MGA DUTERTE NILINIS SA LAOS DRUG SHIPMENT

NILINAW ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang ebidensiyang nag-uugnay sa pamilya Duterte sa nasabat na 521-kilong drug shipment sa Laos.

Ayon kay Remulla, matagal nang magkakakilala at magkakaalyado sa pulitika ang pamilya Duterte at si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang, na tinukoy niyang financier umano ng nasabing drug shipment na nasabat sa Luang Prabang Airport.

Ipinagtaka rin ni Remulla kung bakit hindi kabilang si Rimbang sa drug watch list noong kasagsagan ng kampanya kontra droga.

Ikinumpara naman niya ang kaso ni Rimbang kay dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog, na isinama sa drug watch list sa kabila ng kawalan umano ng kaugnayan nito sa ilegal na droga.

Ayon kay Remulla, ipinapakita nito ang naging epekto ng kampanya kontra droga kung saan hindi nasunod ang due process o wastong proseso ng batas.

(TOTO NABAJA)

71

Related posts

Leave a Comment