NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng mga hotline na maaaring tawagan ng publiko upang magbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, inilabas ni PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co ang mga numerong maaaring tawagan ng sinumang may impormasyong makatutulong sa paghahanap sa senador.
Ito ang mga hotline:
– 0927-307-3501
– 0995-512-2729
– 0945-611-5926
– 0999-361-9878
– 0960-6923-025
Nagbabala si PCol. Co na maaaring maharap sa kaukulang kaso ang mga tatawag sa mga hotline upang magbigay ng maling impormasyon o magsagawa ng prank call.
Matatandaang naglaan ang pamahalaan ng P50 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ni Dela Rosa.
Ngayong Biyernes, magtatapos ang isang linggong ultimatum na ibinigay sa senador upang kusang sumuko.
Gayunman, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa umanong natatanggap na pahiwatig ang PNP na kusang susuko si Dela Rosa.
Dahil dito, muling nanawagan ang pulisya sa senador na sumuko sa mga awtoridad.
(TOTO NABAJA)
84 