PERSONS OF INTEREST SA OAMINAL AMBUSH TINUTUGIS NA NG PNP

PINAGHAHANAP na ng Philippine National Police (PNP) ang persons of interest sa pananambang kamakailan kay Misamis Occidental Gov. Henry Oaminal. Sinabi ni PNP spokesperson Col.Jean Fajardo na kumikilos na ang PNP upang mahanap ang mga suspek. Gayunman, tumanggi ang opisyal na idetalye ang mga personalidad o grupo na nasa likod ng pag-atake upang hindi makompromiso ang imbestigasyon. Pinakilos na rin ng Northern Mindanao Police ang kanilang mga tauhan sa Misamis Occidental kasunod ng pag-atake. Sinabi ni Fajardo na isang sasakyan ang namataan sa Barangay Lapasan sa bayan ng Clarin bago…

Read More

MAS MAGALING ANG HACKERS KAYSA GOBYERNO?

DPA ni BERNARD TAGUINOD SA napapanood kong mga dating pelikula na may kinalaman sa pag-eespiya, buwis buhay ang pagnanakaw ng mga secret agent tulad ni James Bond, ng mga dokumento na hawak ng mga kalaban. Pero ngayong panahon ng digital age, ang dali na para sa secret agents na nakawin ang mga importanteng dokumento ng mga kalabang bansa dahil ilang pindutan lang sa computer ay pwede mo nang makuha ang files na gusto mo. Pagaling nang pagaling na ang hackers habang paunlad nang paunlad ang information technology kaya kahit ang…

Read More

WELCOME AMIHAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO INILABAS n’yo na rin ba ang mga jacket at sweater n’yo? Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng Northeast monsoon o amihan season. Bakit hanggang ngayon ay mainit pa rin? Paliwanag ng PAGASA, hindi ibig sabihin ay lalamig na agad. Unti-unting mararanasan ang paglamig ng panahon. Hindi naman ‘yan katulad ng pag-ibig ng tao na madaling manlamig. ‘Di bale, palalamigin naman tayo ng matamis na balitang bumaba ang presyo ng brown sugar sa Metro Manila. Nasa P10 kada kilo…

Read More

WHISTLEBLOWER TUMBADO IPINAKULONG NG KONGRESO

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI nagustuhan ng mga mambabatas sa isinagawang imbestigasyon ng House of Representatives, ang pabago-bagong pahayag ni whistleblower Jefferson “Jeff” Tumbado sa pagdinig ng Kamara kamakalawa kaya ipinakulong nila ito. Si Tumbado ay ipinakulong ng Kamara dahil sa paiba-iba nitong pahayag hinggil akusasyon nitong katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). “Hearing no objection to the motion of Honorable (Rodante) Marcoleta citing Mr. Tumbado in contempt, the chair hereby declare Mr. Tumbado in contempt and be detain in Congress for a maximum of ten…

Read More

HUC NG SJDM SUPORTADO NG BULACAN MAYORS

bulacan

SINUPORTAHAN ng lahat ng municipal at city mayors sa Bulacan ang panukalang i-convert bilang Highly Urbanized City (HUC) ang City of San Jose del Monte (CSJDM) na tanging lone district ng nasabing lalawigan. Ito ang nilalaman ng Manifesto ng Pagsuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan” ng League of Municipalities of the Philippines, Bulacan na nilagdaan ng 23 Local Government. “Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa Lalawigan ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa Lungsod ng San Jose…

Read More

3 ARMADONG INDIBIDWAL TIMBOG SA SUGAL

NAKUMPISKAHAN ng baril at patalim ang tatlong indibidwal na naaktuhan habang nagsusugal sa isang eskinita sa Gate 18, Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga arestado na sina “Abraham”, 32, helper; “Jeson”, 23, porter, at “Jackson”, 29-anyos. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Charmaine Duenas, ng Police Community Precinct 3, sakop ng Manila Police District- Delpan Police Station 12, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang dambahin ng mga awtoridad ang tatlo habang nagsusugal ng cara y cruz sa nasabing lugar. Nabatid mula…

Read More

RESPONSABLE SA HIT AND RUN SA MAKATI, TINUTUGIS

INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagpapalabas ng Show Cause Order sa rehistradong may-ari ng sasakyan na naaksidente sa kalsada ngunit piniling tumakas sa Makati City. Ang utos ni Mendoza ay bilang tugon sa paghingi ng tulong ng may-ari ng sasakyan na nabangga ng kulay kahel na MG ZS na may plakang NIF 2282, sa kahabaan ng southbound ng Ayala Tunnel sa Makati City noong Oktubre 23. Sa Facebook post, sinabi ng driver ng sasakyan na may kasama siyang dalawang senior…

Read More

FERNANDO NAMAHAGI NG P28-M EMERGENCY CASH SA 5,496 BULAKENYO

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alex Castro ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa 5,496 na Bulakenyo sa isinagawang “Emergency Cash Transfer sa mga Biktima ng Bagyong Egay at Habagat” na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Martes, Oktubre 24, 2023. Umabot sa halagang P28,000,167 ang nasabing tulong pinansyal mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Kalihim ng Department of Social Welfare and Development Rex Gatchalian, na ipinamahagi sa mga Bulakenyo mula sa mga Lungsod…

Read More

2 TIMBOG SA P.9-M DROGA SA QUEZON

QUEZON -Timbog ang dalawang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City at sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Martes . Nakumpiska sa mga suspek ang P930,000 halaga ng ilegal na droga. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, unang naaresto ang high value individual na si alyas “Owel/Datu”, 43, sa buy-bust operation sa Purok Central Ilaya, Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City dakong alas-4:50 ng hapon. Nakumpiska dito ang apat sachet ng hinihinalang illegal drugs na may timbang na…

Read More