3 ARAW NA PIG HOLIDAY KASABAY NG MALAWAKANG PROTESTA NG 800 HOG RAISERS

ISANG mapayapang protesta ang isasagawa ng tinatayang 800 hog raisers mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) ngayong Biyernes, Oktubre 23, 2026, upang igiit ang agarang aksyon ng pamahalaan sa patuloy na pagkalugi ng lokal na industriya ng pagbababuyan.

Pangungunahan ni Agap Party-list Representative Nicanor Briones ang protesta, na inaasahang susuportahan din ng 15 departamento ng pamahalaan upang matiyak ang mapayapang pagsasagawa nito.

Ayon kay Briones, umaabot sa P350 milyon kada araw ang pagkalugi ng mga lokal na hog raiser. Mula Oktubre 2 hanggang Oktubre 21, 2026, tinatayang umabot na sa P4.75 bilyon ang kabuuang pagkalugi ng sektor.

Kasabay ng protesta, magsasagawa rin ang mga hog raiser ng tatlong araw na “Pig Holiday,” kung saan pansamantala silang hindi magbebenta ng mga baboy sa merkado upang iparamdam sa pamahalaan ang epekto ng patuloy nilang pagkalugi.

(JULIET PACOT)

79

Related posts

Leave a Comment