PUGANTENG KOREANO TIMBOG SA PAMPANGA

ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa mga kasong telecommunication fraud. Kinilala ang suspek na si Kang Hee Woo, 35, nahuli ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) noong Miyerkoles sa Malabacat City, Pampanga. Ayon sa pahayag ng Interpol National Central Bureau (NCB), si Kang ay mayroong iba’t ibang warrant of arrest na inisyu ng Seoul Central District Court at Seoul Dongbu Central District Court, hinggil sa mga kaso laban sa kanya. Nakarating din sa kalaman ng…

Read More

6 PULIS SA JEMBOY BALTAZAR KILLING, SUMUKO SA QUEZON

SUMUKO sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group – Quezon Provincial Field Unit, ang anim na pulis na isinasangkot sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar. Ang anim na pulis na kasalukuyang nahaharap sa kasong murder ay sina PEMS Roberto Balais Jr., PSSg. Gerry Maliban, PSSg. Antonio Bugayong Jr., PSSg. Nikko Pines Esquilon, PCpl. Edmard Jade Blanco, at Patrolman Benedict Mangada. Ayon sa CIDG Quezon, dakong alas 5:00 ng hapon nang sumuko ang anim sa CIDG Quezon PFU office, sa Camp Guillermo Nakar, sa Lucena City. Ang nasabing mga…

Read More

2 TULAK NABITAG

CAVITE – Timbog ang dalawa katao sa pagtutulak ng ilegal na droga na ang source anila ng ibinibenta nilang marijuana ay mula sa online, sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Ejay Ong y Bonagua, 19, at Leonidez Martinez y Olaes, 25, kapwa ng Brgy. Tramo, Bantayan, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Christian A. David ng Kawit Municipal Police Station, dakong alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang…

Read More

DISQUALIFICATION NG SMARTMATIC UUSAD NA SA COMELEC

DIRINGGIN na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang petisyon para idiskwalipika ang Smartmatic sa procurement ng mga vote counting machine sa 2025 elections. Inihain ang petition for disqualification laban sa Smartmatic ng grupo nina dating Comelec Commissioner Augusto Lagman. Ayon sa petitioner, hindi na dapat payagan makilahok sa bidding ang Smartmatic dahil sa pagdududa sa integridad nito sa mga nagdaang halalan. Inihain ang petisyon noong Hunyo 15, taong ito. Bilang bahagi ng due process ay hihingan ng Comelec en banc ng komento ang Smartmatic para isumite…

Read More

ISYU SA WPS TATALAKAYIN NG PINAS AT SOUTH KOREA

MAGDARAOS ang Pilipinas at South Korea ng isang maritime dialogue sa Maynila sa susunod na linggo para talakayin ang maritime issues kabilang na ang developments at insidente sa West Philippine Sea. Sa talumpati ni South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa sa idinaos na South Korea’s National at Armed Forces Day celebration, muli nitong pinagtibay ang posisyon ng kanyang bansa na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Kinilala rin nito ang Pilipinas bilang ‘important partner’. “We are happy to have the Philippines as our key partner whom we…

Read More

FILIPINO CAREGIVERS KAILANGAN SA SOKOR

INTERESADO at masigasig ang gobyerno ng South Korea na mag-hire ng mas maraming Filipino caregivers. “I’ve been meeting with the DMW (Department of Migrant Workers) and DFA (Department of Foreign Affairs) because we are interested in sending Filipino caregivers to Korea,” ayon kay South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa sa sidelines ng National Armed Forces Day ng South Korea sa Taguig City. “Filipino caregivers have a high reputation worldwide and it will be, in our view, a great partnership between our countries,” dagdag na wika nito. Ang South…

Read More

Traditional media na bumabatikos isusunod? BANATEROS TINAKOT NI REMULLA

BANTA sa press freedom ang ‘pananakot’ ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa tinaguriang Banateros vloggers matapos nilang kapanayamin ang nagtatagong si dating BuCor Director General Gerald Bantag. Dahil dito, pinangangambahang isusunod ng DOJ ang panggigipit din sa mga nasa traditional media na bumabatikos hindi lang sa nasabing ahensya kundi sa iba pang mga nasa pamahalaan. Tahasang kinondena ng Banateros vloggers ang anila’y pag-persecute at pag-harass sa kanila ni Remulla. Anila, muli na namang nagbabanta ang martial law sa bansa dahil sa tangkang pagbusal sa mga…

Read More

DELAYING TACTICS SA KASO NI TEVES?

ITINUTURING ng kampo ni Cong. Arnolfo “Arnie” Teves na delaying tactic ang pagpapaliban sa arraignment o pagbasa ng sakdal dito at sa labing lima pang (15) akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Dumalo kahapon si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 gayundin ang mga abogado ng 15 pang co-accused ng dating mambabatas sa kasong murder kay Degamo. Kinatawan naman ang biyuda ni Degamo ng abogado nitong si Andrei Bon Tagum. Muling itinakda ni Presiding Judge Merianthe Pacita Zuraek ang…

Read More

Smugglers, hoarders lusot pa rin RICE RETAILERS LANG ‘PINILAY’ SA MARCOS, ROMUALDEZ DRAMA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DRAMA o palabas lang ng administrasyong Marcos ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas dahil wala namang nakasuhan o naparusahan. Ganito inilarawan ni Senador Risa Hontiveros ang price cap na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos itong bawiin kamakalawa. Aniya, dramatikong pagkilos ang price cap para makatulong sa bumabagsak na popularidad ng Marcos administration. “Seemingly, its true purpose was to induce widespread concern and panic, to prepare the public sentiment for extraordinary and irregular moves, like the importation of rice by the government itself,” giit…

Read More