REGULAR SECURITY SYSTEM INSPECTION, IGINIIT SA DICT

HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magsagawa ng regular na pagsusuri sa security system ng bawat ahensya ng gobyerno. Ito ay kasunod ng hacking na ginawa ng Medusa ransomware sa sistema ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nalagay sa kompromiso sa mga personal na impormasyon ng mga members. Ayon sa chairperson ng Senate Committee on Public Services, dapat na magsagawa ng regular checks ang DICT at iba pang kaukulang ahensya sa integridad ng security system ng bawat departamento upang matiyak na…

Read More

MGA NON-PERFORMING CABSEC PINASISIPA

HINIMOK ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri si Pangulong Bongbong Marcos na palitan na ang mga opisyal ng gobyerno na palpak sa kanilang pwesto. Reaksyon ito ni Zubiri kasunod ng pagbaba ng ratings ng Pangulo bunsod na rin ng problema ng inflation. Iginiit ng Senate leader na panahon nang suriin ng Malakanyang ang lahat ng opisyal na itinalaga sa iba’t ibang posisyon lalo na ang mga may mandato na kontrolin ang presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo. Dapat anyang kwestyunin ng Pangulo ang mga opisyal nito kung bakit…

Read More

PCG PATROL SA WPS PINADARAGDAGAN

UPANG maproteksyunan ang mga mangingisdang Pinoy at mabantayan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), kailangan dagdagan na ng gobyerno ang puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) na magpapatrulya sa nasabing karagatan. Mungkahi ito ni House Deputy Minority Leader at ACT party-list Rep. France Castro kasunod ng pagkamatay ng tatlong mangingisdang Pinoy sa karagatan na may 118 nautical miles mula Agno, Pangasinan matapos umanong sagasaan ng oil tanker ang kanilang fishing boat noong Martes ng madaling araw. Ayon sa PCG, ang Pacific Anna na nakarehistro sa Marshall Islands…

Read More

PAGLOBO NG INFLATION ISINISI SA BIGAS AT LANGIS

ISINISI ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mataas na presyo ng bigas at mga produktong petrolyo ang paglobo ng inflation rate noong Setyembre. Ginawa ni House Ways and Means chairman, Rep. Joey Salceda ang pahayag matapos mai-record ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 6.2% inflation noong Setyembre mula sa 5.3% noong Agosto. “The reported year-on-year inflation rate of 6.1% in September is due to oil and rice price shocks during the month,” pag-amin ni Salceda subalit inaasahan aniya na makababawi ngayong Oktubre. Ayon sa mambabatas, lumobo ng…

Read More

Over 13K delivery riders now have Pag-IBIG

In a span of only three months after Pag-IBIG Fund entered partnerships with the country’s top transport networks to provide better access to its membership, 13,128 delivery drivers and riders have registered as Pag-IBIG members and now enjoy the agency’s benefits. “We are very happy that a growing number of delivery riders are now part of the more than 15.6 million active members of Pag-IBIG Fund. As members of Pag-IBIG Fund, they now have secure savings and shall gain access to our affordable home loans. This is in line with…

Read More

KULANG NA PONDO PARA SA FREE HIGHER EDUCATION, DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN

IGINIIT ni Senador Win Gatchalian na dapat mapunan ang P4.1 bilyong pondo na kulang para sa pagpapatupad ng free higher education o libreng kolehiyo sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa susunod na taon, bagay na aniya’y mahalagang tugunan upang matiyak ang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo. Una nang iniulat ni Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) President Dr. Tirso Ronquillo na ang tinatayang Program of Receipts and Expenditures para sa 2024 ay P25.8 bilyon. Ngunit sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2024, P21.6…

Read More

800 BENEPISYARYO NABIGYAN NG AICS

PINANGUNAHAN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout sa 800 beneficiaries sa Sta. Rosa, Laguna. Tiniyak ni Villanueva na may pondo sa susunod na taon para sa dinagdagang Monthly Social Pension for Indigent Senior Citizens Act na kanyang inisponsoran noong 18th Congress. Iminamandato ng nasabing batas ang 100% increase sa buwanang pension ng mahihirap na nakatatanda kaya mula 500 ay magiging P1,000 ang matatanggap ng mga ito. Kasama sa larawan si…

Read More

Tanggap na sadsad ang ratings BBM AMINADONG SABLAY SA BIGAS

HINDI na nagulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbaba ng kanyang approval rating sa third quarter ng 2023, batay sa survey ng Pulse Asia. Ang katwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang sentimyento ng publiko. Naniniwala ang Chief Executive na ang pagtaas ng presyo ng bigas ang labis na nakaapekto sa pagbaba ng kanyang approval rating. “It’s not surprising. People are having a hard time. Bigas ito, eh. Ibang usapan pag bigas. It’s different from anything else, any other agricultural product. I completely understand it, and that’s why we’re working…

Read More

TRANSPORT SECTOR PINAKALMA SA FARE HIKE

ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na pampakalma lang sa transport sector ang pisong fare increase na nakatakdang ipatupad sa Oktubre 8, ngayong taon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Gayunpaman, sinabi ni House deputy minority leader France Castro na dagdag pahirap naman ito sa commuters na patuloy na pinagkakaitan ng makatarungan at disenteng umento sa kanilang sahod. “A mere palliative,” ani Castro dahil ramdam na anya ng Malacanang ang galit ng transport sector sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo…

Read More