the audience as the headliner for the Be Enchanted! Concert, together with dwta and dance group AXIS PH. Due to popular demand, EK brought back the Sky Wizardry Fireworks Competition eight years after its last spectacle. EK collaborated with Filipino fireworks manufacturers to showcase their products and creativity. This year,…
Read MoreAFP NAKIISA SA SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGGUNITA SA UNDAS
NAGPAHAYAG ng pakikiisa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa buong sambayanan sa paggunita sa Undas. Ayon kay Brawner, ang panahong ito ay panahon para magbigay-galang sa mga santo at gunitain ang naging buhay ng namayapang mga mahal sa buhay. Pagkakataon din aniya ito para bigyang parangal ang legasiya, alaala at kabayanihan ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan. Dapat aniyang samantalahin ang oportunidad para buhayin ang commitment sa paglilingkod sa kapwa at pahalagahan ang buhay at kalayaan, habang kumukuha…
Read More