EDITORIAL NAKAAALARMA ang patuloy na pagtaas ng kaso at paglaganap ng pertussis sa ilang rehiyon sa bansa. Nakadagdag sa pangamba ang inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na mababa na ang imbak na 5-in-1 o pentavalent vaccines na ginagamit kontra pertussis. Ang pentavalent vaccine ay kombinasyon ng lima sa isang bakuna na proteksyon laban sa diphtheria, tetanus, whooping cough, hepatitis B, at Haemophilus influenzae type B. Wala raw dapat ipangamba dahil may darating na tatlong milyong pentavalent vaccines sa Hunyo na magsisiguro ng patuloy na supply ng bakuna para tugunan…
Read MoreAuthor: admin 5
Sa panawagang withdrawal of support MARCOS JR., ‘DI KAKALASAN NG AFP
ITO ang mariing tugon kahapon ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner kasunod ng pagpapakalat ng panawagan ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez noong Linggo na talikuran ng Sandatahang Lakas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tumahimik at mapatatag ang kalagayan ng Pilipinas. Ayon ay General Brawner, hindi ito ang unang pagkakataon na may nanawagan ng withdrawal of support ng AFP kay Pangulong Marcos “But our answer is always the same that the AFP remains to be a professional organization, very clear po ‘yung…
Read MoreLISENSYA NG MGA BARIL NI QUIBOLOY PINAKAKANSELA
PINAKAKANSELA ni Senador Risa Hontiveros ang lisensya ni Pastor Apollo Quiboloy upang makapagmay-ari ng baril makaraan itong ituring na bilang pugante. Ginawa ni Hontiveros ang panawagan sa Philippine National Police (PNP) matapos lumabas ang mga larawan at video ng sinasabing private army ni Quiboloy na nakitang nagsasanay bitbit ang mga baril. Iginiit ng mambabatas na armado at mapanganib si Quiboloy lalo’t buhay na buhay ang mga armadong sundalo niya na handang magpakamatay para sa kanya. Mahalaga anyang makumpiska ng PNP sa lalong madaling panahon ang kanilang mga armas. Lantad na…
Read MoreNO WANG-WANG POLICY NI PBBM ‘COPYCAT’ KAY PNOY
PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara ng kanyang anti-wang-wang policy kay dating Pangulong Benigno Aquino III, na nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong kanyang termino. Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng paggamit ng wang-wang. “It’s about really the number of [low-numbered o protocol license] plates na binawasan namin,” ayon kay Pangulong Marcos. Inaasahan ng EO 56 na mapipigilan ang pag-aabuso at mapapahusay naman ang transparency sa pamamagitan ng pinahigpit na regulasyon sa…
Read MorePILOT RUN NG MES KASADO SA CAGAYAN
NAKATAKDANG ikasa ng gobyerno ang pilot run ng Mobile Energy System (MES) sa typhoon-prone municipalities sa Cagayan Province. Layon nito na mapahusay ang katatagan ng bansa laban sa sakuna. Sa naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na umaasa ang pamahalaan na ang kasalukuyang “energy challenges” ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng “technology and innovation.” “We will hold the pilot run of the MES in the typhoon prone municipalities of Sta. Ana and Lal-lo in Cagayan Province. MES units will also be distributed to various government agencies, showing our…
Read MoreTAUMBAYAN GALIT NA SA POLITICAL PERSECUTION NG MARCOS ADMIN
TULUYAN nang nawala ang panawagang pagkakaisa (unity) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil napalitan ito ng panggigipit sa kanilang mga dating kakampi at sa ordinaryong mamamayan ng bansa. Ayon ito kina Jeffrey “Ka Eric” Celiz at Dr. Lorraine Marie Badoy sa kanilang programa na Pilipinas Nating Mahal sa SMNI noong nakaraang Biyernes, Abril 12. Sa nasabing programa ay kanilang kinapanayam ang unang Executive Secretary ng administrasyong Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez. Kabilang sa kanilang mga tinalakay ang warrant of arrest laban kay SMNI chairman at Kingdom of…
Read More3 TERORISTA NAPATAY SA LANAO ENCOUNTER
PATAY ang tatlong kasapi ng Daulah Islamiyah-Maute Group habang tatlong matataas na kalibre ng baril ang nabawi ng militar sa sagupaan sa Lanao del Norte. Kinilala ang tatlong napatay na sina Nezrin Sandab, a.k.a. Firdaus; Saipal Abubacar, a.k.a. Fariz; at Pabo Zainoden Radia, a.k.a. Musab habang may isang sundalo na nasugatan. Ayon sa ulat na ibinahagi ni AFP Western Mindanao Command, Public Information Office chief, Maj. Andrew Linao, patuloy na ginagalugad ng militar ang mga hinihinalang pinagkukublihan ng mga terorista sa layuning malipol ang mga ito na itinuturing na salot…
Read MoreKATAGAY KINATAY NG 16-ANYOS
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang 16-anyos na Grade 10 student makaraang saksakin ng isang ice pick ang nakatatandang kainuman na namagitan sa away ng mga bagets at nagresulta sa kamatayan ng biktima sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Isinugod sa Silang Specialist Medical Center (SSMC) ang biktimang si alyas “Kev”, 29, isang construction worker, ng Brgy. Biga 1, Silang, Cavite ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa saksak sa dibdib. Kinilala naman ang suspek na isang Grade 10 student, ng Barangay Adis,Silang, Cavite,…
Read MoreOBRERO HULI SA P.6-M SHABU
CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 20-anyos na construction worker nang mahulihan ng tinatayang P.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fastfood restaurant sa Trece Martires City sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act, ang suspek na si alyas “Salik”, ng Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Agency ROIv-A RSET 1 at…
Read More