KONGRESISTA NANGGALAITI SA GALIT SA SBMA ‘KOTONGAN’ MEETING

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO GALIT na galit itong Zambales 1st District Rep. Jefferson “Jay” Khonghun habang pinagtuturo ang isa sa mga kasama sa meeting na ginanap sa Subic Bay Metropolitan Authority, kaugnay sa usapin ng “kotongan” sa SBMA Seaport Department kamakailan. Ito ay base sa natanggap na impormasyon ng Imbestigahan Natin, hinggil sa meeting sa Boardroom ng Administrator Building ng SBMA, kasama ang nasa 100 brokers, processors, at sina SBMA chairman and Administrator Tan at Zambales 1st District Rep. Khonghun para sa isang dayalogo kaugnay sa anomalya ng…

Read More

MODERNONG WIRELESS DETECTORS MULA US NASA PINAS NA

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO BUHAY na buhay na ang business industry dito sa ating bansa dahil mula America, nandito na ang Wireless Detectors na inilunsad kamakailan ng 633 fire and safety Company. Ito yung wireless smoke detector at mayroong photo electric at optical sensing ability. Hindi na rin kailangan ang palit nang palit ng battery na nagiging dahilan ng failure dahil long lasting na lithium-manganese ang gamit na Omnishield brand, at iba pang produkto tulad ng heat and carbon monoxide detectors. Malaking bagay ito para sa reliability, convenience and…

Read More

EXPANDED CENTENARIAN ACT AT MARAWI COMPENSATION FUND

DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) MALAPIT nang maisabatas ang panukalang amyendahan ang Centenarian Act. Umuusad na kasi ito sa Senado. Sa kabilang banda, kumpiyansa si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla na mararamdaman na sa mga susunod na panahon ang pinalawig na batas na kanyang iniakda. Ikinagagalak at ipinagpapasalamat ni Revilla ang pagpasa sa 3rd and final reading sa bill na nagpapatunay raw sa pagpapahalaga, pagmamahal, at pagkalinga sa ating mga lolo at lola. Sa ilalim ng bill, pagkakalooban na rin ng cash gift ang mga senior citizen na…

Read More

Dahil sa bagsak na ratings, Marcos hugas-kamay na IPAPALIT SA DA, MAY ‘CONFLICT OF INTEREST’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AGAD umani ng magkakaibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ang usap-usapang nakapili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng papalit sa kanya para mamuno sa Department of Agriculture (DA). Ayon sa umugong na balita kahapon, ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr., ang napipisil ni Marcos na kalihim ng DA. Nangangamba naman ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) dahil kilala ang kumpanya ni Laurel bilang large-scale fishing company at sangkot din umano ang kumpanya nito sa land reclamation activities sa…

Read More

MINIMUM FARE SA JEEPNEY P13 NA SIMULA OCT. 8

APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng dagdag na piso sa pamasahe sa traditional at modern jeepney. Simula sa Oktubre 8 ay magiging P13 na ang minimum fare sa lahat ng jeepney sa bansa. Inaprubahan ng LTFRB sa ginanap na hearing kahapon ang P1.00 provisional increase sa mga public utility jeepney (PUJ) upang mabawasan ang epektong dinaranas sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa. Inanunsyo rin ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na provisional fare increase muna ang naibigay dahil isasalang pa sa…

Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA LABAN SA GAME FIXING, ISINUSULONG SA SENADO

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ang panukala para sa mas mabigat na parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakakulong at malalaking multa, ang mga indibidwal na mapapatunayang sangkot sa game-fixing sa mga propesyunal o amateur sporting event sa bansa. Sa kanyang Senate Bill No. 1641 o ang panukalang Anti Game-Fixing Act, layun ni Estrada na palawakin ang sakop ng game-fixing at maisama ang point-shaving, game manipulations o anumang kasunduan, aregluhan, kilos o hakbang na ang layon ay maapektuhan ang resulta ng isang laro para sa pagsusugal, pusta o pandaraya sa publiko.…

Read More

2 CHED COMMISSIONERS TAGILID SA KATIWALIAN

POSIBLENG alisin ang dalawang commissioner ng Commission on Higher Education sa pamamalakad sa state universities colleges sa sandaling mapatunayang sangkot sa katiwalian. Sa budget hearing ng CHED, kinumpirma ni Chairman Prospero De Vera na nakarating sa kanila ang impormasyon na may dalawa silang komisyoner ang nagsasagawa ng board meeting na sobra sa itinatakda ng regulasyon at masyadong magastos na ipinasasagot naman sa hawak nilang SUCs. Ayon kay De Vera, maglalabas siya ng memorandum kung saan nakasaad ang tamang kilos ng mga chairman designate sa iba’t ibang SUCs at LUCs. Kahit…

Read More

Seaport manager sinuspinde KOTONGAN SA SBMA UMALINGASAW

SINUSPINDE ni Subic Bay Metropolitan Authority chairperson and administrator Jonathan Tan sina Seaport department manager Jerome Martinez at consultant Rico Reyes kasunod ng nabunyag na umano’y pangingikil ng mga ito sa Subic Bay Freeport. Nauna rito, nagreklamo ang mga broker sa talamak anilang pangongotong sa mga shipment sa Subic Bay Freeport. Matapos mangalampag ang mga broker, nagpatawag ng pulong sa Boardroom ng SBM Administration Building si Tan na dinaluhan din ni Zambales District 1 Representative Jay Khonghun. Sa reklamo ng ilang locators, hindi umano pinalulusot ang kanilang mga shipment palabas…

Read More

12-ANYOS NATAGPUANG NAKALUTANG SA ILOG

CAVITE – Bangkay na nang matagpuan habang nakalutang sa ilog ang isang 12-anyos na binatilyo makaraang hindi makauwi sa kanilang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jancel Mark Ramos, ng Brgy. Timalan, Balsahan, Naic, Cavite Ayon sa ulat, alas-3:45 ng hapon noong Oktubre 1 nang umalis sa kanilang ang bahay ang biktima ngunit t hindi na nakauwi. Nakatanggap naman ng impormasyon ang mga magulang dakong ala-una ng hapon noong Lunes, na nagtungo ang biktima at ilang mga kaibigan nito sa…

Read More